" Ano ba talaga tayo?" ito na yata ang pinakamahirap na tanong para sagutin ko. Ewan ko kung bakit. ewan ko kung kailan ko masasagot ang tanong na yan.
No. I am not a player. Never. Hindi ko naman sinasadyang ma-fall ang lalakeng nagiging close sa akin. Siguro dahil sa sense of humor at cute smile ko. I am not lifting my own chair but it was according to them.
Totoong mas mahirap mang busted kesa makipag-break. Madali lang sa akin ang magpanggap na nakamove-on na kahit sa totoo lang hindi pa. Dahil na siguro sa pride at sa fact na ako ang nakikipag-break. Mas mahirap magreject ng lalake dahil mahirap maghanap ng tamang mga salita para hindi siya masaktan at hindi maapektuhan ang pagkakaibigan ninyo.
Hindi ako paasa. Mahilig lang talaga ako sumakay sa mga trip ng mga lalake lalo na kung nahahalata ko nang may gusto sila sa akin. Well, not to give them hope but to use the opportunity to know them more whether kung okay ba silang kaibigan o hindi. Haay buhay! Hindi ako maganda, sadyang maalindog lang.
"Crush ka daw ni Arjay" bulong sa akin ng classmate ko
"Talaga?" sabi ko
"Oo no. Siya kaya mismo nagsabi sa amin. Nagtanungan kasi kami kanina"
"Ah" kita mo tong isang to sinabi pa sa akin ang mga pinag-usapan nila. Sure akong nangako silang walang sasabihan pero heto siya at ikinalat na. Haay! Classmates ko talaga mga effective messengers. At takenote na nasa 6th grade pa lang kami.
" Ui...crush mo rin siya no!" Naks! kung maka-conclude ah! hanep!
"...." hindi ako makasagot. Syempre pagsasabihin kong crush ko siya magsisinungaling ako at baka umasa pa yung tao kawawa naman. Kung sasabihin ko namang hindi, well baka masaktan siya at hindi ako pansinin kasi malalaman niyang hindi ko siya crush at ma-awkward siya seatmates pa naman kami. HAaaay!
"Ano na? crush mo?"
"Err...secret!" at umalis na ako. Bahala siya kung anong iisipin niya basta wala akong sinabi. Hoho!
Klase na namin at langya naman ako ang na-aawkward eh. Ito na nga bang sinasabi ko kaya ayoko minsan malaman ang damdamin ng iba eh! Hindi sa sinasabi kong ako ang crush ng lahat ah pero kasi mas masaya ang buhay kung kaibigan ko lang lahat at walang crush na involve. Naman!
Hindi na masyadong natural ang kilos ko pero syempre hindi niya dapat mahalata yun. At dahil sa magaling ako sa manhid-manhidan at nag-iisang talent ko yun, taraaan! Break na! Matagumpay kong nairaos ang buong oras.
“Nasha, ihiram mo naman kami ng gameboy kay Arjay oh”
“Ha? Bakit ako?” nga naman! Ano ako alipin para utusan?
“Eh crush ka niya eh..siguradong pahihiramin ka nun”
“Sige na..”
Wow ha! Gamitin ba naman ang feelings ng iba para sa sariling kagustuhan? Kaya dumarami ang manggagamit sa mundo eh!
“Nasha please?” Boom! And he said it. ALangan namang tumanggi pa ako. At puro lalaki pa yung nag-pplease ha..edi talo na talaga ako. Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kawawang Arjay.
“Arjay” lumingon siya sa akin “Pwedeng pahiram ng gameboy mo?”
“Sige” sabay bigay sa akin ng laruan niya
“Thanks” smile
“Ayan” abot ko sa kanila
“Salamat ha!”
“Ewan ko sa inyo.” Lumabas na ako dahil hinihintay pa ako ng mga bffs ko sa labas para bumili ng meryenda.