Chapter 7: Peace

5.5K 50 0
                                    

Elle POV
Pagmulat ng mata ko ay mukha ni Clark ang sumalubong sakin. Tulog na tulog ito habang nakaupo at nakaunan sa kama.

'Hindi ba sya nahihirapan?'

Marahan kong hinaplos ang pisngi nya. Hinalikan ko rin ito ng marahan. Natawa ako ng mapansing hindi man lang nito naramdaman ang ginawa ko. Dali dali akong tumayo at bumaba. Ihahanda ko ang umagahan nya!

Naghanap ako ng mga gagamitin sa ref nila. Since pagbabake lang ang alam ko, yun lang ang gagawin ko. Inihanda ko ang mga gagamitin para sa pag gawa ng brownies. Matapos ang ilang minuto ay nagawa ko na ang mga dapat gawin. Isinalang ko ito sa oven at hinintay na ma bake yon. Habang naghihintay ay naghanda ako ng chocolate coffee na paborito nya.

*Ting*

Tapos na ang brownies ko! Nagmamadaling lumapit ako sa oven at walang ano anong binuksan at hiwakan ang mainit na tray. -______-

"Ouch!" huhu ang tanga ko. Napaatras ako at muntik ng maihulog ang tray ng brownies. May brasong agad humawak sa bewang ko para alalayan akong tumayo at di matumba. Isang kamay din ang humawak sa tray dahil mabibitawan ko na ito sa sobrang init na dala nito.

"Careful.." mahinang bulong nito.
Halos magwala ang puso.

"Kuya Clyde." wika ko at agad napalayo sa kanya. Napalinga linga ako.

'Whew! Wala si Clark'

"Kuya?" natatawang tanong nya at saka dahan dahang ibinaba ang tray ng brownies.

'Hindi ba sya naiinitan?'

"Hmmm. Okay na naman kase tayo kaya naisip kong tawagin ka ulit na Kuya."

"Okay." maikling sagot nito. Lalakad na dapat sya palayo ng pigilan ko sya.
"Teka, sabayan mo na kami sa pagkain."
"I don't think that's a good idea Ara." nakangiting sagot nya ngunit mababakas ang kalungkutan sa mukha nya. Kitang kita rin ang mga pasa nya sa mukha.
"Sorry... Kakausapin ko na lang si Clark."
"Thank you." sinserong sabi nya at umakyat na papuntang kwarto nya.

Ilang minuto lang ang lumipas ng bumaba si Clark. Kinukusot nya pa ang dalawang mata habang bahagyang nakanguso.

'Cute'

"Good morning baby!" masiglang bati ko sakanya.
Matipid na ngiti lang ang isinagot nya.

'Galit pa rin sya'

Agad ko syang nilapitan at mahigpit na niyakap.
"Sorry baby.."
Bahagya nya kong inilayo sakanya.
"I understand."
"No. Gusto kong ipaliwanag sayo kung ano talagang nangyare." pagpipilit ko.
"Alright. We'll talk about that later." pagsuko nya.

Nagawi ang paningin nya sa mesa.
"You made this?" tanong nya habang nakatingin sa inihain ko.
Masigla naman akong tumango.
"Yup! Kainin mo na habang mainit pa."
Agad naman syang naupo. Tinabihan ko sya at nagsimulang kumain, ganon din ang ginawa nya.
"Sarap mo talagang magbake." nakangiting saad nya. Napahagikhik naman ako.
"Clark, galit kaba sa Kuya mo?"
Nakita kong umigting ang panga nya dahil sa tanong ko.
"Yes." maikling sagot nito.
Hinawakan ko ang braso nya.
"Yung nakita mo, hindi yon gaya ng iniisip mo. Wala ka bang tiwala sakin?" pagpapaliwanag ko. Tinigil nya ang pagkain at saka humarap sakin.
"I trust you, it's him whom I do not trust." sagot nya.
"Nagpapatulong sya sakin." pagpapatuloy ko at hindi na lang pinansin ang sinabi nya. Mataman naman syang nakikinig.
"May babae daw na ayaw syang tigilan kaya..."

