CHAPTER 82 " TRUE COLOURS "

2.5K 58 3
                                    

Tinanggal ng isang volunteer ang duck tape sa bibig ni Resha matapos nitong ilapag sa lamesa ang tray na naglalaman ng pagkain para sa dalaga.

" Kailangan mong kumain Resha Kim habang nandito ka... "

Biglang sumigaw si Resha. " Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong!

Napatawa naman ang volunteer. " Walang makakarinig sa 'yo rito. Hahaha! "

" Ano'ng ibig mong sabihin!? " mariing tanong ng dalaga.

" Napakalayo ng silid na 'to para marinig ka sa orphanage na nakikita niyo sa labas. Kaya nag-aaksaya ka lang ng oras sa ginagawa mo. Nganga! " sinubuan nito si Resha.

Umiling si Resha. " Para saan pa'ng pinapakain mo ako kung iaalay niyo lang din ako sa ritwal na nais niyong gawin. "

" Alam mo na pala? Kung ako ang tatanungin, mas magandang gawin na agad ang ritwal para kay Arshey. Kaya lang maraming rason si Director Han. Ayaw mo nu'n, may ilang araw ka pa'ng mabubuhay sa mundo? " hinawakan nito ang mukha ni Resha at pilit sinubuan. " Kailangan mong maging malakas kaya kumain ka. H'wag kang mag-alala Resha Kim, kaunting araw na lang siguro ang titiisin mo rito.

Samantala, matapos dalhin ng mga volunteer si Jewel sa underground ng orphanage. Kasama si Amy ng mga ito habang dala-dala ang isang tray na naglalaman ng pagkain.

Matapos buksan ang switch ng ilaw sa underground. " Amy, ikaw na ang bahala d'yan kay Jewel. Sa 'yo ipinagkatiwala ni Director Han ang babaing iyan, " bilin ng isang volunteer.

" H'wag kayong mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi siya makakaalis dito, " sagot ni Amy at umalis na ang mga volunteer na kasama nito.

" Amy, ba-bakit ka nagpaloko kay Director Han? Alam mo naman... " Biglang nagsalita si Amy, " Naisip ko lang na tama si Director Han. Kung sasama ako sa kanila, may chance na magkaroon ako ng balahibong kulay abo kung saan matutupad ang isa kong kahilingan. "

" Pero, sinabi ko na sa 'yo na may dahilan si Arshey sa pagbibigay nito sa tamang tao... " ani Jewel sa dalaga.

" At ikaw ang tamang tao? Ang dalawang batang tinutukoy mo na nagbigay sa 'yo ng kakayahan na bumasa ng isip ng ibang tao, sila ba talaga ang nagbigay sa 'yo niyan? O sadyang ninakaw mo noon ang balahibong kulay abo matapos ang ritwal na ginawa nila Director Han!? "

Binasa ni Jewel ang isip ni Amy. " Iniisip mo na gawa-gawa ko lang ang kuwento ko sa dalawang bata. Iniisip mong ninakaw ko ang balahibong kulay abo para magkaroon ng ganitong kakayahan!? "

" Umalis ka sa isip ko Jewel! Sabihin mo sa akin ang totoo! Pa'no mo nakuha ang balahibong kulay abo!? " singhal ni Amy.

" Bakit? Bakit hindi ka naniniwala sa sinasabi ko sa 'yo Amy. Ibinigay lang ng dalawang bata noon sa akin ang balahibong kulay abo. Kasama nu'n ang kahilingan nila kay Arshey na magkaroon ako ng ganitong kakayahan! "

" Kung gano'n, nasaan ang balahibong kulay abo na nakuha mo!? "

" Nanghawakan ko iyon, bigla itong nagliwanag at naglaho sa aking kamay. Maniwala ka Amy! 'Yan ang totoo! "

" Kung talagang ibinigay sa 'yo ng dalawang bata noon ang balahibong kulay abo. Bakit sa kanila nagpakita si Arshey at hindi kay Director Han at sa mga volunteers noon na gumawa ng ritwal!? "

OUT FOR BLOOD II: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon