*
CHAPTER 1 (Revenge)
-JENNA-
SHIT!
Kailangan ko na makauwi kaagad sa bahay bago pa man mag suicide tong tanga kong kapatid!
Malapit na ako sa bahay nang may muntikan pa akong makabanggan na kotse! Huminto pa talaga siya sa tabi ng kotse ko at binaba ang bintana ng kotse niya.
"HOY ANO BA! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss. Sayang maganda ka pa naman sana kung hindi ka lang tanga."
"Oh talaga? Ako pa ngayon ang tanga? Eh ikaw nga tong pagewang gewang sa kalye! At alam mo? Gwapo ka sana... Kung hindi ka lang naging panget!" At ayun pinaandar ko na yung kotse ko bago ko pa mabangasan yung mukha nung lalaking yun.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay pinark ko muna yung kotse ko sa labas. Wala na akong time para hintayin pa nila buksan yung gate.
Sinipa ko naman bigla yung pintuan ng pagkalakas lakas kaya naman lahat sila ay napatingin sa akin.
Muntikan na nga akong matawa dahil si Jenny may hawak na kutsilyo habang si Wallace ay nakaabot yung kamay sa kutsilyo at si Kuya Walden naman ay... Nanunuod lang sakanila as usual.
Tinawagan kasi ako ni Wallace nung isang linggo at sinabi na hindi na nila alam ang gagawin dito kay Jenny dahil niloko daw siya ng boyfriend niya.
Hindi naman nila masabi sabi kay mom at dad dahil world war yun! Nasa California kasi sila ngayon. At asa pa kayo.
Pero...
FOR PETE'S SAKE ANG DAMI DAMING LALAKI DYAN BAKIT SA PLAYER PA PUMATOL TONG SI JENNY?!
Sa pagkakaalam ko, 4th boyfriend ni Jenny tong manlolokong toh. Pero hindi ko pa nakikilala. Nandito kasi ako ngayon sa Italy at dito ako nag aral ng pagkahuli huling taon ko. May 3 weeks na vacation ako kaya pinauwi muna ako ni mommy ng Pinas kasi may ipapagawa siya sakto naman na ganto ang sitwasyon ni Jenny kaya pumayag na akong umuwi.Two months nalang at graduation ko na sana. Ngunit ito nga, tatanga tanga tong si Jenny kaya uuwi ako ngayon ng Pilipinas. Kahit naman ganyan siya mahal na mahal ko yan! Kaso tanga siya talaga eh. Arte arte pa!
"Jenna?" Banggit nitong si Jenny.
"ANO ANG NABALITAAN KONG NILOKO TONG SI JENNY NG BOYFRIEND NIYA HA?!" Sigaw ko sakanilang lahat.
Alam kong OA na ako pero masisisi niyo ba ako kung ayaw ko talagang masaktan ang kapatid ko?
"ANO?! LUMUWAS PA AKO NG ITALY PARA LANG DITO TAPOS TITITIGAN NIYO LANG AKO?!" Nak ng bakit ba nakatingin lang sila sa akin?!
"Chill Jenna, hindi makakabuti ang paghihisterikal mo." Sabi ni Kuya habang iniikot ikot yung baso na may wine.
"Bakit Kuya Walden? Pag naging kalma ba ako magiging okay na ang lahat for pete's sake!" Sabi ko sakanya.
"At ikaw naman Jenny ang tanga tanga mo at magpapakamatay ka pa dahil lang dun sa ex mong niloko ka?! ANG GANDA GANDA MO TAPOS SASAYANGIN MO LANG SA ISANG KATULAD NIYA?! Gamitin mo naman iyang utak mo!"
"At ikaw naman Wallace! BAKIT MO GINASTOS YUNG 10 THOUSAND NA IPON KO PARA LANG SA BEAUTY PRODUCTS!"
UGHHHH NASSTRESS TALAGA AKO DITO SA MGA KAMBAL KO!
Quadruplets kasi kami! Astig noh? Not -_- Joke.
Ang pinaka matanda sa amin ay si Kuya Walden Jammy P. Tores. Siya kasi ang unang lumabas sa tyan ni mommy. Siya din ang pinaka bossy sa amin. Lagi yang seryoso sa buhay. Usually wala nga masyadong pakialam yan. Kaya nga kanina nakatayo lang siya dyan eh.
BINABASA MO ANG
CHANGING THE WOMANIZER
RomancePaano kung nalaman mong sinaktan slash niloko slash ginago slash ginamit lang ang kapatid mo ng isang walang kwentang lalaki? Icocomfort mo lang ba siya o ipaghihiganti mo? And because I'm Jenna Tores, I prefer the second choice and take revenge. ...