CHAPTER 1

221 9 15
                                    

Chapter 1

*KRIIIIINGGG!!*

"Okay, pass your papers now. In the count of three, it must be here in front. In 1.. 2.. 3.." Sambit ni Mrs. Lopez habang pumapalakpak para agawin ang atensyon ng lahat.

"Ma'am wait lang!"
"Hala, wala pa akong sagot sa number 56.."
"5 minutes pa maam!"

Iilan lang yan sa mga sigaw ng mga kaklase ko, pero hindi sila pinagtutuunan ng pansin ng aming guro. Mabuti na lamang at naaral ko ng mabuti 'yong Physics formulas, Frequently used equations at iba pa kaya naman sa loob ng isang oras ay nasagutan ko ang lahat ng nasa papel.

"That's enough, isang oras at kalahati ang ginugol niyo para sagutan yan tapos hindi niyo parin tapos? Myghad! Grade 10 - Berkeley!" Sigaw ni Ma'am habang sapo sapo ang kaniyang noo at mabilis na lumabas ng silid nang makuha ang lahat ng test papers namin.

Napapailing na niligpit ko nalang ang mga gamit ko atsaka lumabas narin ng silid. Ramdam ko parin ang mga nanunuksong tingin nila sa paligid.

Hindi ko na lamang yon pinagtutuunan pa ng pansin at taas noo parin habang naglalakad patungo sa Cafeteria. Pakealam ko sakanila? Sila ba nagpapakain sakin? Psh!

Im aware that Im fat, Im an ugly fat duckling, mataba ako, panget ako, lahat na pero atleast may angking talino naman ako. Hindi gaya ng iba, puro ganda lang wala namang utak...

Sad to say but that's true, karamihan sa mga babaeng nag aaral sa eskwelahan na ito ay puro ganda lang at pagdating sa acads mga wala namang ibinubuga.

Napadaing ako nang may biglang bumangga saakin at natamaan ang kaliwang braso ko. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, tanga tanga!" At mabilis na umalis sila sa harapan ko habang humahalakhak ng malakas.

Pinulot ko ang ilang libro ko na nalaglag sa sahig nang magkabanggaan kaming dalawa ni Janina.

She's Janina Fuentabella, at alam niyo narin siguro ang role niya sa storyang 'to. Napakawarfreak ng babaeng 'yon, siguro nga kung nakamamatay lang ang tingin baka inilibing na ako.

Palibhasa anak ng isang kilalang senator kaya kung maka asta eh akala mo kung sinong prinsesa. Maganda sana siya, kaso lang wala ring utak. Puro ganda lang, wala namang binatbat pagdating sa acads.

Nang makarating ako sa Cafeteria ay agad na nakarinig nanaman ako ng mga bulungan. Na kesyo ganito ako, ganiyan ako. Pinapakealaman nila buhay ko, samantalang yung kanila di nila maayos ayos aish!

"Uy pre! Si Avril oh! Yung crush mo!" At sabay sabay silang nagtawanan. Si Brent, Austin at Spencer. Lagi nilang tinutukso si Spencer saakin pero hinahayaan ko nalang.

Isa pa malabong magkagusto sa'kin ang isang 'yan. Ang guwapo guwapo niya atsaka napakafamous nilang tatlo dito sa Freedom High.

Sa totoo lang unang klase palang namin ay siya agad ang pumukaw ng pansin ko at sobrang nabighani ako sa kulay asul niyang mga mata. May lahi kasing amerikano ang isang yan pero ang alam ko ay dito na siya lumaki sa pilipinas kaya naman nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng tagalog.

Minsan nga iniisip ko na sana totoo ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya na may gusto siya saakin pero di naman ako umaasa lalo na ngayon na sinabi niya sa mga kaibigan niya na..

"Ako?! Magkakacrush kay Avril? Ew! Kahit nga ata taong grasa hindi magkakagusto diyan eh, ako pa kaya? Hahaha!"

Mabilis na tumakbo ako palabas at pinili ko nalang na hindi na kumain ng tanghalian. Masyado nang masakit ang mga salitang yon na narinig ko mula sa kaniya. Tanggap ko naman na hindi niya ako gusto pero bakit ganon?

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pilit na kumakawala sa mga mata ko. Hinayaan kong umagos ang mga 'yon mula saaking mga mata at hindi ko na namalayan na nadala na pala 'ko ng aking mga paa sa isang lugar kung saan tunog ng ibon at ugong ng hangin lamang ang tanging maririnig ko.

Ito ang madalas na tambayan ko, iwas sa mga toxic at sa iba pang laging nanlalait sa'kin. Napakatahimik ng lugar na 'to kaya dito ko laging naiisipang magpunta atsaka ko ibinubuhos ang lahat ng hapis at kalungkutan ko.

Ayoko kasing ipakita sa iba ang kahinaan ko, kung maari ay gusto ko ako lang ang makakakita. Isa pa wala naman akong kaibigan kaya sarili ko lang talaga ang karamay ko sa mga panahon na 'to.

Paulit ulit na bumabalik sa'king mga isipan ang mga salitang binitawan ni Spencer sa Cafeteria kanina kaya hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang mga mata ko sa kakaiyak.

"Bakit ka ba kasi nagpapatalo sakanila? Pinipilit mong maging matapang pero ang totoo duwag ka. Natatakot ka na makita ka ng iba na umiiyak, kaya pumupunta ka sa isang lugar na ikaw lang ang nakakaalam. Tch, punasan mo na 'yang luha mo di bagay. Panget kana nga, mas lalo mo pang pinapapanget ang sarili mo aish!"

Mabilis na nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang nagbigay sa'kin ng panyo. Pero naglalakad na siya papalayo sa'kin. Kitang kita ko kung gaano ka-brusko ang bulto ng katawan niya kahit nasa malayo na siya.

Gusto ko siyang habulin at pasalamatan sa ginawa niya. Sayang nga lang at hindi ko nakuha kahit man lang ang pangalan niya. Napakabait niya, of all people na kilala ko dito sa school hindi ko akalaing may isa palang tutulong sa'kin dito at bibigyan pa ako ng panyo. Hindi ko lang nagustuhan ang mga huling salita na lumabas sa bibig niya, tanggap ko naman na panget ako pero kailangan ba talagang ipaglagandakan 'yon? Hays!

Pero tama naman siya eh, nagpapanggap lang akong matapang at malakas pero ang totoo napakaduwag ko at napaka-iyakin pa. Pinipilit kong maging matapang sa iba kahit mahirap, pinipilit kong magpanggap na ayos lang sa'kin ang lahat para di nila makita ang kahinaan ko, at mas lalong pinipilit ko ang sarili ko na huwag patulan ang lahat ng taong nangungutya saakin kahit napakahirap..

Dahil ayokong pagdating sa dulo ay ako ang maging kaawa awa sa mata ng lahat.

—————
A|N: Hello, once in a blue moon lang ako mag update dito kasi po mas nakafocus ako sa isang story ko na "Stupidly Inlove" kaya pasensya na po hehe. Pero itatry ko din po na dalasan ang pag uupdate dito.
Just give me your feedbacks about this story po, para alam ko kung maganda ba o hindi thankyouuu. Dont forget to Vote and Comment xoxo 💋

PS: Try to read some of my works too. I highly appreciated when you put my story on your reading's list. One story will do.
• My Senior Crush (completed)
•MSC 2: Stupidly Inlove (on-going)
• Her Smile Was Her Goodbye (one-shot story)

Thankyou so muchhh!!! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Miss Chubby Turns to Miss Sexy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon