Epilogue ~~

34 3 0
                                    

Author's Note:

Annyeong haseyo. ^_^ Eto na talaga yung last. Pagpasensyahan, nyo na kung sabaw ha. :)) Epilogue na ito. Hindi na ito one-shot ihh. ^_^

 

Game

 

___HappyVirusFiancee___

 

------------------------------

"Corneliaa!!! Gising naa. 5 na ng hapon ay aba. 19 oras ka ng natutulog. Tao ka pa ba? Bampira ha? Bampira? Ano mayaman ka ba sa panaginip mo at ganyan ka katagal matulog? Mygadd~~ Bumangon ka na dyan bago pa kita mabuhusan ng tubig. -_-"

 

Inaantok pa nga yung tao tapos biglang mambubulabog sya. Haisst. Bumangon na ako kasi baka mabuhusan pa ako ng tubig.

 

Tumayo ako at hinanap ang mga posters na nakalagay sa study table ko. Hayy, bakit ba yun nawala dito? Bigay pa naman yun ni Kai-biased.

 

"Ate!! Kinuha mo ba ang posters ko?"

 

"Anong posters? Kelan ka pa nagkaroon ng posters? Hayy, tingnan mo ang epekto ng tagal mong pagtulog. Kung ano-anong napapaniginipan mo. .___. "

 

Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sinabi ni Ate.

 

Third Person's POV

Oo, tama kayo ng iniisip. Lahat ng nangyaring pagkakakilala nya sa EXO ay isang panaginip lamang. Ginawa ni Cornelia ang lahat upang mapatunayan na hindi iyon panaginip ngunit wala syang nakitang kahit anong bagay na nakakapag-patunay na hindi iyon panaginip. Tinawagan na rin niya ang kanyang 'bestfriend' ngunit wala din itong alam na pumunta sila sa mall upang bumili ng damit. Umupo sya sa kama at ipinatong ang kanyang ulo sa tuhod at saka humagulgol sa pag-iyak. Hindi sya makapaniwalang panaginip lang lahat ng iyon.

 

"Cornelia, may ipinadala sayo si Mama oh." -sabi ng kapatid nya sabay abot sa kanya ng isang short brown envelope.

 

Hindi naman ito kinuha ni Cornelia kaya inilagay na lang ito ng kanyang kapatid sa kanyang study table.

 

Gumabi na ngunit hindi pa rin natigil si Cornelia sa pag-iyak. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya tinignan nya ang nag-text.

 

It's her mother.

 

From: Mama

Anak, alam kong hindi mo pa nabubuksan ang ipinadala ko sayo kaya sana anak buksan mo na ito.

 

Well, ang totoo kasi nyan, she loves her mother very much ayaw nya lang itong ipahalata kasi nagtatampo sya dito kasi hindi nga sya pinapayagan bumili ng kahit ano. Pero mahal na mahal nya pa rin ito.

 

Kinuha nya ang envelope at saka iyon binuksan.

 

Lalo syang napaiyak ng makita nya ang laman ng envelope.

 

"Kyaahh~~ Ma--mama na-naman ihh."

Living a Dream (EXO Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon