CHAPTER 4:

31 0 0
                                    

[ADA'S POV]

.

.

Maaga kaming pumasok sa school ngayon. As usual, kasama ko si Bern. Mga 30 minutes early kami ngayon so wala pang masyadong estudyante.

"CR muna ako." -paalam ni Bern sakin.

"Samahan na kita." -tumayo na kami at tumungo agad sa may CR. Papalapit pa lang kami sa may CR ng biglang...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" -rinig naming may sumigaw. Agad-agad kaming tumakbo papunta kung san nanggaling ang sigaw. May nakita kaming isang lalaking estudyante na nakatayo sa labas ng Boy's CR na nanlaki ang mata habang nakatakip ang mga palad nila sa kanilang bibig. Biglang tumakbo ang lalaki at nagsisigaw.

Kinabahan naman ako agad at di ko mapaliwanag ang pagbilis ng tibok nang aking puso. Lumapit kami sa kanila, dahan-dahan ko tiningnan ang loob ng CR..

"Oh My..." -napatakip ako sa bibig ko. Hindi!! Hindi 'to maaari! Sinong may gawa nito kay Zairiel?!

"Z-Za-Zai..." -mahinang sambit ko na noon ay nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to sa kanya.

"HINDE!!!! NO!!" -I really can't believe this. Bakit?

Nakita ko si Zairiel na nakabukas ang mga mata nya at naliligo sa sarili nyang dugo. May hiwa yung leeg nya kagaya nung kay Jess. Ang daming saksak sa katawan nya. Walangya ang gumawa nito sa kanya!!!

Bigla ko naramdaman ang marahang pagtulo ng mainit na likido sa aking pisngi.

.

.

.

.

.

"Dinala na nila si Zai sa morgue." -sabi ni Nathan. "Hay! Hinde pa rin ako makapaniwala. Si Zai.. wala na.. *sob*"

"Nung una, si Jess. Tapos ngayon si Zairiel?! Sino na naman ang susunod ha!!?" -biglang sigaw ni Kiki.

"Pare, huminahon ka muna." -pigil ni Gaebriel sa kanya.

"Huminahon?! Sa tingin mo ba hihinahon lang ako dito habang unti-unti tayo inuubos ha!?" -Kiki

"Ki, ano ba!!? Hinde tayo mauubos, okey? Hinde!!" -matigas kong sabi. "Hahanapin kong ang salarin."

"Pero hinde natin alam kung sino ang pumatay sa kanila." -Bern

"Tama si Bern. Paano natin sya mahahanap kung hinde natin alam kung sino sya?" -Abigael.

"Wait guys.." -Daniel. Lumingon naman kaming lahat sa kanya. "Diba, nangyari yung mga insidente sa school natin? Hinde kaya, nag-aaral din dito ang killer?" Napataas na lamang ang kaliwang kilay ko sa sinabi nya.

"Pwede rin" -Camz

"Pero sino?" -tanong ni Nathan

"Yun ang aalamin natin." -sambit ko habang napapahimas sa ilalim ng baba.

"Paano?" -Gaebril.

"Hinde ko alam. Basta maging alerto tayo palagi. Hinde natin alam baka nasa paligid lang natin sya. At baka anong oras man, aatakihin nya tayo." -sabi ko.

"Pero sino na naman ang isusunod nya?" -Pat-pat

"Ewan. Basta mag-iingat kayo palagi. Not all the time na magkakasama-sama tayo." -sabi ni Camz.

--

2 weeks later...

.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE TRAITORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon