Same Fall

243 13 4
                                    

SAME FALL

“Ate, may itatanong ako.” Umupo ako sa tapat na kama at humarap sa kanya na may ginagawa sa laptop niya.

“What?”

“Kelan mo balak magboyfriend?” She paused at unti unti akong nilingon.

“Anong tanong yan? Bakit gusto mo na ba ko magkaroon ng boyfriend? Pano yun baka mabawasan ako ng oras para sayo.”

“Sus, di naman siguro. Edi maghahanap na rin ako ng boyfriend.” Dumapa ako at humalumbaba.

“Tumigil ka, magtapos ka muna. Malapit ka na rin naman grumaduate tapos maghanap ka muna ng trabaho.”

Hehe. Sa officemates mo ba walang pogi?”

“Meron naman.”

“Talaga? Edi boyfriend-hin mo!” Nilingon na naman niya ko at kinunutan ng noo.

“Seriously, Gaby? Ano bang nakain mo at kung anu-anong sinasabi mo diyan?”

“Come on, Ate Dany! You’re 22 dapat may boyfriend ka na! Maganda naman lahi natin pero hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend.” She rolled her eyes at tinutok na ulit ang atensyon sa laptop niya. Tumihaya ako sa kama at tinitigan na lang ang kisame.

I’m Gabrielle Ford, 19 turning 20. 4th year college na ko sa pasukan, konti na lang at gagraduate na ko. My sister is Danielle Ford, 22 turning 23. Nagtatrabaho na ang kapatid ko at napakatalino niya. Kaya pagkagraduate palang niya noon ay may kompanya nang nag-aabang sa kanya. She’s also beautiful kaya idolo ko siya.

Oo siguro naaano kayo dahil matanda na rin ako pero wala pa kong boyfriend at pinapauna ko pa siya. E kasi naman, hindi ko alam kung bakit ayaw pa niya magboyfriend. Gusto ko rin kasi ng Kuya kaya naisip ko, kung may boyfriend na si Ate Dany, magkakaroon na rin ako ng instant Kuya. Diba? Don’t get me wrong, masaya na ko na may Ate ako pero kasi iba pa rin kapag may Kuya ka. Someone that can protect you and can punch a guy that would hurt you.

Di ko rin alam kung bakit wala pa kong boyfriend e. Ang tagal ko na ring hindi in love, hindi ko mahanap si Mr. Right at hindi rin matamaan ni Kupido ang puso ko. I’m not entertaining anyone pero uso pa rin naman sakin ang magkaroon ng crush though hanggang crush lang talaga.

☪        ☪        ☪        ☪        ☪

Kinabukasan ay nagising akong wala na si Ate. Ganito naman palagi e, maaga siyang umaalis para pumunta sa trabaho niya. Maiiwan akong mag-isa sa bahay dahil may trabaho rin ang parents namin. Wala pang pasok kaya wala pa kong magawa, dakilang tambay sa bahay. Kain, ligo, tulog, nood ng tv at laptop lang lagi ang ginagawa ko. Kung lalabas naman kasi ako ng bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang mga kaibigan ko may kanya kanyang lakad din naman kasi.

Same Fall [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon