"Start of the Adventure"

78 1 0
                                    

Tin




Pilit kong tinatakpan ng mahabang tuwalya ang aking balat na nadadampian ng init ng araw.

Suot ang blue jeggings at loose blouse ay ramdam na ramdam pa rin ang init ng araw sa aking katawan.

Ipinusod ko ang aking buhok na abot-bewang at isi-nukbit ang isang earbuds sa aking kaliwang tenga.

Nasa labas kami ng dormitoryo kung saan nag-i-stay ang dalawa naming kaibigan na sila Gaddi at Jess.

Ang usapan ay alas-5 ng umaga magkikita-kita, pero dahil Filipino time, alas-7 na ay narito pa rin kami.

"Ano na?! 10-years na tayong naghihintay kay Gaddi!" Sigaw ni Desiree na nakakunot ang noo.

Napalingon ako sa kanya.

Suot niya ay shorts na hanggang tuhod at 3/4's na pang-itaas. Nakasukbit sa kanyang leeg ang headphones na kulay blue. Boyish man siya mag-damit at kumilos alam namin na babaeng-babae siya.

Matapos mag-aral ng apat na taon ay nakamit din namin ang diploma sa pinaka-aasam na BSN (Bachelor of Science in Nursing) at i-upgrade mo pa sa RN (Registered Nurse) nang makapasa kaming lahat sa board exam.

Dalawang taon na ang lumipas matapos ang graduation at board exam. Nagkahiwa-hiwalay na rin kami ng landas dahil sa mga workplace namin at marami na rin ang nabago sa mga buhay namin.

Kaya naisipan namin na mag-reunion. Yung bongga! Yung special! At hindi namin makakalimutan kahit kailan.

At mag-uumpisa iyon ngayong araw na ito.

"Sorry guys, ang hirap mag-hanap ng bathing suit." Ani Gaddi nang makalabas sa gate ng dormitoryo.

Naglakad siya palapit sa amin.

Suot ang paborito niyang fitting clothes. Fitted na pants at fitted see-through shirt.

Oo nga pala, binabae ang kaibigan namin na ito kaya maraming kaartehan sa katawan.

"Hay... Tsk. Tsk. Tsk." napailing na lamang si Desiree at muling isinukbit ang headset sa ulo.

"Nasan na ba yung jowa-jowaan mo na si Edward?" Bungad na tanong sa akin ni Gaddi.

"Baliw! Hindi ko jowa yun!"

"Sus! Kunwari ka pa! Samantalang crush na crush mo yun dati!"

"Grabe ka! Kung crush na crush ko yun sana in-stalk ko na siya ng bongga! Kaya crush lang. But that's all in the past. Friends na kami ngayon."

"Sus! Showbiz!"

Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

Si Edward. Nakilala ko siya sa school. Naging classmate namin siya ni Gaddi sa isang minor subject.

Oo. Crush ko siya. Noon. Pero mababaw lang yun. Hindi dumating sa punto na naisip ko na maging boyfriend siya. Ayoko. Takot ako.

"Yan na si Edward." Singit ni Desiree sa lumilipad kong isip.

"Hay! Mabuti naman. Napakatagal niya." Bulalas ni Gaddi.

"Hiyang-hiya naman kami sayo?! Sino ba ang nagpahintay ng mahigit dalawang oras?!" Singhal ni Desiree.

"E, baket?? Nag-prepare pa nga ako e!" Sagot naman ni Gaddi.

At nagtuloy-tuloy na ang sagupaan nila ng sagutan.

Napailing na lamang ako sa dalawa.

Lumabas si Edward mula sa driver's seat ng puting Van na minaneho niya.

"Kanina pa kayo?" Tanong niya habang papalapit sakin.

Tumango ako at ngumiti ng tipid.

"Sorry." Aniya at umakbay sakin.

Hanggang ngayon naiilang pa rin ako kapag ganito siya. Oo. Wala akong nararamdaman sa kanyang iba bukod sa pagiging kaibigan.

Sweet lang talaga siya at super close namin sa isa't-isa.

Siya yung crush ko dati na naging BFF ko dahil sa groupings sa subject na naging dahilan ng pagmi-meet namin.

Sa sobrang close namin minsan ginagaya yung mga suot kong damit. Katulad ngayon. Nakasuot siya ng jeggings na blue at light pink na shirt na kakulay din ng suot ko.

"Yung totoo? Umamin nga kayo. Kayo na ba?" Tanong ni Gaddi nang makita ang pagkakaparehas samin.

"Mga baliw! Kapag tropa, tropa lang!" Sagot ko.

Napa-bitaw si Edward mula sa pagkaka-akbay sa akin at lumapit kay Thoi.

"Ikaw talaga ang hilig mo magselos, parehas naman tayo ng pants o!" Pang-aasar nito kay Gaddi.

"Letse! Kinikilig ako!" Saad ni Gaddi kasabay ng paghampas niya sa balikat ng lalaki.

Natatawa lang kami ni Desiree sa in-akto ng dalawa.

Maya-maya pa ay lumabas na si Jess sa lungga nito bitbit ang kanyang bag.

"Sorry guys, tumawag Papa ko." Aniya.

"Okay lang. Kakarating lang din ni Edward." sagot ko.

"Ganun? Kapag si Jess okay lang na matagalan? Kapag ako katakot-takot na panlalait ang nararamdaman?" hirit ni Gaddi.

"Syempre! Ano pa ba ang ini-expect mo?" ani Desiree.

Sumakay na kami sa van. Nasa tabi ako ni Edward sa unahan. Yung tatlo naman ay nasa likuran.

"Nasaan sila Tina?" tanong ni Edward.

"Nasa mall na daw sila." sagot ni Gaddi.

Ang iba naming mga kaibigan na sila Tina, Rej, Rio, Shiey at Chen ay nagkasundo-sundo na magkita sa isang mall sa Quezon City para doon nalang namin sila susunduin.

Kasya ang dose na tao sa van kaya complete attendance ang barkada.

Nang makarating sa Mall ay agad na sumakay ang iba at nagpatuloy na kami sa byahe.

Foodtrip.

Kantahan.

Kwentuhan at tawanan.

Yan ang ginawa namin sa buong road trip papuntang airport.




Nang makasakay sa eroplano at nasa himpapawid na ay plakda ang lahat sa pagod.

Nakatingin ako sa labas ng bintana at tinatanaw ang mga ulap sa kalangitan.

"Malapit na tayo." anas ni Edward.

Maya-maya pa ay nag-anunsyo ang flight attendant sa nalalapit na pagbaba ng eroplano.

"Yan yung Isla." Turo ni Edward.

Maliit, nagniningning sa ganda at aliwalas.

Bigla ang pagdantay ng kaba sa aking dibdib.

Hindi ko mawari kung tuwa o takot ang naramdaman ko ng mga oras na iyon.

Napabuntong-hininga ako at nanatiling nakatitig sa isla.






@@@@@




Ano kaya ang naghihintay sa amin sa Isla?


Isla (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon