Chapter 1

3 0 0
                                    

'Kriiiiing! Kriiiiing!' Sabi nung orasan. Okay?! Nagsasalita po siya, wag kayong magulo.

Ako si Vaneza Tea , you can call me VaneT for short :D Wag kang slow please?
I'm just kidding. I'm Eiah Givere, 16 yrs of existence.
Born in USA, sabi nila dun daw ako lumaki kaya wala akong kaibigan dito sa Pilipinas. But I do know how to speak in tagalog. At sabi din nila, ang salita namin dun sa bahay namin sa America ay tagalog. I don't know if I'm going to believe them.
And they told me that I have an amnesia, the only thing that they can prove because I can't remember anything except them.

Nakakatamad magkwento PROMISE! :3
Yun, kaya po nagsasalita siya kasi boses ko yun. Record ba!
Pero sa sobrang aliw ko sa pagkwento. Nakalimutan kong patayin ung bwisit na alarm clock nayan.

"Hoy PANGET! Gising na papasok na!" Gawain po ng kuya ko yan tuwing may pasok. Parang tanga lang naman siya, di niya ba alam na may alarm ako? Gising na gising na nga ko, nakapagkwento na nga ako sainyo eh.

"Gising na ko PANGET kong kuya!" sabi ko habang binubuksan ko ung pinto. Bumungad sakin ung gwapo kong kuya, model siya. Kung anong kinagwapo niya yun naman kinapangit ng ugali niya. Tss

"Tigil tigilan mo ang pagtawag ng panget sakin, gwapo ako! GWAPO!" At nasabi ko ba sainyo na mahangin din siya at hambog?

"Kuya, stop dreaming. I know there's a lot of girl that is admiring you. But don't put me on that list. They just saw you pag nakaligo ka na. But I sees you when you just out of your bed at kadiri yun. May panis na laway ka pa. WHAHAHAHA" Sabi ko sakanya. But i can't deny na gwapo ang kuya. Pero may mga bagay talagang nakikita ko na hindi nakikita ng ibang tao.

"EIAH! Di porket maganda ka, gaganyanin mo na ko! Kala mo sakin ha? Ha ha patay ka sakin. Waaaaaaaaaaaaah!" Pagkasabi na pagkasabi niya niyan ay sinugod na ko. At niwrestling sa lapag.

"Kaaayaaaah! MOMMY hahahahahaha si hahahaha kuya!" I stopped. Sabay "PANGET po! Hahahahahaha" kinikiliti niya ako. Tapos iniipit niya ung mga paa ko ng paa niya. Kaya muka kaming nagrewrestling.

Dali dali namang umakyat si mama. Kala niya siguro pinapatay na ko ni kuya. May narinig nga ata akong kalabog na parang galing sa hagdan. Mommy talaga.

"Oh Oh! Anung nangyari?!" Sabi niya papasok palang ng kwarto.
"Sus ginoo! Mga bata kayo. Aatakihin ako sa puso sainyo." Sabi niya mukang hinihingal pa.

"Peace tayo Mom! Si Eiah kasi eh, panget daw ako. Ang gwapo ko kaya diba mom? Diba diba diba?" Nakadagan padin siya sakin. Ayos no? *insert sarcastic tone here*

"Eh sinabihan niya nga din po ako ng panget. Eh ang ganda ganda ko, tapos siya pa nagalit. Tapos tignan mo mom oh! Naka dagan pa din siya sakin" Pagmamaktol ko.

"Ewan ko sainyong dalawa. Ke tatanda niyo na, ganyan padin kayo umasta. Ikaw Eiah, 16 ka na tapos ikaw Charles 18 kana. Nako nako! Kayong mga bata kayo."

"Mommy, sabi mo kanina matanda na kami" Kuya and I says in chorus.

"Joke lang yun. Mag-ayos na kayo at may pasok pa kayong dalawa. Ang kulit niyo!"
She said then we laugh.

Ganyan kami sa bahay. We're happy. We almost got it all, we're rich, we're all handsome and beautiful. We have almost all of it. Except when my father left us for a bitch.
Mom almost had it, why does dad looks for other? Why look for witches even when there's a princess? Mom is beautiful. Mom is intelligent. Mom is rich. Why did he looks for other, mom loves him so much that she can give up all she have for him?

I don't know where is he now. And I don't really care. I don't really fucking care if he's dead now. He hurt us all. Most of all, my mother. HE DO HURT MY MOTHER THAT MUCH WHERE SHE ALMOST DIE. By suiciding.

Di ko namalayan nasa banyo na pala ako.
Ang daldal ko talaga, first chapter palang may nasabi nako tungkol sa buhay ko.

