A Whole New World

75 4 4
                                    

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock na nakapatong sa bedside table ko. Inabot ko ito na ini-off tapos natulog ulit.

 

ZZZzzzzzzzz......"ang init ng mukha ko. OO nga, bakit kaya mainit? Parang nangangagat ang init . Pa....pa..parang sikat ng araw".

I jumped out from bed and automatically  glance at my alarm clock, 8:25 na ng umaga. Nine ang klase ko at ang masaklap pa ay  first day  ng pasok ngayon. Naku naman, kabago-bago ko dito sa Cagayan de Oro at sa school na papasukan ko eh mali-late ako.  Parang may pakpak na nilipad ko ang maliit na banyo at mabilis na naligo. 

 

Splash...Splash...dalawang tabo.

Sabon..Sabon...

Shampoo...shampoo..Kalimutan ko munang maghilod. na parang hindi ko alam gawin yun.

Splash..Splash..Splash...TAPOS. OO, tapos na akong maligo.

I hurriedly wear my uniform, buti nalang at na-plantsa ko yun kagabi before I went to sleep. Isang white na blouse with a necktie tapos isang gray-striped na palda ang uniform ko. Nagsuklay, nagpolbo at nag lip-gloss ng kunti. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. After 20 minutes, chenen!!! mukha na akong tao.

Buti nalang at isang sakayan lang mula sa inuupahan kong apartment patungo sa school ko. Sumakay ako dun sa tinatawag nilang "Motorela". Nakakapanibago ang mga experience na nararanasan ko ngayon. A whole new world kumbaga.  Unlike with the experience I had before I decided to ran away from home. Naglayas po ako at isang buwis-buhay ang nilusutan ko bago ako napadpad dito sa lupalop ng Mindanao.  

Ulila na po ako at buong buhay ko ay inampon ako ng tiyuhin ko na nakatira sa Bulacan. May asawa yung Tito ko na sobrang mapakla,mapait,maasim ang ugali. To make the tale short. I had a very mesirable life living with them at idagdag pa ang nag-iisang anak nila na kung ituring ako ay isang personal maid. The only thing that's good was they sent me in a very prestigious school dahil sa kadahilanang personal maid nga ako ng pinsan kong bruha.  That experience made me aloof and loner. Yun ang rason kung bakit hindi ko na build-up ang  confidence ko. I have a very low self-esteem.

 I only had two bestfriends, si April at Diane. Ang mga kaibigan kong may busilak na puso. Sila ang nagdala sa akin dito sa Cagayan de Oro where they both came from.  I was here since April at medyo nakapag-adjust na ako sa mga tao dito. Nung first month ko dito, nakikitira muna ako kina Diane habang nagtatrabaho sa isang kilalang fastfood chain. Nung nakaipon na ako ng kaunti at naging scholar ng CHEd, lumipat at nangupahan na ako sa isang maliit na kwarto. At ang dalawa kong bestfriends ay bumalik na sa Bulacan. No choice ako but to live my life alone. Kailangan matapang ako. I will do everything to reach my dreams in life. 

 

Huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng gate ng school. Hindi kalakihan ang school na napili kong pag-enrollan. Pero nasisigurado akong  eto yung school na magiging instrumento para maabot lahat ng pangarap ko.

Patakbo kung tinungo ang classroom ko pero di ko napansin na basa pala ang semento na naapakan ko. 

LUMILIPAD AKO..Bakit ako lumilipad?.

BOOOOOOGGGG!!!!!!!!!!!!!

"A...aarraayyy.....araayyyy...ko" tama ang hinala nyo, nadulas po ako.

"Halaka paghinay day, nahugaw na noon ka"  [ Hala, dahan-dahan eneng, nadumihan ka tuloy] sabi nung matanda na nasa likuran ko.  Aba, sinermunan ako, tulungan nalang kaya niya ako. Kahit di ko naintindihan ang sinabi niya, alam kong sermon yun.

"Tsk...tsk..tsk..luoya sad nimu  Miss ui" [kawawa ka naman Miss].Isang lalaki ang sumulpot sa harapan ko .

Ano daw????????!!!. ganito ba talaga mga tao dito? Sermon muna bago tulong?

IKAW ANG LOVE KO.....BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon