CHAPTER 15: Jealous plan (day 1)

33 2 2
                                    

Luhan's POV

"Oo" aniya

"Ano naman yan? siguro lovelife no? sabihin mo para matulungan kita"

sabi ko napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Luhan hyung.." tinawag nya ako.

"Hmm." lumingon naman ako sa kanya.

"Sa tingin ko....may gusto na ako sa kanya" nagulat nalang ako sa sinabi niya

"Sino?"

"Si JM" at mas lalo ko pa itong ikinagulat nung binanggit niya ang pangalan ni JM.

"Alam mo naman siguro ang sitwasyon ko diba?" sabi ko sa kanya, oo ang totoo matagal na akong may nararamdaman kay JM.

"Oo, pero di ko talaga mapigilan eh, tsaka sabi mo naman na naiinis ka sa kanya diba?" parang nakaramdam naman ako ng konting inis.

"Di ako naiinis sa kanya kasi mahal ko siya, alam mo yun Baek"

"Pero yun ang sabi mo sakin"

"Ano pang dahilan ko kung bakit ako nandito sa Pilipinas?" sabi ko naman.

"Pero hyung mahirap talagang hindi magustuhan si JM"

"Kaya nga mas maganda eh kalimutan mo na siya"

"Di yun ganun kadali, napalapit narin siya sakin" medyo hindi na ako nakapagtimpi talagang konti nalang.

"Alam mo naman palang di madali eh, tsaka sabi ko sa'yo eh kaibiganin mo lang at magpanggap na kababata niya para may maalala siya kahit konti sakin pero di ko sinabi na ibigin mo Baek" tapos eh umupo na ako sa may upuan dun.

"Di ako susuko sa kanya hyung kahit may Boyfriend na siya o kahit IKAW pa ang humadlang hyung, sorry talaga" napatayo naman ako sa kinauupuan ko at napahawak sa kwelyo niya.

Playful Love (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon