Love is complicated..
it starts before we're ready,
it continues while we are still trying to figure out the point of it,
and it ends long before we worked out just what to do.
Is it just me or love really is complicated like a game?
-
-
Grand Alumni Homecoming Batch 20**-20**...
Ako si Diane Salvador, 21 years old at kasalukuyang nasa paaralang pinasukan namin noong sekondarya kami dahil sa alumni.
Batian dito, batian diyan. Anong na-accomplish mo? Takti, seksi mo na ah, sikreto mo? May jowa na ba? Ano plano mo? Pare-parehong tanong na lang..
"Diane," lumingon ako sa tumawag sa akin. Kilala ko kaninong boses yun.
"Nikko.."
Nagngitian lang kami. Walang ni isa ang nakipagkamustahan. Nagsimula ang programa sa entablado na katabi ko siya. Walang kaso sakin yun.
Walang imikan. Tahimik lang kaming nakaupo at nanunuod ng mga itinatanghal sa harap.
"Mahal mo pa ba ako?" nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Nabigla ako sa itinanong niya, di ko inaasahan yun.
"Ayaw kitang ma-offend sa sasabihin ko," aking simula, "Pero noong grumaduate ako, iniwan ko na doon, lahat lahat," nagulat siya sa isinagot ko, "kaya kahit konti," umiling ako saka nagpatuloy, "wala na."
Tumahimik sandali ang atmospera sa aming dalawa saka ibinaling niya ang kanyang tingin pabalik sa entablado, maging ako ay ganoon din ang ginawa.
"Tinanggihan mo pa kasi ako," sambit niya.
"Pinaglaruan mo kasi ako," wika ko.
May mga taong tulad ko na hindi naniniwala sa second chance, oo, dati yun ang kinakapitan ko, pero kung lalabas kang tanga, wag mo nang ituloy. 'Love is sweeter the second time around' Di nga? Naniniwala ka jan? Paano kung wala palang love at puro hurt nung first, di ka pa ba babalik sa ideyang kalimutan siya? Na sapat ka nang masaktan ng first love mo para isaksak mo sa kokote mo na walang kayo in the future?
My college days surely were something.
-3 years ago : College Days-
Bestfriend ko si Nikko Mendez, 2 years ahead siya sa akin. Hindi ko nga matandaan kung paano kami naging close, ang alam ko lang ay lagi ko na siyang kasama tuwing vacant time noong nasa sekondarya kami. 2nd year college ako sa panahong ito.
Dumating yung time na nahuhulog na pala ako sa kanya nang di ko namamalayan. Di ko yun pinaalam sa kanya kasi ayokong masira friendship namin. Kada pasok niya sa isang relasyon, kailangan kong magpanggap na masaya para sa kanya, ang di niya alam.. deep inside, ang sakit talagang makita siyang may kasamang iba. Di naman ako selfish para kailangang sa akin lang ang oras niya. Ano ba naman ako sa kanya? Isa lamang sa mga 'kaibigan' niya. Kaya kahit anong gawin ko, siya ang may hawak ng desisyon niya.
BINABASA MO ANG
The RNG of Love (OneShot)
أدب المراهقينSa game, may RNG. Maniniwala ka bang may RNG din ang love? "RNG" means "luck" or "lucky", as in "bad RNG" and "good RNG". It means, pwedeng bad or good ang kalalabasan ng love story mo. Complicated? Yes, very. Love is complicated.. it starts before...