CHAPTER 64 " GREEN-EYED MONSTER "

3.8K 82 4
                                    

-Kyungshin Nation University

" Class, malapit na ang outdoor activity natin for 2nd sem. Naisip namin na magpunta tayo sa iba't-ibang orphanage at organizations na tumutulong sa mga taong ulila na rito sa Changwon. For freshmens and sophomores kayo ay pupunta sa orphanage then juniors and seniors ay sa ibang organization dito, " saad ni Miss Debbie sa klase.

" Ano naman po'ng gagawin namin doon Ms. Lee? " ani ng isang transferee.

" Ano ang gagawin natin? Syempre, tutulong tayo sa mga nangangalaga sa kanila. Magkakaroon tayo ng program para magbigay kasiyahan at magpapakain po. Kung may mga luma kayong damit nu'ng bata pa kayo or sa mga kapatid niyo, mga laruan ay iipunin natin para maibigay sa kanila, " masayang sagot ng guro.

" Wow! Mukhang masaya 'yan! "

" More selfie at groupie na naman this mga friends! Yahoo! "

" Thanks po, Ms. Lee sa pagsagot, "

" Ah, Ms. Debbie na lang ang itawag mo sa akin. Hehehe! Mas feel ko kasi na tinatawag ako sa nickname ko. Okay lang ba? " nakangiting tugon nito sa transferee student.

Tumaas ng kamay si Lucy. Nang makita ito ni Debbie ay tinanong niya si Lucy kung ano ang nais nitong sabihin.

" Itatanong ko lang po Ms. Debbie, saa'ng orphanage naman po kami pupunta rito sa Changwon? "

" Well, malalaman niyo na lang iyon kapag tapos na kaming makipag-usap sa kanila. Basta malapit na 'yun class kaya kung ako sa inyo dapat 'di kayo umabsent nu'n kasi activity niyo 'yun sa subject ko, " nakangiting pahayag ni Miss Debbie.

Matapos nito ay umalis na si Miss Debbie at pumunta sa kanyang susunod na klase.

" Excited na 'ko Lucy! Sana makasundo natin ang mga bata sa orphanage 'no? " nakangiting saad ni Resha.

" Ewan ko lang, pero sa tingin ko naman ay mababait ang mga tao sa orphanage. Ang alam ko kasi mga volunteers at minsan mga madre ang kasama nila doon kaya tinuturuan sila ng magandang-asal, " sagot ni Lucy sa kaibigan habang inaayos ang tinirintas na buhok.

" Pero hindi naman gano'n lahat. Minsan kasi ang mga batang nasa orphanage nambubully rin sila. Kapag may napagkatuwaan silang bata eh pag-iinitan nila, " sabat ni Adrian.

" Pa'no mo naman nasabi 'yan Adrian? " pagtataka ni Resha.

" Baka naman galing siya dati sa isang orphanage. Umamin ka nga, siguro inampon ka lang 'no? " biro ni Lucy sa binata.

" Hindi ha, actually... may nakilala lang akong gan'yan sa Japan dati. Bully siya at nalaman kong inampon lang pala siya ng kinikilala niyang parents kaya gano'n ang ugali niya, " paliwanag ni Adrian.

" Nakapunta ka na rin sa Japan? " natanong ni Lucy.

" Ah... oo nu'ng bata pa ako hehehe " sagot ng binata.

" Pero bakit naman ako inampon ako ni Tita Alicia pero hindi naman ako bully? " sabi ni Resha sa dalawang kaklase.

Hinawakan ni Lucy ang kamay ni Resha. " Kasi Resh, hindi ka naman lumaki sa orphanage eh. Inampon ka ng kamag-anak mo... ng Tita Alicia mo. Kaya mabuti kang tao dahil mabuting tao ang gumabay sa 'yo.

" Gano'n ba 'yun? Pero bakit ikaw inampon... " hindi na natuloy ang sasabihin ni Resha. Biglang tinakpan ni Lucy ang bibig ng kaibigan.

OUT FOR BLOOD II: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon