4th Episode - Bull's Eye

69 1 0
                                    

4th Episode - Bull's Eye

< Ashra’s POV >

"Alonso, Cloud Meiko Montejo"

Alam niyo, nahihiwagahan talaga ako sa pangalan ni Cloud ee. Bakit kaya Cloud ang pangalan niya no? Tsaka, napaka-lalaki ang dating ng pangalang Cloud tas bakla siya? Well, sisihin na ninyo ako. Yung mga classmates ko kasi, yung tawag nila kay Cloud, Cloudia gaya ng gusto niya. Pero ako lang 'tong nag-ka-Cloud sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit eh basta yan na ang nakasanayin kong tawag sa kanya simula nang naging mag-bestfriend kami.

Kung paano kami naging bestfriend? Well, sinagip niya kasi ako from bullies at that time. Ano, 1st year pa lang ako nun. Pagkatapos niya akong tulungan nang mahimatay ako sa LRT, parang sinusubaybayan na niya ako kasi feel ko parang kung nasaan ako, nandun din siya.

Nang makarating na kami sa school namin, agad akong na-bully kasi nga yung itsura ko na masyadong maliit at payat (at maganda) parang andali lang ma-bully kaya nang masaktan na ako, sinagip niya ako mula sa mga lalaking nambully sakin. Guess niyo kung paano. Sinuntok niya ang mga lalaking nambully sakin. Take note: He was already known as the "Beki Queen Cloudia" at that time. Pero nakuha niya paring suntukin yung mga lalaking nang-api sakin. Kakaiba talaga.

Simula nun, parang natakot na ang mga lalaki sa kanya. Ni wala na ngang lumalapit sakin tsaka sa kanya parang bully-hin kami o kaya naman kantyawan. Masakit sigurong manuntok ang bakla kong bespren. Mwahahaha! Malaking pasalamat ko sa kanya noon kasi niligtas nya ako. Simula nun, palagi na niya akong kasa-kasama. Actually, siya yung palaging sumama sakin. Nasanay na yata ako sa presensya niya kahit na makulit siya at brat kaya ayun! Naging mag-bestfriend na kami hanggang ngayon. Kaya siguro Cloud parin ang tawag ko sa kanya kasi nga may nabugbog siya kaya na-conclude ko na may lalaki pang nagtatago sa kaloob-looban niya.

Pero tanggap ko na talagang beki na sya at wala nang pag-asang maging lalaki pa siya talaga. Kaya ko nga nakuhang maghubad sa harap niya e. (UY! Pero hindi pa ako naghubad as in hubad talaga sa harap niya ah! Langya! Bata pa po tayo at tsaka porn na yun! Humor tsaka Teen fiction po itech, hindi non-teen fiction. >.<)

Nasabi ko lang ang lahat ng 'to kasi nandito ako ngayon sa harap ng bulletin board kung saan ipinopost ang mga top 10 students namin para sa grading na 'to. Nastuck lang ako sa nakakaagaw-pansin na pangalan ni Cloud. Ulap lang kasi. XD

Nasa 3rd place ang pangalan ni Cloud. Wow lang. Antalino niya po, FYI. Mahilig yun sa de-lecheng Math na yan. Ako naman? Hoho~ Nasa last spot ng klase. JOKE LANG! Labo ko talaga. 31st place ako out of 50 students sa buong 4th years ngayon. WOW~ Galing, bumaba pa ako ng 1 spot. -_______-

Naramdaman ko na lang ang tap ni Cloud sa balikat ko. "Okay lang yan bespren. May 2nd grading pa." sabi naman niya sakin.

Nagbuntong-hininga naman ako. "Di yan ang pinoproblema ko ee."

Bespren Kong Bakla (Working Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon