A/N: sa wakas.. may bago rin.. ahaha.. may naisip din.. ahaha.. salamat..^_^ ♥
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hi, Lester." pa-beautiful eyes ko pang bati kay Lester.. Ang lalaking super duper over ka-grabe kong mahal.. Ahaha.. Exaggerated lang oh.. ^_^
Kasalubong ko kasi siya sa daan.. Waaaaahhh.. He's super duper gwapo talaga.. Ang dami ko tuloy kaagaw sa kanya.. Pero oks lang.. Co'z I know, someday.. He'll be mine.. Huwahahahaha.. Witch lang kung makatawa oh.. ^_^
"Ahm.. Lester." sabi ko.. Sinabayan ko siya sa paglalakad kahit ang daan niya eh pabalik sa pinanggalingan ko kanina.. "Can we have lunch later?" waaaaaaahhh.. I asked him to have lunch with me.. Wohooooooooo..
"No." what? He rejected me? Again? Not again. please..
"Dinner?" i asked again..
"No." ay potek.. He always rejected me.. Argh..
"Why?" tanong ko.. Humarang pa ako sa dinaraanana niya at humalukipkip..
"Co'z I don't like." he simly said it again.. Ayaw niya.. Hindi niya gusto.. Tagal tagal ko ng nagpaparamdam sa kanya.. Pero lagi akong deadma.. Palagi akong rejected..
Tama.. Nagpaparamdam ako sa kanya.. Na gusto ko siya.. I already confessed to him.. Pero laging "NO" ang sagot niya.. Ilang beses ko na siyang niyaya mag-dinner, mag-lunch, magbonding.. Pero wala ih.. Super laking NO.. Hay..
"Bukas? Lunch tayo." aya ko pa rin.. Sorry.. Pero I will never give up.. Ahahaha..
"Busy ako." nagpatuloy na siya sa paglalakad.. Sunod lang ako.. Kasehodang magmukha akong aso na buntot ng buntot..
"Dinner, bukas?" ang kulit ko lang nuh? Ayan ako ih.. Si Jhamille.. Ang babaing makulit.. ^_^ At hindi sumusuko.. ^_^
"Ayoko." sabi niya.. Argh.. Bakit ba ayaw niya? Asar naman oh..
Hinila ko siya sa braso at pinigilan sa paglalakad.. "Bakit ba ayaw mo?" inis ng tanong ko.. Grabe lang ha.. Kung hindi lang kita mahal.. Hindi ko gagawing mukhang tanga ang sarili ko..
"Dahil ayoko sa'yo." ow shet! He said it straight into my face.. Yun na yun? Hindi niya ako gusto? Waaaaaaaaaahhhh.. Ang sakit.. Pakitanggal naman ng punyal na tumarak sa dibdib ko..
"Pero mahal kita." sabi ko kahit maiiyak na ako..
"Pero ayoko sa'yo." sabi niya.. "Ayoko sa tulad mo." oh well.. That's it.. Super sakit na talaga.. Tuluyan na akong napaiyak..
"Ok. Ayaw mo sa akin. Pero sana wag mong kalimutan na mahal kita." sabi ko at tumalikod na sa kanya at nakayukong naglakad palayo.. Yun na lang sinabi ko.. Bukod sa totoo yun.. Gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko.. Ilang taon na rin simula ng makilala ko siya.. Simula noong maramdaman kong mahal ko siya.. Mukha akong tanga na laging nagpapacute sa kanya.. Laging nagpapansin.. Pero siguro, hindi siya para sa akin..
"Ayoko sa tulad mo." sigaw niya ng medyo malayo na ako.. Kaya napatigil ako.. Kahit nasasaktan na ako.. "Ayoko sa maarte. Ayoko sa papansin. Ayoko sa nagpapacute. Ayoko sa ugali mo." sabi niya na lalong nagpaiyak sa akin.. "Pero lahat ng iyon, minahal ko sa'yo."
Napaangat ang tingin ko.. Bigla akong humarap sa kanya.. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at nakangiti.. Unti-unti siyang lumapit sa akin.. Hinawakan niya ako sa mga pisngi ko at pinahid ang mga luha ko.. "Lahat ng inaayawan ko sa isang babae. Na sa'yo lahat." sabi niya.. "Pero hindi ko alam kung paano at kung kailan nangyari na lahat ng ayaw ko sa'yo, ngayon ay minamahal ko." patuloy lang siya sa pagsasalita.. "Pasensiya kung nasaktan ka pa. Bago mo malaman ang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita, Jhamille. Mahal na mahal." sabi niya sabay yakap sa akin.. Wala na akong nagawa kundi gumanti ng yakap at umiyak sa tuwa..
*end*
A/N: waaaaaaaaaaaahhhhh.. sorry kung pangeet ata ang naisip ko.. sorry.. sana magustuhan ninyo.. para sa'yo.. sana nagustuhan mo.. hindi ko lang alam kung nakuha ko ang gusto mo mangyari sa story.. comment kayo.. para alam ko.. salamat po.. ^_^
