"Kumusta ka na dyan Gabriella? Naku mukha atang walang pakialam yung Tito mo sa paglalayas mo. Ni hindi man lang ako tinanong kahapon? Nagkita kami sa mall. Parang masaya pa ata na nawala kana. Nag-shopping ba naman silang tatlo ng tita at yung pinsan mong bruha." mahabang litanya ni April. Nasa kabilang line ito.
Nakailang missed calls ito bago ko nasagot , sobrang mantika ang tulog ko dahil na rin sa pagod kagabi. Midnight na akong nakauwi.
"Mabuti naman kong ganun, pag hindi nila ako hinanap di rin ako mahihirapang magtago sa kanila. Alam mo namang ayoko nang bumalik sa kanila, diba?"
Tama, mabuti na ang ganito.Kalimutan na nila ako. Isipin sana nilang patay na ako. Wag naman sanang magkatotoo, gusto ko pa kayang mabuhay no. Ang sa'kin lang, bigyan na nila ako ng katahimikan. Alam kong masama ang ginawa kung paglalayas pero kailangan kong gawin dahil kapag nag-stay pa ako sa kanila magiging miserable ako habangbuhay.
FLASHBACK...
" Hindi na natin kargo na pag-aralin sa college yang pamangkin mong walang kwenta. Isa pa, Ann can handle herself, I think it's time for her to be independent dahil college na siya at yang pamangkin mong si Gabrielle ay dito nalang sa bahay para naman mapakinabangan yan at makapagbayad naman siya sa mga perang nagastos natin sa pagpapa-aral natin sa kanya. " mataray na sabi ng tita ko.
Aray naman!
Papasok na sana ako sa silid ko nang madaanan ang kwarto ng Tito at tita ko kaya narinig ko silang nag-uusap. Talaga nga namang mas masahol pa sa aso ang ugali nitong napangasawa ng Tiyuhin ko.
"Well, if that's your decision, then do it. Alam mo namang sa kahit na anong desisyon mo ay lagi lang akong naka-suporta sayo." mahinang saad ni Tito.
Kung nasaktan ako sa mga sinabi ng asawa nito ay mas lalo akong nasaktan sa tinuran ng Tiyuhin ko. Hindi man lang ako pinaglaban, palibhasa sunod-sunuran sa asawa nito.
Paano na yan? wasak lahat ng pangarap ko. Hindi pala ako makakapag-aral sa college.
Naiiyak ako sa ideyang yun. I have to find a way "by hook or by crook".
Nagmamadali akong tumakbo sa kwarto ko at humiga sa kama. Tumutulo na ang luha ko, sobrang bigat sa pakiramdam. Yung feeling na madilim pa sa gabi ang magiging future ko.
Kinabukasan, agad na sinabi ng tita ko ang plano nila at kahit na anong pilit ko eh talagang firm na ang kanilang desisyon.
Wala na akong magagawa kapag ganun. I told April at Diane about it and they both suggested a very risky solution and that was to run away from home.
Pinag-isipan kong mabuti yun. To do it? or Not to do it?
But for my future, I did it.
Dahil nga sa tulong ng mga kaibigan ko, nandito ako ngayon sa Mindanao.
End of FLASHBACK
Present Time
"Hoy Gabriella, still there? bakit hindi kana nagsasalita dyan? O, ano kumusta ang first day sa school? Maayos naman ba? Di ka ba nahirapang intindihin ang mga classmates mo? Naku, kelangan mong makipag friends day para naman di maging boring ang life mo. Subukan mo ring makipag-kaibigan sa mga boys." Machine gun ba tong bibig ni April?
BINABASA MO ANG
IKAW ANG LOVE KO.....BESTFRIEND
Romance"Hik..hik..hehehe .Noong una, ayoko talaga sa mga lalaki dahil akala ko malaking pagkakamali ang pasukin ang mundo nila. Pero nung nakilala at naging close kita nabago yun. At sa tingin ko I'm inlove with you bestfriend". "Hahaahahahahahahahaa...