Pahina 13

6.5K 170 2
                                    

Pahina 13

"Oh anak!"

"Mama, si Papa po?" Nakasalubong ko ang Mama na kakalabas lang sa kwarto nila.

"Nasa loob, nanonood lang. Bakit?"

"May sasabihin lang po ako."

"Sige pumasok ka na. Ikukuha ko lang sya ng tubig nya."

Tumango lang ako bago dahan dahan na naglakad. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng bahagya at binuksan na ang pinto. Here goes nothing...

"Papa?"

"Maiko."

Dahan dahan akong lumapit sa kama nila. Hawak ko lang ang sarili kong kamay habang nakayuko.

"S-sorry po. Sa nangyari kanina, i'm so sorry po."

Hindi agad sumagot si Papa kaya naman sinulyapan ko na sya ng tingin. Diretcho pala ang pagtitig nya sa akin kaya agad akong bumalik sa pagyuko.

"Maupo ka nga dito anak."

Agad nga akong naupo sa gilid ng kama sa may tabi nya. Hindi ko maalala kung kailan yung huling beses na pumasok ako dito sa kwarto nila. All my life i've been avoiding my father. Kapag nasa sala sya, nasa kwarto ako. Kapag nasa kwarto nila sya, tsaka naman ako bumababa. Ayaw na ayaw kong nagagawi dito sa kwarto nila kahit alam kong halos madalas ay nandito lang sya.

"I told you. I will not tolerate your actions. Nakakasama sa loob ang ginawa mo kanina sakin Maiko. I'm still your father!—" Saglit syang huminto at tinanggal ang salamin nya pagkatapos ay hinimas ang sintido nya.

"But it means a lot na pumunta ka dito para magsorry. Alam kong hindi mo ko naiintindihan. Alam kong galit ka sakin. Alam na alam kong maraming bagay ang ikinasasama mo ng loob sa akin. Pero you need to understand! Ikaw ang panganay ko. I have big plans for you!"

Napapikit ako dahil hindi ko mapigilang makaramdam nanaman ng inis. Heto nanaman kami sa big plans, big plans na yan.

"Papa! Nagsosorry lang po ako. Pero kung sasabihin nyo po sakin na kasama sa big plans nyo yung turuan akong mamalakad sa farm, then sorry po ulit! Hindi po ako papayag."

Tumayo ako at hinarap sya. Kitang kita ko ang pagpikit nya para pigilan ang sarili nyang magalit nanaman sa akin.

"Papa, tatapusin ko lang po ang pagaaral ko then i'm out of here. Susundin ko lang po itong gusto nyo ngayon para sakin and then i'm sorry pero yung gusto ko na po ang gagawin ko. Goodnight."

Agad akong lumabas at nakitang mukhang kanina pa nakikinig si Mama. She tries to reach for me pero agad akong umiwas at dumeretcho na sa kwarto ko.

Walang iiyak Maiko! Gabi na magdadrama ka pa! Para kang tanga!

Malinaw ang punto ni Javier kanina. Kaso tulad rin noon. Masyado ng mataas at matibay ang pader na ginawa ko sa pagitan namin ni Papa. Kahit anong mangyari ay lagi ko lang syang hindi maiintindihan. Lahat ng pwede nyang sabihin sakin ay iba ang magiging interpretasyon ko.

Masama na kung masama pero nahihirapan talaga akong kausapin sya, intindihin o unawin. Someday. I just really hope that someday ay mawawala rin lahat 'tong kapraningan ko. Someday, magiging maayos rin kaming dalawa. Someday, mamahalin nya rin ako at susuportahan sa lahat ng pwede kong maging desisyon sa buhay.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon