I
Pano ko ba ilalarawan ang ganda mo?
Kagandahan mo na nagpahulog sa akin,
Kagandahan mo na naging inspirasyon ko,
Inspirasyon kong sana'y ika'y maging akin.II
Ang buhok mo ay kasing dulas ng 'sang seda,
Ang mata mo ay mas matingkad pa sa pilak,
At ang puso mo ay parang ginto sa ganda,
Kaya mahalin ka ay aking binabalak.III
Kahit anong sabihin nila tungkol sayo,
Kikilalanin parin kita na may saya.
Walang magbabago sa pagtingin ko sayo,
Dahil 'kaw lang gusto kong forever kasama
BINABASA MO ANG
Mga tula para kay crush
PoetryMga tula na para sa nagmamahal, umaasa, at higit sa lahat, kay crush. >> ☕ <<