KABANATA 2

4 0 0
                                    

NANG makarating sa harap ng school,nagpasalamat siya kay tyzon sa pagsabay nito sa kanya sa kotse nito.

"mabuti nga at nakita kita kanina,baka hanggang ngayon nakatayo kaparin dun"

napaka bait talaga ni tyzon,sa pagaakala kasi niya noon ay isang masungit na teacher ang lalaki pero,ng mapadalas siya sa pagtatambay sa library,unti-unti niyang nakilala ang tunay na ugali nito.

si tyzon ang may ari ng library kaya,bilib na bilib siya sa talino nito,marami kasing alam keysa sa ibang teacher,pero kung pagwapuhan lang din ang labanan,tiyak mas pipiliin niya si rance

nagpaalam na siya kay tyzon na mauna na,siguradong pagagalitan siya ni Rance, ang masungit niyang adviser.

kinabahan siya bigla ng mahagip ng paningin niya ang pintuan ng classroom,rinig niya ang nagiingay niyang mga kaklase sa loob.

humugot siya ng malalim na hinga at mahigpit na hinawakan ang kanyang palda.tsaka pinagpatuloy ang paglalakad.

ng makarating siya sa harap ng pintuan,kaagad nasa kanya ang tensyon ng mga kaklase niya at ang kalmadong mukha ni Rancess ay nangunot ang noo.naglakad ito sa pintuan at tumigil sa harap nya.

ngumiti siya sa lalaki,at tila nabawasan naman bigla ang kabang naramdaman niya kanina.

"G-good morning po sir,pasensya na at nalate ako ngayong araw"

'ngumiti ka naman'

nakikinita niya ang paggalaw ng panga nito,natakot siya bigla sa lalaki.ngayon lang nya nakita ang panga nito sa galit

"bakit ngayon kalang?"

"wala po kasing masakyan S-samin sir,kaya...naglakad nalang ako"

narinig ni debby ang pagsinghap ng mga kaklase niya,

'sinungaling!'

"pero ang sabi ni ms.montero,sumakay ka raw kasama ang english teacher niyo"-tinutukoy nito si elise.

sinulyapan niya si elise,kaagad na umiwas ito ng tingin sa kanya at nagkunwaring nagbabasa.

naiinis siya,bakit kasi ang daming tanong ng lalaking ito?!

"sumakay nga ako sa kotse ni sir.tyzon kasi inaya niya akong sumakay,naawa daw siya kasi baka malate ako tapos ang layo pa ng lalakarin ko"

gumalaw na naman ang panga nito,bakit ba ito nagagalit?!siya pa nga dapat ang magalit dahil di niya ito nakasabay!

at saan naman nito nalaman na sumakay siya sa kotse ni Tyzon?ang pagkakaalam niya,wala naman siyang nakitang studyante ng sumakay siya sa kotse ni tyzon,at hindi nga alam ni elise na kasabay niya ang english teacher nila.

"pumasok ka na ms.caballero"-tila nauubusan ang boses nito ng pasensya

"salamat naman sir"-sarcasismo niyang sabi.pumasok na siya at nagtungo sa upuan niya sa pinaka likuran.padabog na naupo siya, naka pokerface na nakinig sa buong discussion ni rance

BREATIME at nasa canteen silang pito na magkakaibigan,si elise,sinabay nito ang boyfriend na si pitch,Yana montenegro,Criza Nam,samantha alcantara,Garcia Rodriguez,Althea claveria,at siya.

si elise lang ang kaklase niya,kaya kahit di nya kaklase ang apat,nagkakasama parin naman sila kapag recess.

si yana montenegro at samantha alcantara ay natural na pilipino,nakaka attractive ang ganda ng dalawa kahit hindi nakailangan mag make-up,si criza Nam naman ay may lahing spanish .ang daddy kasi nito ay half pilipino at spanish ang mommy nito ay natural na pilipino,napaka simple lang kung kumilos,akala mo ay napakabait nito pero may tinatago palang ka malditahan,si Garcia Rodriguez naman na kung kumilos ay lalaki,sa pitong kaibigan ni debby ay ito ang pinakapaborito niya sa lahat,ngayon lang kasi siya nakakita ng babaeng kasing astig ng lalaki.si Althea claveria,ito ang pinakamatalino sa kanilang lahat na magkakaibigan,palaging tambay sa library at kapag nasa calssroom na,buong magdamag nakaharap lang sa notebook.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Psycho Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon