Vacant na naman.
Nakakainis ha...
7-8am ang first class ko. After that, three hours vacant, then, class ulit. Buong semester, ganito ang schedule ko.
tsk...
San naman kaya ako tatambay nito?
Library? Malayo.
Canteen? Ang daming tao.
Sa gymnasium? Sabi nila horror building daw yun. Wag na lang.
Dito na nga lang.
Sa gitna kasi ng campus, may maliliit na area. Tawag namin dito, Circle. May nakapalibot na benches. Ang mga benches ay nasa tabi ng mga palms. Manila Palms.
Haist.
Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin. Ang sarap mag soundtrip kaso hindi ko dala ang ipod ko. Ang ganda ng mga ulap.
Ang... Ang... Ang.... Ang---
Ang gwapo nung guy!
Alangan namang ang gwapo nung girl?...
Nasa tapat ko siya. Imean, magkatapat ang benches na inuupuan namin...
He's so good to look at. Yung tipong di nakakasawa... Maputi, chinito... Pero hindi OA yung pagkasingkit niya. Yung buhok niya eh mejo gulo gulo na parang member lang ng isang Korean boyband. And wait...
May dimples siya... Kyaaah!!! Ang gwapo... Grabe!!!
Patingin siya sa direksyon ko kaya naman umiwas ako ng tingin. Nung tumingin ulit ako, nakayuko siya. Nagtetext ata...
Eist... Halos tatlong oras na nakaupo lang ako dun. Sinusulyapan siya...
Dahil may klase na ko, tumayo na ko. Nakatungo pa ko ng konti kasi papunta sa direksyon niya ang klase ko. Nagulat ako ng tumayo siya.
Nagkasalubong kami. Siguro, sa kabilang direksyon ang klase niya... It means---
Same kami ng vacant time???
Di ko maiwasang maexcite sa naisip ko.
Sana makita ko pa ulit siya.
+++
Kinabukasan, iba ang schedule ko. Every other day kasi ang same subjects. Ngayon, wala akong masyadong vacant time...
10 am. Natapos ang first class ko. Dadaan pa din ako sa Circle. Baka andun siya.
Ngek. Wala. Sayang...
Diretso na ko sa next class. Tatawid dun sa circle. May pavements kasi sa gitna ng Circle.
o.o
Yung guy kahapon, .. Makakasalubong ko!!! Looks like may klase di siya.
(",)
Haist. Ang sarap magpa-cute sa harap niya...
Nalampasan na namin ang isa't-isa. Kaasar naman oh... Lagi na lang bang magkasalungat ang landas na tutunguhin namin???
naks!!! lalim ng tagalog... sarap hukayin..
Kahit one time lang... Sana makasabay ko siya...
+++
The next day, 8 am. Naupo ulit ako sa bench na inupuan ko the other day.
WALA SIYA...
BINABASA MO ANG
That Guy
Novela Juvenilyou don't know him but he seems to be of somewhat special...