Chapter 1- Every Ending Has A New Beginning

65 6 1
                                    

Shannon/Kaylee/Shaylee/Shay ----->

______

“Shannon Kaylee Dizon.”

“Uy girl Shaylee ikaw na tinawag punta ka ng stage congrats!”

Kahit kailan talaga ‘tong best friend ko hahaha. Ayun tinawag na ‘ko papunta na ako stage naming ngayon. Yehey! Kasi gagraduate na ‘ko ng elementary.

Ayun nakita ko na rin si Mommy papunta sa stage, siya kasi magsasabit ng medal ko kasi kahit makulit ako akalain mo nagging 3rd honorable mention pa ako ^_^

“Congrats Shaylee!”

“Thank you po Ma’am mamimiss ko po kayo super!” Sabi ko sa principal  namin siya kasi nagbigay ng certificate sa ‘kin.

“Congrats Shaylee, wag ka ng pasaway ah.”

“Hahaha opo sir! Promise po yan Thank you po!” At pagkatapos kong sabihin yun sa Adviser namin binigay niya na kay mommy ang Gold medal hehe! Sa wakas tapos na paghihirap ng pagiging elem.. Pero balita ko mas mahirap yata ang high school pero Masaya kaya naman naeexcite talaga ako.

“Congratulations ‘nak, I’m so proud of you.” Sabi ni mommy sa ‘kin

“Thank you po Mi :*” At sinabit na sa ‘kin ni mommy ang medal.

Picture picture, kanta ng graduation song, kain ng handa at may konting iyakan jan natapos ang Graduation namin pero mamimiss ko talaga mga kaklase ko 6 years ko kaya silang nakasama pero syempre mas mamimiss ko yung tatlong kong best friend sina Mei, Trish, at Razmi.

“Yesterday brought the beginning, tomorrow brings the end, and somewhere in the middle we became the best of friends.”

_____

Ako nga pala si Shannon Kaylee Dizon, 13 years old at incoming freshman student owyesss! Mabait ako ^_^ at masiyahin, payong kaibigan ba hanap mo? Hahaha madali lang yan lapitan mo lang ako at mag-usap tayo ng puso sa puso XD. Ang dami kong school na pinagpilian pero ang napali ko ay ang Lewaxm University. Hindi ko na makakasama ang mga bes ko kasi iba iba kami ng school kaya sobrang mamimiss ko sila.

Mabilis lumipas ang araw at hindi ko namalayan na pasukan na pala.

Syempre kinakabahan ako, nakakatakot kaya kapag first day imagine bukod sa magpapakilala ka sa harap ng buong klase, ang hirap maghanap ng new friends haha kinakaba ako baka magmukhang akong loner na pinakaayaw ‘kong mangyari. Sino bang mag gusto nun? XD

Maraming kabaligtaran ang nangyari sa mga iniisip ko, marami na akong friends ngayon at sobrang saya silang kasama ^_^ pero dumadating talaga yung time na namimiss ko yung tatlo (Mei, Trish, and Razmi)

Madaling lumipas ang panahon at hindi ko namalayan na natapos ko na ang 1st year and 2nd year ko. Sa buong kabuuan super enjoy ako sa high school life ^__^ (a/n: sorry sa super fast forward xD kung pahahabain ko pa baka matagalan pa flow ng story. Kamsahamnida!)

Sa pagpasok ko kaya ng Third year may maganda na kayang mangyari sa akin? Sana maging Masaya pa rin kahit mahirap at sana rin madagdagan ang friends ko  ^____^

_______________

1st on going story, sana maayos kalabasan nito =))

I Heart Question Mark (?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon