Hay buhay! Paulit-ulit na lang. At dahil sa boredom ko at dahil parang na-traffic pa ang teacher namin eh naghanap ako ng malilibangan.
“Sinong crush mo?” bigla kong tanong kay Arjay. Bang! Parang tanga lang no? ganyan ako mag-manhid-manhidan.
Hindi na ako umasang magugulat siya o anuman eh sa wala akong ibang maisip gawin eh at tinatamad akong pumunta sa seat ng mga kaibigan ko.
Diretso akong nakatingin sa kanya kasi hindi ko naman siya crush kaya hindi ako naiilang tumingin sa mga mata niya. Ngumiti muna siya at sinabing…
“Secret” Haa! Kung pwede lang tumawa ng pagkalakas-lakas ay ginawa ko na. Sabihin ba namang secret? Eh parang buong klase alam na eh. Ewan ko sa kanya at mabuti naman pumasok na yung teacher namin at baka tuluyan na akong tumawa.
“Nasha, pinapatawag ka ni ma’am Monette” naputol tuloy ang mga piang-iisip kong kalokohan.
“Bakit daw?”
“Ewan ko?”
“Okay. Sige salamat” Edi pumunta na ako sa classroom niya. Filipino teacher siya pero hindi siya ang nagtuturo sa section namin. Ano kaya ipagagawa niya sa akin?
“PO? ANO PO?! BAKIT AKO? WALA PO AKONG ALAM SA MGA GANYAN! AYOKO PO. HINDI KO GAGAWIN! BYE!” sabi ko sa kanya sabay labas ng classroom niya.
Pero joke lang. Ayoko naman ma-suspend o maparusahan dahil sa paninigaw sa kanya. Syempre sa isip ko lang yun. Sabi niya kasi…
Ehem Ehem Ehem “ Ikaw ang napili kong representante ng klase niyo para maging sisang baliw sa darating na Buwan ng Wika at ako ang magsasanay sa yo” oh diba..pinanindigan ang pagiging Filipino major.
Matapos niyang sabihin ang kagimbal-gimbal at kasaklap-saklap na balita sa akin ay yun ang mga gusto kong sabihin pero dahil ayoko nga makatanggap ng red card este parusa pala…edi “Okay po ma’am” yun lang naman ang lumabas sa bibig ko.
Instant artista ang labas ko nito. Naks naman! Ano ba napasukan ko! At magiging sisang baliw pa ako ni hindi nga ako mahilig sa heavy dramas o kahit melodrama lang eh. Solid pa rin kasi ako sa snow white at Cinderella kaya wala akong idea kung paano aakting sa harap ng maraming tao.
Practice daw kami sa weekend kaya binigay niya na sa akin ang libro na iuunan este mememoryahin ko. Takot ko lang kasi hindi ko alam kung anong personality meron si Ma’am Monette.
“Bakit ka pinapunta ni Ma’am sa kanya kanina?” tanong ni Aiah isa sa bff ko
“Yun ba? Ako daw yung kukunin niyang representative ng section natin”
“Para?”
“Buwan ng Wika, Sisang baliw daw”
“Eh may kinuha na si Ma’am Evelyn eh” sambit ni Jea tinutukoy niya yung Filipino teacher na nag-hahandle sa amin
“Ganon? Kelan?” Edi masaya! HAHAHA
“Kanina nung umalis ka”
“Edi maganda para hindi na ako magmemerize nito” turo ko sa libro
Dahil sa plano kung sabihin kay Ma’am Monette ang nalaman ko at aatras na ako, hindi na ako nagsayang ng oras para buksan pa ang libro. WAHAHAHA!
“Tutuloy ka pa rin at mag-eensayo tayo sa Sabado” sabi ni ma’am with a straight face
“Sige po ma’am…sasabihan ko na lang po si Ma’am Evelyn” saka ako lumabas
Naman! Akala ko pa naman makakawala na ako dito sa artista-artistahan na to. Hindi pa pala. Pero pano to? Dalawa na kami sa section namin? Baka isipin ng iba na naniniguro kami sa panalo. HAaAAY!
NAgpraktis nga ako ng nag-praktis hanggang sa dumating ang araw ng kabaliwan este contest. At hindi naman nakakadisappoint ang first time ever acting ko dahil third ako. HAHAHA! Pero hindi ko lang alam kung totoong matutuwa ako dahil sa place ko o magdududa sa sarili ko kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Dami ng tawa’t iyak ko kanina eh. Di bale na atleast tapos na ang kalbaryo ko. Ahihihi!
By the way, honor student nga pala ako kaya hwag na kayong magtaka kung bakit ganoon na lamang ako kamasunurin sa kanila. Alam na..may pinangangalagaan.
Sa wakas at tapos na ang program…ang sarap sa pakiramdam at the same time Friday pa edi doble ang saya. Section namin ang incharge sa paglilinis ng stage at dahil mabuti akong estudyante, hindi ako tumulong sa kadahilanang may participation na ako kanina. WAHAHAHA! Ang sarap ng life!
Habang naghihintay sa mga bffs kung nagliligpit sa stage dahil mga honor din sila, nahagip ng mata ko ang isa ko pang bff na nagbibisekleta. Hindi siya tumutulong sa paglilinis at wala rin siyang ginawa kanina sadyang mas pinili niya lang talagang manghiram sa bike ng tagakabilang section. At dahil gusto ko ring humiram edi takbo agad ako sa kanya! HOHOHO
“Karm! Kaninong bike yan?”
“….” Walang sagot
“Karm? Kanino yan?!”
“….” Wala pa rin
Ganon ha! Tumakbo ako para harangan siya! Wahaha!
“Kanino to?” sabay smile..Akala mo ha
“Kay Gino” sabi niya sabay pedal ulit
“Ha? Sino yun?” swear classmates ko lang at ilan-ilan sa mga kabilang sections ang kakilala ko. Hindi naman kasi ako mahilig makipagkilala eh.
“Hiram ako!” sigaw ko
“Manghiram ka sa kanya” sabi niya at tinuro ng nguso niya ang nasa likuran ko..edi lumingon ako..
Slowmo! Parang may musika akong naririnig at bumilis ang tibok ng puso ko…Cloudnine!
Hindi joke lang. Hindi ko nga kakilala eh at parang ngayon ko lang siya nakita kahit magkatabi lang yung rooms namin. Sorry naman. Hindi rin naman ganon ka-wide ang imagination ko pagdating sa mga ganong bagay..remember snow white at Cinderella solid ako.
“Pahiram ako ng bike mo ha” SMILE walang hiya-hiya sa taong nangangailangan. AHAHAHA! Masaya lang kaya walang second thoughts. Um-oo naman siya kaya takbo na ako sa bike. HAHA! Wala na ngang thank you eh..ganon ako ma-excite..nakakalimutan na ang mga bagay-bagay sa mundo.
Naenjoy ko naman ang pagbabike. HAHAHA! Tsaka na ako nag-thank you syempre. Tumulong na rin kami ni Karm sa mga alipin sa stage para mapadali ang trabaho at makauwi kami ng maaga. Nilagay na namin ang mga box sa conference hall at dahil sa dakila akong kaibigan isang box lang ang binitbit ko at hinintay silang magligpit ng mga natitira. HAHAHA! Atleast tumulong ako nuh.
Tumambay ako sa harap ng Conference Hall kasama si Karm sino pa ba? Habang nagkukulitan, dumaan si Ma’am Evelyn sa harap namin at nakisali sa chikahan.
“Ui congrats Nasha ha.”
“Thank you mam” Smile
“Bagay sayo ang kulot” Naks naman. Kumulot kasi buhok dahil sa ginawa dito kanina. Pinilit ginulo para magmukhang ilang buwang hindi nakaligo kaya nung sinuklay ko ayun kumulot.
“Ngeh…” nahiya naman ako
“Totoo. Bagay sayo”
Tumawa lang ako pero sa loob ko gusto kong humalakhak at hwag ng maligo sa mga susunod na araw. HAHAHA! Ganon ako ka-fluttered.
Nga pala..classmate ko ang nanalo sa baliw-baliwan kanina, second yung classmate ni Gino at third ako out of 8 contestants. O diba!