.. Palapit ako ng palapit sa kanyang pinagtataguan,
Lakad takbo ang ginagawa nia upang makalayo ng tuluyan sa akin,
Pero dahil narin sa mga saksak na natamo niya mula pa kanina ay pahina na sya ng pahina,..kung noon ay stuff toy ni spongebob ang hawak ko,
Ngayon naman ay patalim na.Sa lumipas na mga taon ay maraming nagbago sa uri ng pamumuhay ko,
Isa na ako ngayong sikat,
Sikat na mamamatay tao,
----------------------------------------------------------
Ng makalapit ako sa babaeng pakay ko agad kong itinarak ang hawak kong patalim sa kanya,
Wala man syang atraso sakin,
Ngunit ang ama nyang pulis ay mayroon,
Masyadong makulit ang kanyang ama para buksan ulit ang kaso laban sa akin,
Iniwan ko sya na naliligo sa sarili nyang dugo, na halos di mabilang ang mga tama ng patalim sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.
1 .Sheryl Espirito
Agad kong nilisan ang lugar at bumalik sa aking tahanan na tila walang anuman ang nangyari..
YOU ARE READING
Ang kwento ni lila book 2
Mystery / ThrillerMay mga pangyayari sa buhay natin na hindi maipapaliwanag ng sinuman.. mga hilig na di maiwasan. at kamatayang di mapigilan. Ako si Lila ang babaeng huhusga sa dapat mabuhay o hindi, Ang babaeng nag aabang sa dilim..