Para sa isang simpleng babaeng 'tulad ni Aliana o mas kilalang Yanna, simple lamang din ang kanyang mga kahilingan sa buhay. Dahil para sa kanya paano siyang hihiling ng higit pa kung gayong hindi nga natutupad ang mga simpleng hiling niya.
Minsan talaga hindi niya maintindihan ang laro ng buhay. Bakit ba hindi puwedeng iyong hinihiling niya nalang ang ibibigay? Bakit hindi nalang iyong mga taong gusto niya ang manatili sa buhay niya?
"Lord, I cant remember asking too much from you." Lumuluhang usal niya. Nakapikit, hawak-hawak ang parehong kamay, nagsusumamo, at punong puno ng pagmamakaawa ang puso niya. "Please.. ngayon lang ako hihiling ng ganito. Iligtas mo siya. I need him, we need him. Please, I'm begging.." uutal-utal na dagdag niya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha sa kanyang mga mata.
Sanay naman na siyang parating nabibigo ang kanyang mga kahilingan, pero sa pagkakataong iyon hindi niya alam kung saan nagmumula ang pag-asang nabubuhay sa puso niya. Naniniwala siya, pinanghahawakan niya ang mga pangako nito sa kanya na kahit anong mangyari hindi siya nito iiwan. Hindi rin siya makakapayag na doon magtatapos ang kwento nila. At lalong hindi rin siya makakapayag na hindi mananagot ang kung sino man ang nasa likod ng paghihirap ng pinakamamahal niya.
Minsan na siyang nawalan ng minamahal, ikababaliw niya na talaga kapag mawawalan pa siya sa ikalawang pagkakataon.
YOU ARE READING
My Driver, My Lover
RomanceAng kwentong ito ang magmumulat sa'yo sa totoong mundo ng pag-ibig. Ang magtuturo sa'yo kung para kanino ka ba dapat nabubuhay. Ang magtuturo sa'yo kung kailan ba nagiging mali ang pag-ibig. Ang magturo sa'yo kung kailan ka dapat lumaban at kung ka...