Chapter 1
Ang pinaka masakit sa isang one sided love ay ang pagtanggap na wala talaga siyang gusto sa'yo..
-March 2004-
Masugid na nakatingin si Kara sa pinto para mapagmasdan ang "love of her life".
"Uy!" sabi ni petty, ang matalik na kaibigan nito.
Hindi umimik si Kara habang nakatingin sa lalaki na nagsasalita sa harapan.
"Mag-ingat ka Kara ha. Kasi onti na lang, mapuputol na yung sinulid mo sa utak eh."
Tumingin pabalik si Kara at pinalo ang kaibigan sa balikat. "Baliw na kung baliw noh." sagot ni Kara
Umiiling ang kaibigan habang napansin nito ang libro na hawak ni Kara.
"The... Sh...ack." basa nito. "Anong libro yung the shack? Horror ba yun?"
Tumingin pabalik si Kara at nagsabi " Inspirational book 'yan, ibibigay ko kay Red kasi malapit na yung graduation niya."
"Dalawang taon mo na kaya siya gusto tapos.." Biglang sumingit si Kara
"Excuse me M-A-H-A-L!"
"Ah oo nga pala 2 taon mo na siyang Mahal pero bakit ngayon mo lang siya bibigyan ng libro?"
"Eh kasi 2 taon na rin niya dinededma lahat ng pagpapa pansin ko sa kaniya kaya it's time na malaman niyang seryoso ako?" Sabi ni kara habang nakatingin sa taas.
"Oh sige, push mo 'yan girl." sabay iling nito.
Natapos na ang klase nila Red kaya nang ito ay lumabas..
"Red!" Isang pamilyar na boses ang narinig niya.
Tumingin si Red sa likod at naroon si Kara, may inaabot na libro sa kaniya.
Bago pa man makapag salita si Kara ay kinuha ni red ang libro.
Ngiti ang nakaguhit sa mukha ni Kara nang biglang tinapon ni Red ang libro sa trash can ng eskuwelahan.
Tinatawag ni Petty si Kara pero wala siyang marinig. Blanko ang lahat!
Ilang sandali pa ay may luha na tumulo sa mga mata niya. Naglakad si Petty at Kara papunta sa malapit na kapehan mula sa University.
"Kara? Alam mo ililibre kita ng milk tea."
"Ayoko.." sagot ni Kara
"Sabihin mo lang kung ano yung gusto mo, susubukan kong ibigay."
"Gusto ko ng explanation. Sana sabihin niya sa akin kung bakit? Kaya lang kahit isang beses di niya ako binigyan ng pagkakataon."
Sa loob ng ilang segundo nakatulala si Kara sa pinto hinihintay na dumaan si Red.
"Kung pwede ko lang burahin kung paano ko siya nakilala at kung bakit ko siya nagustuhan. Kung pwede lang."
-July 2002-
Sa harap ng university, doon nagsimula ang lahat....
*I'll continue the story ASAP.. Please Do VOTE for my story.. I appreciate it sooo much. Thanks ^_____^ *
(Elean Bo)
BINABASA MO ANG
Hari ng Dedma
RomanceKara likes him so much but whatever she does for him, BALEWALA LANG! Daig pa niya ang hangin sa mga mata ni Red. 10 years later Kara meets a man. He's familiar, very familiar. * Ang pinaka mahirap sa isang one sided love ay ang pagtanggap na wala...