ASSUMING 2:
“So..ano ngang nangyari?” interesadong tanong sa akin ni Merry
Nagpunas muna ako ng tissue sa gilid ng mata ko at saka suminghot. Parehas na nakatanghod sa akin si Merry at si Jessy. “Before I share it, pwede bang um-order muna tayo ng Milk Tea?” request ko
Sabay na nagtirik ng mata sa akin yung dalawa at saka frustrated na umiling. “Alright, ako nang bibili. My treat. Broken ka ‘eh!” pikon na sabi ni Merry at saka tumayo at um-order
Naiwan kaming dalawa ni Jessy doon. Kinuha ko yung pouch bag ko at saka nilabas ang compact powder ko. Nag-apply lang ako ng slight na pulbos para matabunan yung pisngi kong nabasa ng luha kanina.
“Non-sense, Ann. Iiyak ka din naman mamaya pag kwento mo ulit. Sayang effort, teh!” sita sa akin ni Jessy
Di ko nalang siya pinansin. “Hindi ba talaga makakarating si Keith?”
Nagkibit balikat siya habang busy sa cellphone niya. “Ewan ko ‘dun.”
“Para isang kwento nalang kasi.” Sabi ko ulit
Dumating na si Merry dala-dala ang tatlong Milk Tea, symepre Winter Melon flavor. Favorite eh.
Nilapag niya sa harap namin yung milk tea. Tapos tumingin na siya sa akin. “Pwede na?” naiinip niyang tanong
Huminga ko ng malalim. “Wala eh, umasa na naman ako. For the nth times, ganun na ganun ulit ang nangyari.” Malungkot kong pasimula
Ngumuso si Merry. “Paano nga?”
“Eh kasi nga, itong kaibigan natin masyadong malisyosa. Ginawan lang ng sweet na bagay, binigyan na ng ibang kahulugan!” singit ni Jessy
BINABASA MO ANG
Ang Dakilang ASSUMERA!
General FictionHindi naman masama ang mag-assume diba? As long as nagbibigay sayo ng motibo ang isang tao. Pero sana, kung wala silang balak na gustuhin tayo hanggang huli...wag na nilang tayong paasahin. Masakit kasi. Sobrang sakit mag assume na akala mo mahal ka...