Blue (Short Story)

631 20 2
                                    

Blue (Short Story)

By liMEgatorade

Kagigising ko lang nang makita ko ang aking mama sa kusina na duguan na may kasamang lalaki na hindi ko kakilala. Halos kaedad ko lang ang lalaki na may hawak-hawak na kutsilyo sa kanang kamay nito. Takot na takot ako sa pangyayari kung kaya't laking gulat ko nang maibato ko ang oven toaster sa lalaki.

BOOGSSH!!!

Ayun shapol.

"Anak, anong ginawa mo?" sabi ng mama na hindi alam ang gagawin.

"Ma, umalis kayo diyan, tatawag ako ng pulis."

Pagtalikod ko ay hinanap ko agad ang cell phone kong Iphone 8 (widows 8 lang ang peg) sa kwarto. *touch* *touch* 911. Idadial ko na sana nang bigla akong tinawag ni mama.

"Anak, kunin mo yung first aid kit, dali!"

 First aid kit? Ay oo nga pala, nasaksak pala si mama. Dali dali akong pumunta sa bathroom para kunin yung first aid kit.

"Ma, wag kayong lumapit diyan," sabay higit kay mama palayo sa lalaking nawalan ng malay. "Wag ka munang magsalita ma, gagamutin ko lang ang sugat m—"

Wait, asan na yung saksak? Asan na yung dugo? Pagtataka ko.

"Anak naman, hindi ako ang natamaan ng oven toaster, siya," sabay tingin sa lalaking nakahiga sa sahig.

"Bakit mo kasi binato ng oven, yan tuloy nawalan ng malay."

Ano ba kasing nangyari? Rewind rewind rewind. Pag kagising ko, nakita ko ang lalaki na may hawak ng kutsilyo at si mama duguan. Tapos binato ko ng oven, namatay. Pagbalik ko nawala ang dugo sa damit ni mama, at napasaan?

*tingin* *tingin*

Nasa apron? Tomato sauce? Holy s***!

"Ma, ba't di mo agad sinabi?" tanong ko habang nawawala sa sarili. "At, sino ba yang lalaking yan?"

"Suitor mo."

"Tutor ko saan?" nilabas ko yung cotton, betadine at alcohol. Alam ko naman na mahina ako sa english eh, pero di ko naman kailangan ng tutor.

"Suitor hindi tutor."

"Suitor?" Wala ata yan sa vocabulary ko. Sabay, pili ko kung betadine o alcohol ang ipapahid ko.

"Manliligaw ba, naniningalang pugad, courting..."

"Ahhh! Ma, effective ba pag hinalo ang alcohol at betadine? Ipapainom ko sana nang matuluyan na."

Manliligaw ah, di ko nga kilala ang lalaking toh.

٠٠٠

Si mama na ang gumamot sa sugat nung lalaki. Mabuti nalang at napuruhan ko dahil sa ulo ko natamaan xP. Tsaka, manliligaw? Baka naliligaw sya, hahaha.

Ilang oras na ang nakalilipas pero hindi parin siya nagigising. Late na ako sa klase pero ayaw paring ibigay ni mama ang baon ko dahil sabay na raw kaming umalis nung lalaki papuntang school. Hindi rin naman ako makakaalis kasi no money no entry hehe. Kasalanan ko rin daw kung bakit kailangan kong hintayin magising ung lalaki para makahingi ng sorry.

Kasalanan ko bang natamaan siya ng oven toaster, hindi kasi marunong umilag eh.

"Ma! Aalis na ako please, sayang ng tuition fee."

Blue (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon