Chapter 1

41 1 0
                                    

"Pero, ma. Alam mong mahihirapan ako sa gusto nyong mangyari. Pwede bang palitan nyo nalang? Please. I hate booys."

1 week na ang nakalipas mula ng ipaalam sakin ni mama yung about sa "boyfriend before shares" thingy.

1 week nadin akong nagpupumilit kay mama na palitan nya nalang ang gagawin ko. Kahit ano. Wag lang pagboboyfriend please? Huhu.

"I'm sorry dear. Di ko na papalitan ang kasunduan." she tap my head like a puppy. Er.

"Moooom? But that's so unfaaair!" naiiyak na ko.

"Hey Kriz. Look. Hindi mahirap mag boyfriend. Hahaha. Actually gusto ko lang baguhin ang pananaw mo sa love. Gusto ko lang ipaintindi sayo. Kri, this is for you. Ayokong magasawa ka ng wala ka manlang experience sa mga gantong bagay." she laughed.

"But mom--"

"I need to go dear. May pasok ka padin. Hurry and take a bath na. Baka malate kapa." then my mom kissed my forehead.

"Okay bye mom." I said coldly.

This is so annoying! Di ko na maimagine yung buhay ko pag ginawa ko ang gusto ni mommy. Baka sa mental hospital ang bagsakan ko nito. Oh geez.

So, pumunta na ko ng cr para maligo.

Nagbihis.

Nagpaganda.

"Kung magkakaboyfriend ako. Gusto ko isa sa mga lalaki na nasa poster na yan." sabay turo ko sa isang wall ng kwarto ko na punong puno ng posters ng male kpop group.

Nababaliw na ako.

"Kung pwede lang na si Sehun nalang ang maging boyfriend ko. Baka di lang 100 days ang itagal. Haaay."

Bago pa ko mabaliw, kinuha ko na ang bag ko. At lumabas na ng kwarto. Its already 7am. 7:30am ang class ko.

Sa school.

"Krizz! Hey. What's up?" tanong ni Krystal sakin.

Krystal Santiago ang real name nya. She's my bestfriend. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Ayy! Hindi pala sa lahat. Pero lang sa isang bagay. MAY LOVELIFE SYA.

"Walang bago Krystal. Haay. Di ko talaga makumbinsi si Mommy." I pout my lips.

Tinulak nya ako gamit ang bewang nya. Kaya naman muntik na kong magtaob. Langya talaga yong si Krystal. Kung di ko lang to bff, napatulan ko na to. Hahaha.

"Ya! Krystal. Papatayin mo na ba ko?" tinawanan nya ko.

"Ang OA mo talaga. Tara na. Wag mo na kasi isipin yung kasunduan na yon. Makakalimutan din yan ng mom mo, for sure. Lezz go. Malelate na tayo sa first subject."

Hinila nya ang right arm ko hanggang classroom. Muntik na kong madapa. Hayy. Nakakadami na si Krystal sakin ah.

Pero habang tumatakbo kami, napagisip isip ko na baka nga makalimutan din ni mommy yun. Napaka makakalimutin pa naman nun. Haha. Di ko nalang masyadong babanggitin sakanya.

Eto na at magsstart na ang first subject. Physics. Haaaay. Ang sarap tulugan. Hahaha. >:)

After 45 mins na pagdidiscuss at paglelecture na wala naman akong naintindihan dahil nakakaantok. At isa pa, nagugutom na ko. Nakalimutan kong kumain ng breakfast kanina.

Niyaya ko si Krystal sa canteen. Payag naman sya. I told you, nagkakasundo kami sa madaming bagay. :)

Dahil nga gutom na ako. Ang dami kong food na binili. Burger, fries, chips, spaggheti and ice tea.

Tapos na magbayad si Krystal. Hinihintay na nya ko sa table namin. I was going to pay na. Pagkuha ko ng wallet ko.

I was like: O_____O

Hindi ako binigyan ni mommy ng baon. Huhu. Whyyyyy? Paano ako kakain?

"Ma'am? Magbabayad na po ba? Pakibilis lang po madami pa pong nakapila." sabi nung babae sa counter.

"Ahhh. Ehh. Wala kasing laman yung ano. Uhhm. Hehe. Wala akong pera."

Parang gusto ko ng maglaho ng parang bula. Omo! Nakakahiya ako. Ang dami pa namang nakakita kasi mahaba na talaga yung pila.

"Sorry ma'am pero kailangan nyo pong bayaran lahat ng kinuha nyo."

Paano ko nga babayaran eh walang laman yung wallet ko. Malay ko ba. Huhu. T___T

Bigla nalang may lalaki na sumingit sa harap ko.

"Isama mo na lang sa babayaran ko, miss." sabi nya dun sa counter.

Isama mo nalang sa babayaran ko, miss.

Isama mo nalang sa babayaran ko, miss.

Isama mo nalang sa babayaran ko, miss.

Isama mo nalang sa babay-- Ulet pa!

Seryoso?! Woah. Hulog sya ng langit.

"H-ha? P-pero?!" sabi ko.

"255 pesos lahat sir." sabi nung counter.

Umabot pa tuloy ng 255 pesos yung binayaran nya. Samantalang iced coffee lang ang binili nya. Nakakahiya. :(

Kahit mukha syang gangster, mabait pala sya.

Binayadan na nya. Paalis na sya pero pinigilan ko sya.

"Babayaran kita. Bukas. Promise." sabi ko.

"Wag na." sabay talikod.

"Wait lang."

Then he stop walking. Then he face me.

"Thank you pero babayaran kita talaga."

"I said wag na. Ang kulet mo din no? Bingi ka ba? Sa susunod wag kang bibili ng madami kung wala kang pera. Okay?" dire diretso nyang sabi. With a cold tone.

WTF. Akala ko naman mabait. Ugh. He's so evil.

"Nakalimutan ko lang yung pera ko pero may pera ako. Ang yabang mo! Akala ko pa naman mabait ka. Sorry ah! SORRY! Wala din naman akong sinabing bayaran mo yung binili ko." naiinis na ko swear.

Mukang napansin na ni Krystal na nagkakaproblema na dito sa may counter kaya lumapit na sya sakin. Bat ngayon ka lang Krystal? Huhu. Dapat ikaw nalang yung nagbayad ng mga binili ko.

"What's going on here?" tanong ni Krystal.

"Binayaran ko kasi mukha ka ng engeng sa harap ng counter. Tch. Just shut your mouth okay? Dami pang sinasabi eh." sabi nung evil gangster na nasa harap ko.

Ang sama ng ugali nyaaaa! Pigilan mo ko Krystal. I'm going to kill this guuuy! Waaaaa.

Tumalikod na sya at naglakad na palayo saamin.

"Jerk!" I shouted to him. Pero para syang bingi na walang narinig.

Sinusumpa ko sya. Swear. Dalahin na sana sya ng kahanginan nya sa north pole. Tapos manigas sya dun hanggang sa makita siya ni Santa Claus. At ipatapon sa Pacific Ocean. Tapos kakainin sya ng mga pating. Nakakainis syaaa!

WANTED: BOYFRIEND FOR 100 DAYSOnde histórias criam vida. Descubra agora