Sumabay ang buhos ng ulan sa pagagos ng luha ni Debby sa pisnge.
KANINA pa niya iniiyak ang pagkamatay ng aso niyang si DB hanggang ngayon di parin siya nakakamove on.
Nagiisa lang kasi ang aso niyang si DB,kinuha pa niya ang pangalan ng aso niya sa pangalan niya.
Nasa sarili siyang kwarto at naka higa sa malapad na kama.
Nagpapadyak ang paa sa inis."Ito ngayon ang napala ko kaka stalk kay sir!namatay si DB dahil sakin...huhuhu"
Bago pumasok kaninang umaga,nakita niya kasi si sir.Rancess niya, sumakay sa kotse nito kaya nagbike siyang sinundan ang lalaki.hindi niya alam na hinahabol siya ng aso at tinatahol siya,huli na niya napansin ang aso,nasagasaan ito ng kotse at sinalubong pa ng ilang beses.
Kahit durog na ang katawan,inuwi parin niya at inilibing sa likod ng apartment."Bwesit!Bwesit!huhuhu"
Sising-sisi Si Debby sa sarili.bakit kasi pinabayaan niya ang aso niya,ito na nga lang ang naiwan sa tabi niya at nagiisa lang ito,namatay pa at kasalanan niya iyon.
Nagiisa nalang siya sa buhay,wala nang magulang na papayo sa kanya,pinabayaan kasi siya ng mga ito dahil lang sa pera.
Naiinis siya tuwing naaalala ang nakaraan niya kaya umupo siya sa kama at kinalma ang sarili.
Nang gumaan ang pakiramdam,umalis siya sa kama at nagtungo sa terace ng kwarto niya.Malaki naman kasi ang apartment na nerentahan lang niya.
Di naman siya maboboring,araw-araw naman niyang pinagmamasdan si sir.rancess niya.basta di lang siya nito mahuhuling sinusundan niya ito'Jusko Deb,dose syete kapa lang'
Oo nga at dose syete palang siya,malapit narin naman siya mag eigteen,at malapit na niya matupad ang pangarap niyang maikasal kay sir.rancess niya
Ngingiti niyang pinagmasdan ang mga ulap sa kalangitan,may araw naman pero umuulan.
Minsan na siya nakakita ng ganun noon,umuulan pero maaraw.
Ang sabi daw ng pinsan niyang si Elise,kapag daw umuulan pero maaraw,ikinakasal raw ang tikbalang pero di siya naniniwala dun.
Maniniwala lang siya kapag silang dalawa ng sir.Rancess niya ikakasal balang araw."--so?!"
Namulagta si Debby ng makarinig ng boses sa katabing apartment.
"Oh dianne!kailangan nga kita ngayon okay?!naintindihan mo ba?"-may bahid yung naiinis.may kausap yata sa cellphone dahil minsan na niya itong naririnig sumigaw.
SI Dianne ang girlfriend ng sir.Rancess niya,mag tatatlong taon na ang mga ito at balita niyang malapit ng ikasal.
Pero di niya titigilan ang kaka stalk sa lalaki hangga't di niya ito napapaibig.Umalis siya sa terace at dahan-dahan ang hakbang ng paa na nagtungo sa pintuan ng kwarto at binuksan yun.naglakad siya sa pinto ng apartment niya at dahan-dahan niyang binuksan
Sinilip niya kung nasa labas ang lalaki at di siya nagkamali.nasa labas nga ito at nakasandal sa hamba ng pintuan nito.
Nakapadyama na puti at t-shirt na puti ang lalaki,nakaharap ito sa kanya pero ang mata ay nasa kawalan nakatingin.hawak ang isang kamay ang maitim at makapal nitong buhok at ginulo-gulo
"Just tell me,kung ayaw mo akong makasama...masakit na nga ang ulo ko,pinasasakit mo pa lalo!"
Nung nakaraang araw,nagpunta kasi si dianne sa apartment ng lalaki halos di na siya makahiga sa kama kapag magkasama ang sir.rancess niya at ang girlfriend nito.
Itinikom ni Debby ang bibig,ayaw muna niya magisip tungkol sa syota nito.maiinis lang siya at matawag nanaman niyang tanga ang sarili kapag nahuli siya ng sir.rancess niya.
