3: Kagandahan

11 0 0
                                    

I
Ikaw, ano ang satingin mo ay maganda?
Mga puno ba? Bundok? Lawa? Karagatan?
Oo, tunay na ang mga 'yan ay maganda,
Ngunit, may nangunguna sa kanila, ikaw.

II
Ang mga bulaklak sa puno ng Seresa,
Kulay kalimbahin sobrang nakakaakit,
Di mapigilan ang katititig sa ganda.
Ikaw ang Seresang 'yon na nakakaakit.

III
Ang mga punong luntian sa mga bundok,
nagbibigay kulay sa tsokolateng lupa,
Kagandahan mo'y mas mataas pa sa bundok,
Ika'y aabutin at mamahalin, sinta.

IV
Ang mga kalmadong karagatan at lawa,
Ito ay puno ng buhay at ng misteryo,
Kaya lubos ang nais kong makilala ka,
Para matanggal, mga tanong at misteryo.

V
Puno ng Seresa at tsokolateng lupa,
Ang mga kalmadong karagatan at lawa,
Ito nga ay totoo na napakaganda,
Sa lahat ng 'yan 'kaw ang pinakamaganda.

Mga tula para kay crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon