Chapter 1- Mr. Full of Himself

131 4 1
                                    

"OK ready!

ONE

TWO

THREE

ACTION!!!"

Yan na ang sinasabi ni direct nung mabihisan ako pero eto ako ngayon isang dakilang extra sa shooting na ginagawa nila, hayss hinabol habol pa nila ako para pala maging extra!.

Oo nahabol nila ako! =_______=

Sukat ba naman kasi natapilok ako kaya naabutan nila ako. Kung hindi yun nangyari baka nasa bahay na ako ngayon at nagpapahinga. =_______=

Ginawa lang naman nila akong waitress sa ginagawa nilang comercial ng NESCAFE, pero hindi pa ako pinapalabas kaya eto ako ngayon taga masid ng mga artista dito. Oo na sila na ang alagang BELO ang ganda at ang gwapo kasi eh. Pero wala ako ni isa sakanilang kilala hindi naman kasi ako mahilig manood eh, pero isa lang ang kilala ko at yun ay si Leigh Ramos, noon hindi talaga ako nanonood ng T.V. pero simula ng makita ko ang mala Adonis na mukha ni leigh eh araw-araw ko nang sinusubaybayan ang mga show niya, nag-iipon din ako para lang mabili ang bagong labas na CD niya ganyan ako kaadik sakaniya ang galing niya kasi mag-guitar,kumanta at sumayaw, medyo magaling din siya umarte pero hindi ganoon kabihasa.

Hihihi ayan lumalandi na naman ang isip ko. Sayang hindi siya yung nandito na artista. Pero infairness ang gwapo din nito. Mukha nga lang na bad boy.

By the way siguro nagtataka kayo kung pano ko siya nakilala? Well it's been 2 years ago.

-- Flashback --

" Hoy! Leona, bilisan mo na baka mawalan tayo ng upuan kapag nagtagal ka pa dito."

Yan ang bestfriend kong si trixie na kanina pa nagmamadali dahil dun sa artistang pupunta daw dito actually hindi ko siya kilala at wala akong hilig sa mga artista pero ano pa nga bang magagawa ko hindi ko pwedeng tanggihan itong bestfriend ko kasi naman nakapangako na ko sakaniya na sasamahan ko siya wag lang niya ako isasali sa mga singing contest sa school namin, ang babaw ng reason noh! pero para saakin big deal na yun kasi never pa ako kumanta o sumayaw sa harap ng maraming tao, kaya ayun na isahan ako nitong bespren ko.

"Oo na eto na nga oh! lalabas na tsaka naka VIP ka naman pano ka pa mauubusan ng upuan niyan?" sabi ko sakaniya habang palabas ng powder room.

"Eto naman excited ako para sayo kasi ngayon ka lang makakakita ng artista diba?" sabi niya with matching big smile na abot hanggang tenga. -______-

" Sige sigaw mo pa para maraming makarinig. "

" Hahahaha Ikaw naman di ka na mabiro. Hahahaha " Sabi niya sabay pabirong hampas sa balikat ko. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to nakakahiya kasama. =_____=

Hindi na ako sumagot sakaniya malapit na din naman kasi kami dun sa studio kung saan gaganapin yung concert.

" Hoy! Baka naman mabored lang ako dito ah umayos ka."

" Hindi no! for sure magugustuhan mo si Leigh Ramos hahahaha." Haaay wala ba talaga 'tong pag asa.

" Oo nalang. Tsss tara na nga."

"Hohoho sure! Tara! XD"

"Baliw -____- "

After ilang minutes nagpaalam muna ako sakaniya na maglalakad-lakad lang ako habang wala pa yung artista kausap naman niya yung boyfriend niya kaya pumayag naman siya. Dumiretso ako sa National Book store para makahanap ng bagong librong mababasa. Habang busying busy ako sa paghahanap ng libro may nakasalubong ako na weird looking guy na parang kanina pa nawawala dito kaya nilapitan ko na.

Arrogant Monster [ ON GOING ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon