SYDNEY
Nang magising ako ay agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko.
Pagtingin ko sa cellphone ko, it’s 10:30 in the morning. Langyang! Hangover ito, hindi ako nakapasok.
Bumangon na ako at may nakita akong sticky note sa lamesa.
“Ang sweet naman n’ya.”
Napangiti ako nang makita ko ang adobo, agad ko naman itong pinainit.
“Wait! Paano ako nakauwi rito? Wala akong maalala.” Napahawak ako sa ulo ko.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko, may text si Daphne. Tinatanong n’ya kung bakit hindi ako pumasok. Bigla kong naalala ang assignment ko, sayang naman! Hindi ko rin naman pala mapapasa.
Pagkatapos kong i-microwave ‘yong adobo ay agad na akong kumain.
Napangiti ako, ang sarap pala n’yang magluto. Hindi ko maalala ‘yong huling beses na nakakain ako ng ganito kasarap na lutong bahay.
Naligo na ako para maalis ang hangover ko, baka hindi na naman ako makapasok sa next class namin.
***
Nang makarating ako sa classroom ay ngumiti ako kay Gia at agad na akong umupo sa tabi nina Chloe.
“Wala ka, wala tuloy kaming assignment kanina,” wika ni Daphne.
“Mga lokong ito! May hangover kasi ako.”Sabay hawak sa aking ulo na medyo masakit pa rin.
“Paano ang dami mo kayang ininom!” Wika naman ni Chloe.
Maya-maya dumating na ‘yong instructor namin. Ang boring, lecture again. Lutang ang isip ko, kung ano ang nangyari kagabi.
Bumulong ako kay Chloe. “Paano ako nakauwi?
“Binuhat ka namin. Ang bigat mo nga, eh!”
Sobrang wasted pala ako kagabi, wala na akong maalala pagkatapos noon.
Pagtapos ng klase namin ay agad kaming nagtungo sa next room namin. Kung puwede lang na matulog na lang ako ngayon, masakit pa rin ang ulo ko. Tila hindi umaayon sa akin, biglang may pa-take home quiz pa at Math na naman. Bakit kasi IT pa ang kinuha kong kurso? Ang daming Math! Matulog ang gusto ko hindi Math. Napansin ni Daphne na problemado ako.
“Ayon! Ang solusyon d’yan, girl!” Sabay turo kay Gia.
“Oo nga, girl! Matalino naman ‘yan.”
“Kung alam n’yo lang! Hindi naman ako papakopyahin n’yan, eh! At nakakahiya na rin magpaturo.”
“Alam ko na kunin mo na lang siya as tutor!” Suhesyon ni Daphne.
“Tama!” Pagsang-ayon naman ni Chloe.
Napaisip ako sa sinabi nila.
“Oo nga! Ang galing mo talaga, Daphne. At least ‘yon babayaran ko siya, kaya wala siyang masasabi, di ba?”
Ngumiti at tumango naman sila.
GIA
Aba! Matapos n’ya akong halikan, ngingiti-ngiti siya sa akin. Sira ba siya? Ano? Parang walang nangyari? Ganoon na lang ‘yon?
Pagkatapos no’n naiilang na ako sa kan’ya. Ikaw ba naman ang nakawan ng first kiss tapos babae pa! Nakakainis! I'm reserving it to someone special.
Maya-maya ay dumating na ‘yong instructor namin. Habang nagle-lecture ay bigla-biglang pumapasok sa isip ko ‘yong halik na ‘yon. Napansin ata ako ng instructor namin, kaya biglang may tinanong sa akin. Kinabahan ako buti na lang nasagot ko.
“Hays! Focus, Gia! Focus!” Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
“Okay ka lang, girl? May bumabagabag ata sa iyo, ah?”
“A-ah! Okay lang ako, Stacey.” Ngumiti ako.
Pagkatapos nang klase ay nilapitan n’ya ako, ang awkward!
“Ang galing mo kanina, ah! Salamat pala sa adobo.” Nakangiting wika n’ya at agad ring ibinaling ang tingin sa mga kaibigan niya. “Tara na, girls!”
Umalis na sila.
Pagkatapos n’ya akong halikan parang wala lang talaga sa kan’ya, Nakakainis talaga!
“Oh! Girl? Okay ka lang? Para kang inis na inis, ah!”
“Okay lang ako, Stacey. Break naman natin uwi muna ako sa dorm.”
“Sige. Hindi naman ako puwedeng pumunta roon, eh. At tsaka mag-pretend na babae ako. Darating din ‘yong araw na ‘yon. Babush!” Nagpaalam na siya with flying kiss pa.
Umuwi muna ako sa dorm kasi gusto kong magluto ng tinola. May manok naman na akong nabili. Gusto ko kasi ‘yong luto ko para sure ako na malinis. Hindi naman sa maarte ako pagdating sa pagkain, naninigurado lang. Pagdating ko sa dorm, may iniwan pala siyang sticky note.
"Thank you!" May drawing pa na smiley.
Naiinis na naman ako, parang double meaning ‘yong thank you na ‘yon! Thank you sa adobo at sa kiss! Kinalma ko ang aking sarili at nagluto na lang ako, kasi gutom na ako.
Ang sarap talaga kapag pinaghirapan mo. Hawak ko ‘yong mangkok na may lamang tinola at inamoy ko ito. Pagkain talaga ang isa sa nagpapagaan ng pakiramdam ko ngayon.
Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ng sarili ay bumalik na ako sa school. Nakakatuwa nadagdagan na naman ang kaalaman ko.
Dismiss na kami sa last class namin. Nauna nang umuwi si Stacey kasi may date raw siya.
Nakita ko naman na papalapit sa akin si roommate, agad kong binilisan ang paglakad.
“Wait!” Hinawakan n’ya ako sa palapulsuhan.
“Bakit ba?”
“Chill! Parang iwas na iwas ka naman sa akin.”
Sino ba naman ang hindi, hinalikan mo kaya ako! Okay ka lang?!
“Bakit mo ba ako sinusundan?”
“Haler? Magka-room tayo, malamang sasabay ako sa iyo. Ang sungit naman nito!”
“Ha! Tawagin pa akong masungit.”
“Mayroon ka ba?”
Nang-iinis talaga ito, ah!
“Diretshahin mo na ako, ano bang kailangan mo?” Tumingin ako diretso sa kan'yang mga mata.
Huminga siya nang malalim. “Okay, fine! Can you be my—”
Kinakabahan ako sa sasabihin n’ya, napalunok ako. Shemay! Ano ito? Girlfriend? Hindi ko na siya pinatapos.
“No!” Agad kong tugon, nararamdaman kong pinagpapawisan na ako.
“Hey! Hindi mo pa ako pinapatapos may sagot na agad? Ang gusto ko lang namang itanong ay kung puwede ba kitang maging tutor.”
Ah, tutor naman pala. Ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Pinanindigan ko na lang ang aking naging tugon.
“I said no, ‘di ba?”
“Bakit gan’yan ka sa akin? Ang sungit mo, parang may malaki akong kasalanan sa iyo. Bipolar ka ba? Ang bait mo, binigyan mo ako ng ulam tapos ngayon ang sungit mo naman.”
Nasa pinto na kami ng kuwarto namin, agad na akong pumasok.
“Babayaran naman kita, eh!”
Lumingon ako sa kan’ya at tumingin diretso sa kan’yang mga mata.
“Tingin mo masisilaw mo ako sa pera mo? I said no! Narinig mo naman siguro ako? Nakakaintindi ka rin naman ng English, di ba?”
Tinitigan lang n’ya ako at agad rin siyang lumabas ng kuwarto. Walk out queen?
Basta ayoko! After what she did to me.
***
Hala! 8:00 na, wala pa siya. Sumobra naman ata ako sa mga sinabi ko sa kan’ya. Nasaktan ko rin damdamin n’ya. Baka napaano na ‘yon? Kargo ng konsensya ko ‘yon.
Nasaan na ba 'yon? Dapat pala alam ko rin ang number no’n, eh. Nag-aalala na ako at hindi mapakali. Palakad-lakad at paikot-ikot na ako sa kuwarto namin.
“Nasaan ka na ba?”
Maya-maya, bumukas ‘yong pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siya. Ang lakas ng pabango n’ya. Naligo ba siya sa pabango?
Hindi siya umimiknat agad siyang humiga sa kan’yang kama.
“Okay ka lang?”
Hindi pa rin siya sumasagot.
“Sorry sa mga nasabi ko kanina, ah.”
Wala pa rin siyang kibo. Buhay pa ba ito?
Lumapit ako sa kan’ya para i-check ‘yong pulse n’ya, buhay pa naman. Nakapikit lang siya.
Paalis na ako nang bigla n’yang hawakan ‘yong kamay ko. Shems! Napalunok ako, mukhang nakainom na naman ang party girl kong roommate.
BINABASA MO ANG
Accidentally inlove with a party girl
RomanceThis is a story of roommates who are exactly opposite. A studious one named Gia Gatchalian and a party girl named Sydney Santillan. They always have a misunderstanding because of their differences, but an unexpected event happened that made them clo...