Chapter 10

15 0 2
                                    

*You're my downfall,

you're my muse.

my worst distraction,

my rhytm in blues.."

bagong ringtone ko yan. Hahahaha. pero teka, sino ba tong tumatawag?! kumakain ako eh. :3

Panget <3 calling...

Panget <3 calling...

"O panget, bakit?"

"Hiii pangettt! ano, ok ka na ba?"

"Oo."

"baka nastressed ka? pacheck-up ka kaya? sa phsychiatrist?"

"panget, ang o.a mo na ha. grabity."

"baka lang kase. alam mo na? nastressed ang utak mo tapos yun.. NAG-AALALA LANG AKO SAYO!"

"Wala ka ngang dapat ipag-alala. ok na ko no. sige na bye na. bibili pa ko ng coke sa tindahan. osya. babush!"

"hindi ka na lalabas ng kwarto mo Kathryn." utos ni G. ano nanaman kayang problema nito?

"problema mo ba? libre nalang kita."

"hindi ka na nga lalabas. dyan ka na lang. bukas ka na bumili."

"pero gutom ako G!"

"K. di pwede. sapak ka sakin pag lumabas ka."

"waw ha. parang kanina lang concerned ka sakin tas ngayon sasapakin mo ko?"

"ang kulit mo eh."

"eh basta. bahala ka dyan. bibili ako!"

nagtungo na ako sa may doorknob at bubuksan na sana ito nang biglang may kumalabog sa terrace ko.

"G-Greco?!"

"Hi Kath. tigas talaga ng ulo mo. sabi ng wag ng umalis e."

"anong ginagawa mo dito?"

"nagdedeliver ng pagkain para sa isang prinsesang makulit."

"ayy, para sakin?"

"prinsesa ka ba?"

"che. lumayas ka na nga."

"joke lang. o andyan na mga gusto mo. sarsi, clover, piattos, pic-A. wag ka ng bumili sa labas"

"huh?"

"uulitin ko pa ba?"

"hindi na. akin na. pumasok ka nga. baka mamaya may makakita pa sayo!"

"Kath, dito ako matutulog ha?"

"huh? si kuya--"

"manahimik ka lang kase. maaga naman akong aalis dito bukas. nag-aalala lang kase ako sayo kaya gusto ko nakabantay ako sayo hanggang sa makatulog ka."

"eh? ok. kain muna tayo G!"

"tss. takaw."

"wow naman ang kapal parang sya hindi ah?"

"Hahaha! joke lang."

Nagkwentuhan lang kami ni G habang kumakain hanggang sa mapagdesisyunan naming matulog na. pinauna ko na sya kase kailangan ko pang magshower.. ng matapos sa shower ay humiga na ako sa kama. nakita kong natutulog na si G kaya pinatay ko na ang lampshade sa gilid ko at nahiga.

"Goodnight G." sabi ko kay G tapos kiniss ko ang forehead nya.

umayos na ako ng higa at ready ng matulog kung wala lang braso ang pabigla-biglang mamumulupot sa bewang ko. napagdesisyunan ko na magkunwari akong tulog na..

"Baby it's alright, i'll be just by your side, no need to cry out loud, i'll never leave, till you sleep, tonight.."

"Goodnight Kath." sabi nya pagkatapos ay binigyan ako ng halik sa tuktok ng ulo ko..

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon