Mag-Isa

124 0 0
                                    

Nasa isang sulok ng madilim na kwarto,

Unti-unti nang sumusuko,

Nawawalan na ng tiwala sa iba,

Pati na rin sa sarili'y pasuko na,

Pakiramda'y ipinagtabuyan na,

Ipinagtabuyan na ng mga taong mahal niya,

Kirot sa puso'y di nila nakikita,

Inaakalang siya'y walang problema,

Araw man o gabi'y binabagabag siya,

Iniisip na mas mabuting magkulong na lang,

Natatakot na buksan ang sarili para sa iba,

Nasasaktan man ng sobra-sobra,

Laban ay ipinagpapatuloy pa,

Sa isip ay pumapasok na tapusin na,

Dahil wala namang mag-aalala sa kanya,

Kahit na siya ay buhay o patay na.

The Poem Of Life: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon