CHAPTER 7 - Its the start..
eLhay's POV~
"GoodMorning Philippines!!!
Hello Monday!!!"
Grabe aga ko nagising ngaun ah.. Mukhang Maganda tong araw na ito ah..
Bumangon na ako at inayos ang sarili ko. trip kong pumasok ng maaga ngaun e..
pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako.
naabutan ko si nanay na nagkakape..
"Oh Anak ang aga mo ata ngaun?" Sabi nito.
"Feeling ko po kase magiging maganda tong araw na ito nay e.." Nakangiting sabi ko sa kanya..
"Haha Sigurado ako dyan anak.. maganda ngiti mo e.. ititimpla lang kita ng kape.. my pandesal dyan palamanan mo ng scrambled egg.." Sabi ni nanay..
Umupo ako at nagsimula ng kumain.. nilapag ni nanay ang kape ko sa harap ko..
"Thank you po.." Sabi ko.
"Wala yon.." I smiled at her then nagpokus sa pagkain.
habang kumakain ako napansin kong nakatingin sakin si nanay..
"Bakit po? " tanong ko..
"Ang ganda mo anak.. Kamukhang kamukha ka ng iyong ama.. siguro kung nandito sya.. proud na proud sya sayo.." Sabi ni nanay.. may lungkot sa mga mata nia.
Hinawakan ko kamay ni nanay at nginitian sya..
"Nay.. Miss nyo na sya? Alam ko po na kung nasan man sya ngayon e masaya po sya para satin kase Hindi tayo sumusuko na harapin ang buhay.. kase magkasama tayo at nagagawa nating ngumiti.." Sabi ko. ngumiti sya..
"Anak.. Mahal na mahal ka ni nanay.. lagi mong tatandaan yan. balang araw alam ko na makakaalis ka sa mahirap na mundong ito.." Sabi ni nanay..
"Opo nay.. alam ko po yan at isasama ko kayo.." Ngumiti lang sya at tumango..
Bakit ganun? bakit parang nawala sigla ni nanay nung sinabi kong isasama ko sya? hm guni guni ko lang siguro..
tinapos ko na pagkain ko at umalis na..
SA SCHOOL..
"Goodmorning Manong! " ^____^ Bati ko kay manong..
"O eLay mukha maganda gising mo ah." Sabi naman nito.
"Di lang po gising ko ang maganda.. pati po ako." Sabi ko.
"Hahahaha oo nga naman.." sabi ni manong.
pumasok na ko.. dire diretso ako sa room ko.. with matching pakanta kanta pa.
"La la la la la la la lala.. la la la la la la la la lala.. you're very first day.. you take a deep breath girl.." Di ko na natapos yung kinakanta ko kase napansin kong masama tingin ng mga classmates ko sakin..
Oopps.. here they are again..
Di ko sila pinansin at dumiretso sa upuan ko..
sinusundan nila ako ng tingin..
Whooooh! kaya ayaw ko maging sikat e.. sinusundan yung galaw ko..
BINABASA MO ANG
SG! AYLABYU
Teen FictionA GREAT LOVE STORY NA SIGURADONG MAGPAPAKILIG, PAGPAPATAWA AT MAGPAPAIYAK SA INYO:) ENJOY READING :*