Chapter 14

2.5K 54 10
                                    

Nagising ako kanina nang umiiyak, and it's just a nightmare. Nakakainis, bakit pati sa panaganip ko dinadalaw ako ni Jade.

Huling practice ko na, walang klase ngayon ang lahat ng Junior and Senior high kasi mag-hahanda sila para sa event.

Bukas na rin gaganapin yung contest and sa Arena magaganap eksaktong 8:00 ng gabi.

Kinakabahan na nga 'ko kasi lahat ng schoolmate ko pati teachers and principal nandun para sumuporta. Paano pala 'pag pumalpak ako? Nakakahiya.

Bahagya akong kinabahan nang maalalang wala pa 'kong spoken poetry samantalang pang entrance yun bago magproceed sa talent portion, acting etc. "Bhest ano na? Humihinga ka pa ba?" binalingan ko lang si Jhane ng tingin at bumalik na rin ako sa pangangalumbaba. "Ano bang problema mo bhest? Kabado ka 'no?" nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi naman." bagot na sagot ko, napansin kong kanina pa pala 'ko nakatulala dito sa bintana ng classroom namin.

"Dahil kay fafa Jade 'no?" is it because of him really?

Masama bang umasang magpapakita si Jade bago yung contest. "Hindi ah." deny ko kahit alam kong hindi tatalab sakan'ya.

Si Jhane pa ba. "Wag nga ako bhest." sabi na eh. "Buong campus ang namomroblema dahil wala yung Mr. pambato natin."

"And ang tagal na rin n'yang hindi umuuwi sa bahay kaya nag-aalala na rin yung parents namin." biglang sulpot ni Kein.

Ano kayang problema ni Jade? Bakit kailangan n'yang sarilihin? "Ano ba yung huli nyang sinabi sayo nang huli kayong nagkita bhest?" sasabihin ko ba kay Jhane?

Tiningnan ko si Kein at nag-aabang lang ito sa isasagot ko. "Wala eh, basta pagtapos ng practice namin nun umuwi na kami and then kinabukasan hindi na sya nagpakita." pagsisinungaling ko.

Hindi ako makatingin ng diretso sakanila, tama bang hindi ko sinabi yung totoo? "Siguro 'wag nalang natin hanapin yung wala." wika naman ni Kein.

If i'm not mistaken, it's a week and days ago since we've last met, at ang huli n'yang sinabi, mahal n'ya 'ko.

Sinong hindi mababaliw at mapapaisip dun diba?

He is Jade Arcega, gwapo, malakas yung dating, hot, mabait? siguro, tapos famous na agad kahit bago palang sa school. Samantalang ako? Walang dating at higit sa lahat spotlight ng chismis dahil sa issue kong pagpapakasal 'pag tumungtong na 'ko sa edad na sixteen, how funny it is na yung kagaya n'ya sasabihin sa'king mahal nya raw ako.

"Calling the attention of Sandy Ramirez, Ms. Sandy Ramirez? Please proceed to the conference room now."

Lumabas na 'ko ng room at agad na dumiretso sa conference room. Practice nanaman syempre, ano pa nga ba?

Bawat estudyante na madadaanan ko ay busy sa paggawa ng banner and confetti. Nakakatawa nga eh, para kasing labag sa loob nila dahil para sa'kin yung ginagawa nila.

Yung iba namang estudyante especially yung mga girls para kay Jade yung ginagawang banner.

Pagkapasok ko sa conference room, naabutan ko yung mga teacher na nagtitipon-tipon, at syempre yung adviser ko yung nagpapasimuno. Sorry for the term, I mean yung adviser ko yung nagli-lead ng pinag-uusapan nila.

"Oh sandy? Come here." tawag sakin ni ate Licia, agad naman akong nagtungo kung saan sya nakapwesto. "Are you excited for the contest darling?" pwede bang sagutin ng hindi?

I'm Married at the age of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon