" Woah...daebak!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Halos lumuwa ang mata ko at bumagsak ang panga ko sa nakita ko pagbukas pa lang ng pinto ng dorm.
Sa entrance pa lang nagkalat na ang mga sapatos at pag pasok ko sa receiving area nagkalat na damit mga pinagkainan at kung ano ano pang mga basura ang sumalubong sa akin.
Nag expect pa man din ako na mga nag gagwapuhang nilalang ang sasalubong sa akin. Akala ko talaga makakakita na ko ng boy group ng up close and personal. Hinanda ko pa man din ang S8 ko na 8 months ko pang huhulugan.
" So, pagbalik ko kailangan malinis na yan ha. "
" oppa, pwede bang mag backout na lang. " nakangiwing sabi ko.
Parang hindi ko yata kakayanin na mag part time na taga linis ng dorm ng isang boy group or more specifically saying NCT.
" Its not as if you'll do it for free, ofcourse I'll pay you. Kahit na nga manggagaling sa sariling bulsa ko ang ipambabayad ko. Please, gusto ko lang makapag pahinga ng maayos after work. "
" nagbibiro lang naman ako oppa, kahit libre basta yung promise mo na tutulungan mo kong makapasok ng Sment. "
Syempre andito na yung chance, aayaw pa ba ko.
" Sure. Sabi nga ni Chanyeol ~ ssi madali lang naman makapasok ng Sm, sabihin mo lang sa guard na pagbuksan ka. "
" OPPA! "
I'm not in the mood for jokes, hindi kaya mukang joke ang maglinis ng ganito ka kalat na dorm.
" ok. ok. Basta mag practice ka ng mabuti. At alagaan mo mabuti yang skin mo. tsss. "
Aww ha, para na rin nyang sinabing ang panget ko.
" Ikaw na bahala dito, dapat pagbalik ko malinis na malinis na dito ha. Babalikan ko na ang mga alaga ko sa salon baka ma late pa kami sa schedule. " paalam ni Jiho Oppa.
Bago ako mag simulang maglinis ay inikot ko muna ang buong bahay may 4 na kwarto at sa bawat kwarto may double bed. At ano pa bang ineexpect ko, syempre makalat din lahat ng kwarto. Pero may isang bed na malinis. Kanino kaya yon? Ah baka kay Jiho Oppa.
Sinimulan ko ng maglinis inuna kong linisin ang kitchen. Hinugasan ko yung mga pinag kainan. Maging yung pinaglutuan ng ramen hindi man lang nila nagawang hugasan. Nakakaloka!
Inilagay ko lahat ng nagkalat na damit sa hamper. Bahala na sila kung kani kanino ang mga yon. Inayos ko din ang mga sapatos sa may entrance at inilagay iyon sa shoe rack.
" No. hindi ka pwedeng sumuko Soobin. Isipin mo na lang kasama yan sa training. "
Parang gusto ko ng maiyak, parang hindi nababawasan yung mga kalat. Kailangan ko pang i segregate yung mga basura bago ako makapagwalis at nakapag mop ng sahig. Tapos yung mga kwarto pa.
Fighting!
Pag e encourage ko sa sarili ko.
Itinali ko ang buhok ko bago muling magsimula sa pag lilinis. Hindi ko ininda ang pagod inisip ko na lang ng lahat ng ito ay para sa pangarap ko. Magiging IDOL ako at mapapasama ako sa Sm artist family. Jaiyo! Nahihilo na ata ako bakit ako nag cha chinese.
Wah! Finally. Natapos din. Pabagsak na inilapat ko ang likod ko sa sofa ng tuluyan na kong matapos.
11 Am ng ihatid ako ni Oppa dito and now its already 7Pm. I feel so tired.
" Haaaaa...." I can't help but yawn. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
127
FanfictionSeriously, how many members do they have? 9? 10? 11 ? 12? No, not 127? don't tell me they're Limitless!