"Kaya?"
"Kaya hiningi nya ang tulong ko." napayuko ako.
"Of all people, bakit ikaw pa ang hinihingan nya tulong?"
"Hindi ko alam." hindi ko na sinabi yung tungkol sa video.
Nilingon ko sya at nakita kong tila malalim ang iniisip nya.
"Patawarin mo na sya Clark, Kuya mo yon." pagkukunsinti ko.
"Alright. I'll talk to him later." pagsuko nya.

Napatalon ako sakanya dahil sa tuwa. Niyakap ko sya at sinubsob ang mukha sa dibdib nya.

"Thank you." mahinang bulong nya.

Naramdaman kong hinalikan nya muli ang tuktok ng ulo ko.

-_______________________-

'Teka?'

'Isip'

'HAHAAHAHAHA!'

Nakaisip ako ng kalokohan. Hehehehe.

Agad akong kumandong sa kanya.
Naramdaman kong natigilan sya.

"W-what are you doing?"
"Reward! Mabait ka kase baby kaya kailangan mo ng reward!"
Nanlaki ang mata nya ng idiin ko ang sarili ko sa kanya.
"Damn.." mahinang bulong nya.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya at binigyan sya ng maliliit na halik.

Rinig ko ang marahas na buntong hininga nya.

"If you continue doing that, I might do something unacceptable." nahihirapang bulong nya.
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paghalik sa tenga nya.

'I love this man so damn much!'

Naramdaman ko ang mga kamay nya sa bewang ko.

"Baby..." mahinang bulong ko sa tenga nya.
"I love you..."

Natigilan sya sa sinabi ko. Maging ako ay natigilan. We never said those words to each other before. Napakagat ako ng labi ko.

Bahagya nya kong inilayo para makita ang mukha ko.

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong nya. Namula naman ako.

"You love me?" pag uulit nya.
"Kaya nga kita sinagot noon eh! Dahil mahal kita!" naiiritang sagot ko para maitago ang hiyang nararamdaman ko.
"Sorry baby, it's just that... You've never been vocal towards your feelings for me before.."
"I love you too." dugtong nya.

Ako naman ang natigilan. Hearing those words coming from him gives me unfamiliar feelings.

Hinawakan nya magkabilang pisngi ko at dinampian ako halik sa labi. Nanatiling nakadikit lamang iyon at hindi gumagalaw. Ako na mismo ang naggalaw sa labi ko para halikan sya. Agad naman syang tumugon. Iba't ibang pakiramdam ang naramdaman ko. Ang halik nya ay talaga namang puno ng pagmamahal. Tumulo ang luha ko sa kabilang pisngi dahilan para matigilan sya.

"Baby, what's wrong? Ayaw mo ba non? Nabastos ba kita? Damn it! Tell me!" hindi sya magkamayaw sa pagpupunas ng luha ko.

Nakangiti akong umiling.
"No. Wala to. Mahal lang talaga kita. I love you so damn much Clark." bulong ko at niyakap ulit sya.

Napabuntong hininga sya. Niyakap nya din ako pabalik.

"Anong oras na baby?" bulong sakin ni Clark.
"9:45." magdadate ba kami? Hehehe.
Inilayo nya ko ng bahagya sa kanya at tinignan nga mabuti.

Bigla nyang pinitik ang noo ko.

-___________________-

"Late na tayo."

Nakanguso akong bumaba sa kandungan nya.

"Panira ka talaga ng moment!" sabi ko at nagmamadaling umakyat.

'Syet, late nako! T_____________T'








'Sup? Hehehe oh ayan na! May moment na sila ni bebe Clark. Next chapter ay sa kanila parin ni Clark! HAHAHAHA. Keep reading and voting! Love you people!'

In between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon