First day of school pa lang ay matunog na ang pangalang Sydney Santillan. Bukambibig siya ng lahat, tila ako lang ang hindi nakakakilala sa kan'ya. Sino kaya siya?
Ako nga pala si Gia Gatchalian, first year student at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Magkahalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman. Ito rin kasi ang unang pagkakataon na malayo ako kina mom at dad.
Huminga ako nang malalim at naglakad na patungo sa dorm.
Ang ganda at napakalawak talaga ng University na ito. Nasa loob din nito 'yong dorm. Nasasabik na akong makilala 'yong roommate ko.
Nang makarating ako sa dorm ay namangha ako, ang sosyal mukhang hotel at may elevator. Nasa tapat na ako ng kuwarto at nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang roommate ko.
Napalingon siya, ang ganda n'ya at ang maganda rin siya manakit.
Agad akong nagpakilala sa kan'ya.
"Hello! Ako pala si Gia, Gia Gatchalian ang roommate
mo and you are?" Ngumiti ako at nakatingin lang diretso sa kan'yang mga mata.
"Hey!I'm Sydney by the way."
Laking gulat ko nang marinig ko ang kan'yang pangalan.
"Ahm...ikaw ba 'yong Sydney na sikat na sikat dito?"
"Yup!"
Nasa harap ko ang bukambibig ng lahat. Halatang mayaman siya, ang sosyal, eh.
Sa dinami-rami, siya pa talaga 'yong makakasama ko sa kuwarto. Agad rin naman siyang nagpaalam.
"Gotta go! My friends are waiting."
"O-Okay. Nice meeting you."
Ang lakas ng dating n'ya, kaya pala habulin at maraming nagkakagusto.
Nilapag ko na 'yong bag ko at umupo na sa kama. Pinagmasdan ko ang paligid ng kuwarto namin. Ang ganda! Puti ang wall, may stove, mini refrigerator, built-in cabinet, may lamesa at upuan.
Nag-ayos na ako nang gamit at pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa klase ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Excited kasi may mami-meet akong bagong kaibigan, kaba kasi baka terror 'yong instructor.
Nasa pinto na ako, laking gulat ko nang makita ko si Sydney, magkaklase pala kami.
Ngumiti ako sa kan'ya at nagtungo sa bakanteng upuan. Hindi ako tumabi sa kan'ya dahil sa nahihiya ako at hindi naman ako feeling close lalo na at kasama n'ya ang kan'yang mga kaibigan.
Maya-maya, may babaeng tumabi sa akin.
"Hello! Puwede bang tumabi?"
Nagulat ako sa boses n'ya, beki pala siya. Nakangiti siya sa akin dahilan upang mapangiti rin ako.
Stanley ang pangalan n'ya, Stacey daw sa gabi. Nakakatuwa siya, ang daldal n'ya. Halos maikuwento na ata n'ya sa akin ang buong buhay n'ya. Nahinto lang ito nang dumating na ang instructor namin sa Algebra.
SYDNEY
Nagulat ako nang makita kong classmate ko rin pala ang roommate ko. Agad naman akong tinanong ni Chloe.
"Kilala mo 'yan?"
"Yup! That's my roommate."
"Magkakasundo kaya kayo n'yan? Mukhang good girl."
"Oo nga, girl parang santa santita." Dagdag naman ni Daphne.
Nakatingin lang kami sa kan'ya.
To be honest I don't know. Ang simple n'ya at mukhang boring. Magkakasundo kaya kami ng nito? Kasi magkaiba kami.
I'm Sydney Santillan, sikat ako kasi I've got everything. My parents are working abroad, inaasikaso nila 'yong business namin do'n. Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ko rito.
I'm taking up Bachelor of Science in Information Technology, wala lang trip ko lang. I'm not into studying naman talaga. I love to party, since third year high school doon nag-start.
I really don't care kung sikat ako. Halos lahat ng boys, type ako. But I have a boyfriend, si Kristoff. He's one of the hottest man in this university. He's two years older than me, we're high school friends, I was in first year and he's graduating that time.
Naging kami lang when I graduated in high school, perfect couple sabi nga nila.
Maya-maya ay dumating na 'yong instructor namin sa Algebra, I hate Math! Ang dami pala ng Math sa course na kinuha ko.
Hindi bale si Sydney Santillan ito dadaanin ko sa charm 'yan.
Pagkatapos magpakilala ng instructor namin ay agad siyang nagsimulang mag-lecture. Grabe! First day pa lang lecture agad. Time is gold raw to be wasted. Ang sipag naman nito at mukhang strict.
Nagpapa-recite pa, natawag si roommate. Ayan! Sa harap kasi nakaupo, buti na lang second row ako. Nagulat ako nang masagot n'ya. In fairness smart si roommate, ah!
Malapit na ang dismissal, bigla ba namang nagpa-assignment. Solve agad, ano ba 'yan? Ganito ba talaga kahirap ang college.
"Oh, girl? Math lang 'yan!" Wika ni Daphne.
"Oo nga, girl! Huwag mong masyadong problemahin! Ang wrinkles!" Dagdag naman ni Chloe.
"Alam n'yo namang mahina ako sa Math."
"Problema ba 'yon? Ayon, oh!" Turo ni Chloe kay roommate.
"Oh! Bakit siya?"
"Hay nako! Girl, eh, di paturo ka sa good girl mong roommate mukhang matalino naman, eh."
"Ayoko nga!"
"Sige na, girl! Tapos kokopya kami sa iyo bukas." Dagdag naman ni Daphne.
"Ano ba 'yan?! Puwede ba kayo na lang magpa-help, ako ang kokopya?"
"Mas advantage mo roommate ka n'ya, haler?"
"Oo na, sige na! Tara na nga!"
***
Nang makauwi ako ay naabutan ko ang roommate ko na gumagawa ng assignment.
Huminga ako nang malalim at naglakas loob.
"Excuse, me? Iyong assignment ba natin sa Algebra 'yan? Puwede pakopya?"
"Yes!" Kumunit ang noo n'ya. "Ayoko nga!"
"Damot naman nito! Libre kita, sige na." Pagkumbinsi ko.
"Ayoko! Kung gusto mo turuan na lang kita. Mas okay 'yong pinaghihirapan mo kaysa kokopyahin mo lang. Wala kang matututunan no'n."
Bumulong ako.
"Ano 'yon?"
"Wala! Sige, magpapaturo na ako sa iyo." Nilabas ko na 'yong notebook at ballpen ko. "Ano ba 'yan? Ang hirap!"
"Complain ka agad, gawin mo muna. Ituturo ko sa iyo mamaya 'yong easiest way nang pag-solve n'yan."
"Bakit hindi pa ngayon?"
Nakakabugnot naman ang babaeng ito. May easiest way naman pala pinapahirapan pa ako.
"Dapat matuto kang magpursige para makuha ang isang bagay. Hindi basta hihingin mo na lang."
"Ang comfortable mo na sa akin, ah? Nasasabi mo na sa akin 'yan! Eh, kakakilala lang natin, daig mo pa instructor natin."
Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa ginagawa niya. Napapakamot na lang ako sa ulo habang nagso-solve rito.
Habang tumatagal, nare-realize ko 'yong mga sinasabi n'ya, may point naman siya.
Pambihira ang babaeng ito, talagang hindi agad sinabi ang easiest way. On the other hand, magaling siyang maturo, ha. Naiintindihan ko na.
Sa wakas! Natapos ko rin. Ang hirap no'n, ah?
"Salamat, ah! Sana Education na lang kinuha mong course. Magaling kang magturo, eh."
"Wala 'yon. Mas gusto ko ang IT, eh!"
Napatingin ako sa wristwatch ko.
"Kumain ka na ba? Tara! Kain tayo!"
"Hindi pa." Napatingin siya sa orasan. "Magku-curfew na."
"Tara! Akong bahala, trust me!" Ngumiti ako.
Napapayag ko siya, kasi gutom na rin siya. Agad kaming pumunta sa isang fastfood restaurant.
Nakakatuwa siya, nagdarasal siya bago kumain.
Habang kumakain kami ay napansin kong tingin siya nang tingin sa wrist watch n'ya.
"Huwag kang mag-alala makakapasok pa tayo. Kumain ka pa."
Natatawa ako habang pinagmamasdan ko siya na tila binibilisan ang pagkain.
"Hinay-hinay ka lang! Ano 'yan? Sadyang gutom ka ba o takot kang hindi tayo makapasok?" Tumawa ako at napatingin sa kan'yang mga mata. "Teka! Don't tell me, takot kang mag-break ng rules?"
"Hindi naman sa takot, ayoko lang maging pasaway."
"Alam mo! Masaya rin ang maging rule breaker."
"Ayaw kong subukan."
Exact opposite talaga kami nito, ang boring n'ya.
Nang matapos kaming kumain ay nagmamadali siya.
"Oh! Ayan! Late tayo. Sarado na 'yong gate. Paano tayo makakapasok?" Tumingin siya diretso sa aking mga mata at puno ito nang pangamba.
"Ako'ng bahala! Wala ka namang tiwala." Ngumiti ako.
"Ikaw ang bahala? Eh, paano nga? Nagagawa mo pa talagang ngumiti sa ganitong situation?"
"Relax ka lang! Masyado ka namang seryoso. Loosen up! Sa mga ganitong situation wala rin namang magagawa ang pag-worry."
Natahimik at natulala siya.
"Watch me!"
Tinawag ko si kuya guard at nagpa-cute ako.
"Sige na, Kuya! Papasukin mo na kami. Sige ka! Saan kami matutulog nito? Mamaya may mangyari pa sa amin na hindi maganda. Gusto mo ba 'yon?"
"Nako! Siyempre hindi! Sa ganda n'yo pa naman na 'yan! Oh! Basta huwag nang mauulit, ha?"
Effective! Pinagbuksan n'ya kami.
"Opo, Kuya! Hulog ka talaga ng langit!"
Napalingon ako sa kan'ya. "Kitams!" Sabay ngiti.
Hindi na siya kumibo at sumunod na lang maglakad.
BINABASA MO ANG
Accidentally inlove with a party girl
RomanceThis is a story of roommates who are exactly opposite. A studious one named Gia Gatchalian and a party girl named Sydney Santillan. They always have a misunderstanding because of their differences, but an unexpected event happened that made them clo...