I do my rituals sa banyo. Nagshampoo, nagconditioner, nagsabon ng katawan. Naghilamos. Nagtoothbrush. At lumabas ng kwarto para magbihis. Pero may hindi ako ginagawa sa umaga, ang magsuklay. Realtalk, hindi po ako nagsusuklay. Pagtrip ko lang.

Pagkababa ko, nandun na si kuya at nilalantakan ang mga nakahain sa lamesa.

"Hala, kuya ang taba mo na", Sabi ko kay kuya. Pero nagsisinungaling lang ako.

"Hala baby, di nga? Maggi-gym na nga ako mamaya" My kuya has sweet sides, sanay siyang tawagin akong baby.

Inaalagaan niya ung katawan niya para hindi daw tumigil ung mga babae sa paghumaling sa macho at gwapo niyang muka. Madami daw kasing nagkakagusto sakanya dahil daw hot siya. Sabi niya. HAHAHA

"Oo kuya. Bilisan mo na dyan. Kakaumpisa ko palang pero patapos na ko, samantalang ikaw kanina ka pa di pa ubos yang pagkain mo." Palibhasa kasi kain karpintero.

"Eto na nga eh baby. Mauna ka na sa kotse, patapos nadin ako." Yan nanamn ung baby niya. Kaya napagkakamalan kaming hindi magkapatid dahil jan eh. Tss, sabagay okay sakanya yun kasi walang nalapit sakanyang babae. Eh pano naman ako diba? Walang nanliligaw sakin kasi akala nila may boyfriend ako, at ang magaling kong kuya pa ang napagkakamalan.

Pagkapasok ko sa kotse niya, naamoy ko ung pabango ni kuya. Ang bango, gusto ko ung amoy ng kotse ni kuya dahil masculine ung amoy niya. Lalaking lalaki. Ewan ko lang kung ganun din si kiya.

Maya-maya ay pumasok na din siya sa kotse niya.

"Eiah, san mo gusto maglunch mamaya? Pwede naman sigurong lumabas ng campus para kumain diba?" tanong niya sakin bagp inistart ung kotse.

"Kahit saan kuya. No choice naman ako, dahil wala tayong kaibigan sa school."
Nasabi ko na ba sainyo na kakalipat lang namin sa bahay namin ngayon, kakatransfer lang namin ni kuya sa school na to. Hindi ko din alam kung bakit, ayaw naman sabihin ni mama at kuya ung dahilan. So, hinayaan ko nalang.

Nag-usap pa kami tungkol kami ni kuya ng mga walang kwentang bagay. Ke wag daw muna ako magboboyfriend. Kesyo dadaan daw muna sila sa butas ng karayom. Pano kaya yun eh ang liit liit ng karayom. Kuya talaga eh, andaming kalokohan.

Di namin namalayan na nasa harap na kami ng school. Ang Hearst Sky Academy, kung saan pagkapasok na pagkapasok namin ni kuya ay halatang mayayaman ang mga tao, pero nakakadiri sila, PDA. At hindi lang PDA, dahil EPDA na, Extreme Public Display of Affection. Yuck lang may mga nagpefrenchkiss pa. Yung iba nakaupo pa sa lap ng lalake habang naghahalikan. Talagang Public kasi dito pa sila sa labas at malapit sa gate.

Ayos mapapatangina ka nalang sa makikita mo.

"Eiah, san ba ung room mo? Hahatid na kita, mamaya may ibang mga lalaking magtanong sayo kung nawawala ka." Sabi niya ng nakakunot pa ang noo.

"Masyado ko na namang protective kuya. Sa girls ako magtatanong para may friends ako syempre..."
Sabi ko. At dinuktungan ko ng "Sabagay, ikaw kasi magtatanong ka sa mga girls dyan sa tabi tabi. Andaya mo naman kuya eh, ako bawal ikaw pwede?"

"Hoy di kaya loyal kaya ako" Sabi niya.

"Huh? Kanino?" Di nagsheshare.

"asdfghjkl." bumulong siya.

"Ano kuya?" Tanong ko.

"Wala, sabi ko ang ganda mo. Mag-ingat ka dyan ah, sa girls ka lang magtanong." Sabi niya sabay halik sa noo ko. At umalis na.

Kuya talaga. Girls lang daw tatanungin ko. Bakla siguro yun. Ayyyy! Ayaw maagawan ng boys. Hihihi

***

Chapter 1:Done

A/n
Sana naman matuloy tuloy ko to diba? Comment or vote. Thank you.
Suggest din kayo. But wag niyo pong papangunahan ung story. Hope you like the first chapter. :D

-Bluinkiolet

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams Do Come True (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon