Hari ng dedma: Chapter 1 (Continuation)

37 3 4
                                    

Chapter 1 (Continuation)

Kapag gustong gusto mo ang isang tao marami kang supply ng "hope" (hindi yung sigarilyo ah :p); kundi hoping that someday mapapansin ka rin niya.. *Ouch*..

-July 2002-

"Kara!!!" sigaw ni Petty sa telepono

"Ang suwerte mo rin noh."

"Late na nga ako ng 30 minutes eh. Asan yung suwerte dun? Sagot ni Kara

"Kainis kasi si manong driver, kung kelan late na ako tsaka pa nag-pa Gas!"

"Ay anak ng tipaklong talaga oh.."

"Oh kalma lang friend kasi walang klase."

"Walang klase? Bakit?"

"Kasi may seminar. Yun ang maganda sa pagiging Psychology major. Wahahaha Halos laging may seminar.."

"O sige papasok na ako ng University, magkita na lang tayo sa seminar hall."

"Okay. Bye!"

Si Kara ay 2nd year college sa isang Unibersidad sa Maynila at bago makarating sa eskuwelahan ay kailangan niyang maglakad ng 5 hanggang 10 minuto mula sa binababaan niya ng fx at tumawid ng kalsada.

Ang problema lang, medyo hindi marunong tumawid si Kara!

"Nakakainis naman, ngayon pa nawalan ng traffic enforcer. Paano ako tatawid niyan." Sabi ni Kara sa sarili

"Kaya ko 'to! Konting lakas lang ng loob!" Dagdag pa niya

Huminga ng malalim si Kara tsaka siya tumawid nang biglang.....

"Tooooooottttttttttt" busina ng isang jeep

Sa sandaling iyon, kinabahan si Kara. Wala siyang magawa kundi ipikit ang mga mata niya at hintayin ang kung ano mang mangyayari..

Ngunit sa kabila ng kaba at paninigas ng katawan ni Kara bigla niyang naramdaman ang init ng yakap ng isang tao.

Dinilat ni Kara ang mga mata niya at ang una niyang nakita ay ang mapupungaw na mga mata ng lalaki.

"Miss, nasaktan ka ba?" Tanong ng lalaki

Ngunit walang naririnig si Kara.

Ang bukod tangi na nasa isip niya ay ang pagmasdan ang mapupulang labi, makinis na mukha at matangos na ilong nito.

"Anghel ka ba? Teka nasa langit ba ako? Tanong ni Kara

"Di ka ba marunong tumawid? Paano kung nasagasaan ka edi ako pa ang magbabayad?" Sigaw ng driver ng jeep

Natauhan bigla si Kara at habang pinapagpag niya ang uniform niya humingi siya ng tawad sa driver.

(Siya pa talaga ang nag sorry noh. Ganun talaga pag nakakita ng Guwapo, nawawala sa sarili.)

Paglingon ni Kara sa dating puwesto ng lalaki ay wala na ito.

Naisip ni Kara na pumasok na lamang ng unibersidad ngunit alam niya na gusto niya ulit makita ang lalaking iyon.

-Sa loob ng seminar hall-

Petty: Uy girl, limang beses ba nagpa gas yung sinakyan mong fx? Ang tagal mo ah..

Kara: Nakakita ako ng anghel.

Petty: Anghel as in Guwapo?

Tumingin si Kara kay Petty at ngumiti ito.

Kara: Ganito kasi yun, nung na....

Usher: Huwag po kayong masyadong maingay. Nagsisimula na po ang seminar.

Hari ng DedmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon