Letters
Dear _______.
Paano ko ba to sisimulan. Siguro pag nabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako sa tabi mo, wala narin ako sa mundong ito. Pero nakalibing parin naman ang katawan ko, hahaha. Pero seryoso, hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula.
Elementary nun noong una kitang napansin. Classmate kita pero alam kong hindi mo naman ako gaanong kilala. Pero isang taon lang yun, matapos nun ay lumipat ako sa ibang school. Hindi ko ba alam kung bakit malungkot ako sa paglipat ko eh wala naman akong kaibigan noon. Hanggang sa narating ko na ang highschool. Nakita kita ulit. Para bang nagbago ang lahat sa isang iglap lang. Hindi tayo magkaklase pero alam kong masaya ako sa oras na nakikita ka, sa school ground, sa corridor, sa gymnasium, at kahit sa classroom mo pag dumadaan ako. Masaya ako araw-araw dahil lang sa simpleng bagay na yun. Balak ko sanang magpakilala sa'yo at sabihin na ang nararamdaman ko, pero torpe ako. Hindi ko alam kung sa hiya o sa kaba kung bakit hindi man lang kita malapitan. Natatakot ako na baka hindi mo ako pansinin at ireject agad ako. Tatlong taon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan ka, sa tatlong taon na yun ay my namumuo na palang sakit sa katawan ko. May sakit na pala ako, ang malas ko no? Haha. I have CJD. So pagkasabi palang ng doktor na incurable ito, naisip ko na tama lang na naging torpe ako. At least hindi mo na ako iiyakan kung maging tayo man, haha, napaka assuming ko. Pero, kahit na naisip ko ang mga bagay na yun ay hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Nanaig parin sa puso ko ang iparamdam sa'yo ang lahat kung kaya't nakiusap ako sa mama mo na payagan akong ligawan ka kahit na mamamatay na ako. Nakakatawa nga dahil nakaisip pa ako ng isang kondisyon na liligawan lang kita pero hindi mo ako magiging boyfriend. Baliw na ata ako. Iiwan na lang kita basta-basta? Tama ba yun? Kahit na iniwan na kita ngayun eh naiinis ako sa sarili ko kung bakit ginawa ko parin. Kaya siguro tama lang na mamamatay ako.
I'm so sorry. Alam kong hindi sapat yan para sa mga nagawa ko. At alam kong hindi mo ako basta-basta mapapatawad kahit ano man ang dahilan ko dahil maging ako man ay ayaw ko ring patawarin ang sarili ko. Pero pinagsisisihan ko na lahat ng yun kapalit ng buhay ko. Ayaw ko lang na matali ka sa isang relasyon na hindi naman tatagal kung kaya naisip ko ang mga bagay na yun. Sa ganoong paraan, naipakita ko sa'yo ang tunay kong nararamdaman. Ayaw kong masayang ang natitirang oras ko sa pagtatago ng nararamdaman ko. Kahit na sa kaselfishan ko ay maaaring magalit ka at malungkot, wala na talaga akong ibang alam na paraan para makasama ka. Dahil sobrang mahal kita.
Mahal na mahal kita.
From;
______________