CHAPTER 2 - THE PLAN

27 0 1
                                    

*

Chapter 2 (The plan)

-JENNA-

*tok tok tok

"Jenna? Yuhooo? Wake up ka na! Jenna?" 

"Ayaw ko pa." Bat ganon? Bakit naririnig kong ginigising ako ni Jenny?

*tok tok tok

"Jennaaaa! Girl! Kaloka gumising ka na hoy!" Oh, tignan mo si Wallace naman naririnig ko ngayon.

"Uhmmm..." 

"Aba't ayaw mo ha! Jenny! Let's proceed to plan B!" 

*BOOOOSH

"ANAK NG ANO BANG PROBLEMA NIYO NATUTULOG YUNG TAO---" Napatigil ako sa karereklamo ng makita ko si Wallace at Jenny sa kwarto ko? Anong ginagawa nila dito sa Italy? Ano kay--- Ay oo nga pala! Nasa Pilipinas na ako! 

"Ano ka ba Jenna! You're so tamad! You're not even in Italy na kaya wake up! Magbrebreakfast na tayo together!" Tapos lumabas na sila ng kwarto ko. Anong meron at sabay sabay kaming kakain ng breakfast? Ugh 7 am palang kaya ng umaga!

Pagkababa ko nakita ko si Kuya Walden nagbabasa ng diaryo, si Jenny naman nakapalumbaba lang, Tas itong si Wallace nagtatablet. Dirediretso akong umupo at kumuha ng ham and egg. Pero tinapik ni Jenny yung kamay ko.

"What?!" 

"Magdasal muna tayo." Sabi ni Kuya Walden. Ano bang trip ng mga kapatid ko at may kalog sila ngayon? Pumikit kami at nagsimula na kaming magdasal. Si Wallace ang nag lead. Ganito talaga kami magdasal. Hindi na nga ako sanay dahil sa Italy minsan lang talaga ako magdasal. Masama mang sabihin pero nakakalimutan ko kasi.

"Dear Lord, salamat po sa lahat lahat ng binigay ninyo sa amin. Sana magtuloy tuloy tuloy po ito. Salamat rin po at biniyayaan ninyo kami ng mabubuting kapatid. Kaya ipinagdarasal ko po na huwag sanang magalit si Jenna at Jenny sa aking naisip na plano na pagpalitin sila ng pwesto. Yun lang po, Ame---"

"Ano/You say what?!" Sabay naming rekasyon ni Jenny! 

"Nasa loob pa tayo ng dasal kaya chill muna kayo, gaya nga po ng sabi ko Lord, sana pumayag sila, Amen." nag sign of the cross na kami. Awkward silence. Ano nanamang pakulo nito ni Wallace?!

"Ano nanaman bang trip mo?! Qual è il tuo problema? Che diavolo!"

"Hala siya nag alien na si Jenna!" Bulong ni Wallace kay Jenny na rinig na rinig ko naman!

"She said, What's your problem? What the hell!" Walang kaemo-emosyong sabi ni Kuya Walden.

"Ay grabe ka Jenna! You what the hell us! Ikaw ba talaga ang sister ko? Well, you're masungit parin."

Ay ewan ko sakanila, kumuha na ako ng pagkain at kumain lang ako ng kumain. Nakakastress sila ano ba yan! Habang kumakain ako nafeel kong nakatitig sila sa akin. Tumingin ako sakanila at tama nga ako, sabay sabay naman silang umiwas ng tingin. Nakakaloka! Ayan nahawa na ako sa language ni Wallace!

"So guys, I have a plan. Kagaya nga kanina sa dasal, sabi ko may plano ako. Napagusapan na namin toh ni Den kagabi." Tumingin lang ako kay kuya Walden at tumango lamang siya. "As I was saying kanina, magpapalit kayo ng position Jenna at Jenny. Di bale Jenny, pupunta ka ng Italy. And you Jenny, you'll stay here at magpapanggap na Jenny. Gets?"  

Hindi. Hindi ko gets. Super hindi ko magets. Slow ba ako o magulo mag explain tong si Ace?

"Gosh, naloloka beauty ko. As I was saying... Ikaw Jenny, imbis na si Jenna ang babalik sa Italy para mag aral, ikaw ang pupunta doon para mag aral. di bale magpapanggap kang ikaw si Jenna. At ikaw naman Jenna, mag ststay ka dito. Magpapanggap kang si Jenny para magantihan natin yung lolokong yon! Oh diba? I'm a genius!" 

CHANGING THE WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon