II.

12 1 0
                                    

Dumating na naman ang pinakakakatakutan ko. Isang kahindik-hindik na Lunes na naman ang dumating. Hindi ako makapaniwalang wala na naman akong ibang ginawa sa buong weekend kundi ang manood ng snow white at Cinderella kasama si Jade, nakababatang kapatid ko.

“Nasha!! Nasha!!”

“Hmm?”

“May sasabihin ako sayo!” laki-laki pa ng smile ni Tiffany

“Ano ba yun?” para naman kaseng ang importante ng sasabihin niya

“Crush ka daw ni Gino!” BAAANG! Ano daw? Nabingi ata ako? "Ui! Ui!" nagising lang ako sa katotohanan nang pagsusundutin ako ni Tiffany.

Nga-nga lang ang nagawa ko. Eh kasi naman eh kakakilala lang namin. No, kakakita lang pala namin nung Friday at ngayong Monday malalaman kong crush niya ako? Ano yun nadevelop over the weekend?

“Ui Ui..HAHAHA!” ayun nga nagsimula ang pangbubully este pangtutukso nila sa amin. Ewan ko sa mga lalake pero ang daling madevelop.. Hay!

At dahil nga magkatabi lang ang classroom namin, hindi talaga maiiwasang magkita kami at pareho kaming may circle of friends na puro club member ng loveteam namin. Kaya araw-araw akong tadtad ng “ui si Gino oh” “ui ayun siya oh” o kaya “Si crush oh” eh hindi ko naman siya hinahanap o crush. Hay ewan!

Dumaan ang mga araw at dahil nga sa bawat araw na dumaan ay laging pinaaalala si Gino sa akin.

Umuupo kami tuwing recess sa labas ng classroom namin kung saan kita rin kung may lalabas sa classroom nila. Dati naman  komportableng-komportable akong umupo at gumawa ng kung anu-ano dun pero ngayon parang cautious na ako masyado sa mga kilos ko. Hay!

"Nasha!" iniangat ko ang ulo ko. Nakita kong naglalakad ang gropo nila Gino sa harap ko at alam kong tinawag ako ng barkada niya para makita sila. Shocks! Salamat sa pag-aabala ha! Kumabog tuloy ng malakas ang dibdib ko. Uminit ang pakiramdam ko eh nine pa lang ng umaga! Kaloka teeh!

Ngumiti lang ako alangan namang magpakafeeling close ako at tanungin sila kung kamusta sila o magkano baon nila. Lalabas naman akong weird nun diba? Kakahiya nuh!

Dahil nga sa gradeschooler pa lang ako, wala pang cellphone ang nasa mga kamay ko. Kaya mabagal ang pag-unlad ng aming love story ni Gino eh..walang powers ng technology..HAHAHA! Ang landi ng isip ko nuh!

Hindi ko alam kelan pero parang napansin ko nang crush ko na rin siya. I don’t know pero parang pumogi siya sa paningin ko. Maitim siya pero matangos ang ilong, maganda ang mata at cute kung ngumiti. Siguro nga late ko nang napansin yun dahil ayoko siyang tignan dahil nahihiya ako at hello nakakailang kaya.

Dahil sa pagiging masugid ng aking mga bffs na paaminin ako na crush ko si Gino, edi pinagbigyan ko na. Inamin ko sa kanilang crush ko na rin siya para tapos na ang mga hinala nila. HAHAHAHA! Dahil na rin sa pag-amin ko mas lalo kaming inasar kaya mas lalo tuloy akong nadevelop.

Yun oh! HAHAHA! Pag-ibig na kaya ang nararamdaman ko. Kasi naman eh parang nalevel up yung feeling ko kumpara sa ibang naging crush ko. 

Si Arjay? Okay naman siya. Okay nalang siguro. Di rin ako sigurado.

Siya na rin kasi mismo ang nagpresinta na sabihin kung sinong crush niya. O diba! AHAHA! Wala akong ka-effort-effort na nakaupo katabi niya kasi nga seatmates kami nang bigla siyang magsalita.

“Gusto mo bang malaman sino crush ko?” Medyo nagulat ako kasi nawala na yung interes kong malaman eh and wala naman talaga akong interes nung una pa lang..sama ko ba? Di naman siguro. At para magbigay ng kahit maliit na respeto sa suggestion niyang topic ng aming usapan, I acted as if I was sooooooo excited to hear my name.

Akala ko sasabihin niyang ikaw, Nasha or whatever pero may pinagpipindot siya sa gameboy niya at ipinakita sa akin. Para atang journal yun at nakasulat na “Ikaw lang Nasha ang iibigin ni Arjay” Naks naman! Heavy confession pre! Kakaiba eh. Pero kahit anong klaseng confession pa ang gawin nito eh wah epek pa rin nandyan na si Gino eh at hindi ko talaga siya bet.

I smiled he also did. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Napansin niya siguro yun kaya tumayo siya at pumunta sa ibang classmates namin. Napasandal na lang ako sa upuan.

Haay! Kita niyo na mas mahirap mag-reject without hurting other’s feelings. Kahit wala akong kasalanan, merong guilt akong naramdaman at pag-aalalang may magbago.

Pero sa pagdaan ng araw, wala naman akong napansing nagbago kay Arjay. Ganon pa rin siya mang-asar at kumausap sa akin. Mabuti na ngang marunong siyang magmanage kung ano man ang nararamdaman niya sa kabila ng nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi ako maganda, sadyang maalindog langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon