Chapter 16

2.3K 22 3
                                    

Joyce POV

Nagulat ako sa nakita ko. All this time kaya pala di siya nakakasama samin kasi kasama niya si Mica. Sana sinabi niya na lang na gusto pa din niya si Mica para at least alam ko hindi yung ganito nasasaktan ako, feeling ko niloko at pinaglaruan ako. Kung kelan nag ggrow na yung feelings ko para sa kanya saka pa naging ganito. 

Joyce: Hanggang kelan mo ko balak lokohin?

Di pa siya nakakasagot umalis na ako di na niya kailangan mag explain malina na ang lahat sakin. May pa "Officially Together Album"  pa sila sa facebook. Di man lang naisip ni Kris yung feelings ko.

Kris: Joyce! wait! Let me explain.

Narinig ko yung sinabi niya pero di na ako lumingon. Dire diretso lang yung lakad ko and i can feel that my  tears were already falling from my eyes. First time ko makaramdam ng sakit na ganito. Mahal ko na siguro si kris kaya ganito yung nararamdam ko. I think di lang siguro, mahal ko na talaga siya. Pero para saan po? Wala, sinayang niya lang yung chance na binigay ko sa kanya.

Kris POV

Nong makita ko yung reaction ni Joyce alam ko na agad na nasaktan ko siya. Umalis siya agad I tried calling her, pero di na siya lumingon. Pinigilan din ako nina Rick at Lexi sundan siya.

Rick: Pare, anong ginawa mo? Hayaan mo muna si Joyce.

Lexi: Oo nga mainit pa ulo non ako na lang susunod sa kanya. At ikaw mag explain ka muna kay Rick kung ano pinag gagawa mo sa buhay mo.

Umalis na din si Lexi at sinundan si Joyce.

Rick: Speak up! Pare sinaktan mo si Joyce!

Kris: Bro believe me di totoo yung nasa facebook.

Rick: Panong di totoo e pictures nyong dalawa ni Mica yun e.

Kris: Pare na set up lang ako late ko na nahalata e.

Rick: Yan na nga bang sinasabi namin ni Lexi sayo. Bakit kasi ang laki laki pa din ng tiwala mo jan sa Mica na yan?

Kinwento ko naman kay Rick lahat ng nangyari.

Rick: Kailangan mo magpaliwanag kay Joyce pare. Pero tingin ko ngayon di pa makikinig yun mainit pa e.

Kris: Feeling ko ayaw niya na ako pakinggan at makita pare.

Rick: Kung ako si Joyce pare ganyan din mararamdaman ko.

Kris: Pare naman di nakakatulong.

Rick: Eh nasaktan mo ng todo yun e isipin mo na lang si Joyce ang gumawa ng mga ginawa mo di ka magagalit sa kanya?

Kris: Pare pero yung intention ko naman don e makatulong lang.

Rick: At ang intention ni Mica don e makasira sa inyo na Joyce.

Kris: Argh! Ang tanga ko!

Lexi POV

Hinabol ko naman si Joyce sa labas nakita ko siya umiiyak sa isang gilid. 

Lexi: Soulsis

Niyakap ko siya at yumakap din siya sa akin. Iyak lang siya ng iyak.

Lexi: Mahal mo na no?

Tumango naman siya.

Lexi: Kaya nasasaktan ka ng ganyan?

Tumango na naman siya ulit.

I tried my best para macomfort si Joyce. First time niya pa naman ma in love tapos ganito pa ng kinalabasan.  Nong tumahan na siya.

Lexi: Siguro sis kailangan mo din pakinggan yung side ni Kris.

I Wont Give Up On Us (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon