Tine
Nag-unahan na ang mga kasama ko sa resthouse ng marating namin ang Isla.
Halos anim na oras ang inabot ng byahe mula Manila to Palawan kasama na ang waiting hours, matapos nun ay sumakay pa kami ng bangka papunta sa Isla.
"May tatlong kwarto ang resthouse, banyo, kusina at sala. Kaya lang walang kuryente." Saad ng matandang lalaki na caretaker. Si Mang Densyo.
"Alam po namin. Nakapag-research po kami bago pumunta dito." Sagot ni Edward.
"Ganun ba? Mabuti naman. Basta mag-ingat kayo sa pagsisindi ng kandila." Dagdag pa ng matanda.
"Meron din po bang resthouse na malapit dito?" Tanong ni Chen.
"Oo. Kaya lang malayo ang mga pagitan. Mahabang lakaran ang kakailanganin ninyo." Sagot ng matanda.
"Mabuti na lang at nagdala tayo ng maraming pagkain." Saad ni Tina.
"Oo nga. Kung hindi tag-gutom tayo dito." Pag-sang-ayon ni Gaddi.
"Ang ganda ng loob! Tine dun tayo sa kwarto sa kanan!" Sigaw ni Rio mula sa pintuan ng balkonahe.
Tumango ako.
"Join force tayo." Singit ni Desiree.
"Go lang." Sagot ni Rio.
Pumasok na kami sa loob bitbit ang kanya-kanya naming bagahe.
Maluwag ang bahay na iyon. Bawat kwarto ay may dalawang higaan.
"Dun kami ni Shiey at Chen sa unang kwarto." Saad ni Tina.
"Sige. Ako, si Desiree, Jess at Tine sa pangatlo. Medyo malaki yun eh." Ani Rio.
"Paano ako?" Singit ni Thoi.
"Edi mag-tabi kayo ni Dadey!" Sagot ni Desiree na may maluwag na ngiti sa labi.
"Oo nga Gaddi, naghahanap ka pa ba ng ibang katabi?" Salo ni Rej.
"Duh? Im over you na kaya. I don't like you na." Maarteng saad ni Gaddi.
Nagtawanan kami sa lambingan nilang dalawa.
"Doon ka na lang sa gitnang kwarto kasama si Gaddi at Rej." Saad ko kay Edward nang lumapit siya sakin.
"Baka maka-istorbo ako sa kanila."
Natawa naman ako sa sagot niya.
"Totoo naman diba?" Dagdag niya.
"Ganyan lang yang dalawang yan. Pero plakda yang mga yan mamaya." Saad ko.
Natawa rin siya sa paghaharutan ng dalawa.
Gabi.
Nasa labas kami at nag-iihaw.
"Sobrang aliwalas ng lugar na ito, saka ang peaceful." Komento ni Shiey.
Nasa gitna kami ng bonfire na pinag-tiyagaang gawin ng 'Couple of the Group' na sina Rej at Gaddi.
"Sobrang lamig pa." Ani Rio na may bitbit na tuwalya at pilit ipinambabalot sa katawan.
"Syempre tabi ng dagat." Komento ni Rej.
"Infairness ha! May nagawa rin kayong mag-jowa." Saad ni Jess.
"Nasaan na ba yung alak?" Tanong ni Rej.
"Hoy! Hindi ako iinom ah!" Mabilis kong tanggi.
"Wala! Dapat lahat iinom." Saad ni Gaddi.
"Ayoko. Baka kung anong makwento ko na naman." Sagot ko.
"Oo nga. Maingay Tine kapag nakainom!" Pang-aasar ni Tina.
"Ikaw nga nagwa-walling ng pa-baliktad." Ani Gaddi.
"Grabe kayo di nyo talaga nakalimutan!" Namumula ang mukha na sagot ni Tina.
"Well, since nakapalibot tayo sa bonfire pag-usapan natin ang mga buhay-buhay natin." Suhestiyon ni Jess.
"Since, ikaw ang nag-start nyan. Ikaw ang una sa hot seat!" Ani Shiey.
"Oo nga. May matagal na akong gustong itanong sayo." Ani Tina.
"Go!" Sagot ni Jess.
"Anong nangyari sa inyo ni Eric? Bakit di kayo nagtagal?"
"Hay... Siya na naman..." Anas ni Jess.
"Kasi after niya hindi ka na nag-boyfriend kaya curious kami." Saad ko.
"Okay. Kasi hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya. At saka nagkikita sila ng palihim. Sabi niya friends lang daw. Pero nararamdaman ko na may feelings pa rin siya dun at saka gusto pa rin siya nung girl. Kaya ayun, nagparaya ako." Paliwanag ni Jess.
"Hay... May purpose yan. Lahat ng nangyayari sa atin may purpose." Anas ko.
"Oo nga. Kagaya ng nangyari sayo."
Napalingon kaming lahat kay Edward nang sabihin niya iyon.
"Siguro ganun talaga. Kung kami talaga ang para sa isa't-isa gagawa ang Diyos ng paraan para magkita kami." Patuloy ko.
"Wala na ba talaga kayong communication?" Tanong ni Shiey.
Umiling ako.
"Mag-isang taon na siya dun pero wala akong balita sa kanya."
"Hay... Hayaan na yang mga lalaking yan. Darating din ang taong para sa inyo talaga." Saad ni Gaddi. "Ikaw, Tina, musta ang love life?"
"Ayoko ng ganitong kwentuhan. Nagi-guilty ako." Ani Tina.
"Bakit naman? Ano ka ba, kaya namin to. Di ba Jess?" Saad ko.
"Oo naman. Tayo pa." Nakangiting sang-ayon ni Jess.
"Mabuti pa magkwentuhan nalang tayo ng nakakatakot para maiba ang mood." Suhestyon ni Shiey.
"Oo nga. Kalimutan na muna natin ang malu-lungkot na happenings at mag-takutan." Dagdag ni Rej.
"Sige masaya yan!" Excited na pag-sang ayon ni Desiree.
Horror.
Comedy.
TV Shows.
Love life.
Talambuhay.
Natapos ang gabing iyon na puno ng kwentuhan.
@@@@@
Ano kaya ang pakiramdam ng nasa Isla kapag gabi?
BINABASA MO ANG
Isla (Ongoing)
Misteri / ThrillerMy friends and I decided to have a vacation in an Island somewhere in Palawan. The place is isolated. No signal. No electricity. Far from the city. Hence, we chose to go and continue our vacation. What will happen to us in this place? Will we be abl...