Final Exam 2

512 29 3
                                    

AN muna bago ang lahat ^_^

Nais ko lamang pong sabihin na lubos po ang aking pasasalamat sa lahat po ng sumuporta nitong FINAL EXAM .

Pero kaklaruhin ko lamang po , SHORT STORY lang po 'to , at wala akong balak gawing series itech .

Dinagdagan ko lang yung story , dahil nga maraming nagsasabing bitin 'to (kasama ako dun ☺) .

Sorry na rin po kung may mga ambitious grammar ko (anye?) Pasensya na kung mali mali mga english , AMBITIOUS ENGLISHER ehh , pagbigyan na . haha :D

Tsaka eto pa , walang sisihan kung hindi nyo magustuhan ha , PILINGERANG WRITER lamang ako . Nilalagay ko lang yung kung ano ang pumapasok sa imahinasyon ko .

Ma-enjoy nyo sana 'tong part na 'to ^_^

Dedicated nga pala kay B1 *kaway kaway*

Nailagay ko ba yung nais mong story ? SaLamuch ng pala sa pagbibigay ng idea :))

==========================================================

JERVIC's POV

Tinitingnan ko lang yung pangalan mo , napansin ko kasing bagay sya sa apelyido ko .

Ano ba yung nasabi ko ?

 Panu ko ba malulusutan 'to ?

Tsk ! Tanga JERVIC ! Tanga !

Tila nabuhayan naman ang buong klase nang dahil sa narinig nila .

" YAN ANG BANAT MUÑOZ !! "

" BAGAY KAYO !! "

" ABAY AKO SA KASAL HA ! "

 Aysh ! Ano bang pinagsasasabi niyo ?

Baka imbes na matuwa si Aceah , eh lalong magalit sa mga pang aasar nyo , pikon pa naman 'to .

" MUKA MO !! Lumulusot ka pa ! Ehh , huling huli ka na ngang nangongopya ! Isusumbong kita !! " tumayo sya habang sinasabi nya yun .

Ikinuyom ko  naman yung kamay ko sabay bahagyang itinaas , sapat na para makita  ng buong klase . Agad naman silang tumahimik sa ginawa kong yun ( yun po kasi yung sign na pinapatahimik ko na sila )

Aysh !

Wala nang atrasan 'to .

Bahala na kung ano ang isasagot nya .

Listen Aceah Marie Montez , seryoso ako . Matagal na kitang gusto . Mga bata pa lang tayo gusto na kita . Yung sinabi ko sayong bobo ka ? Sinabi ko lang yun para mapansin mo ko . At muka ngang napansin mo naman ako , yun nga lang , bad shot ako , at alam kong dahil yun sinabi ko . Pero eto , bobo ka man o hindi , gusto pa rin kita ! Kaya sana maniwala ka . Agh ! Thank God ! Nagkalakas loob din ako " napakamot naman ako sa batok ko sa sinabi kong yun .

"......" hindi sya sumagot .

Nakatitig lang sya saken .

Ay HUWATTA MUD !!

Anong ibig sabihin ng titig na yan ?

Bakla man pakinggan , pero nanlalambot ako sa mga titig nya . Pakiramdam ko na paralisa ang buong katawan ko , hindi ako makagalaw . Grabe talaga ang epekto nya saken .

Alam nyo naman na sigurong gusto ko sya diba ?

MALI !

ULIT .

Final Exam ( 2 Parts )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon