Chapter 11 - Changes

43 2 0
                                    

Things were going smoothly. Its been 2 months since I sign the Contract. After that night. Sunod sunod ang mga photoshoot,commercials tapos guestings ang ginawa ko.

My parents are also happy ng malaman nila ito. Matagal na din kasi nila din naman ako sinasabihan na mag modelo pero ayoko noon. Kaso nga people can always change their mind right? And besides na eenjoy ko na din naman. Kasi madalas nakakasama ko si Leigh. Ayeee ayee ❤❤ Hahaha

Pero may mga times din na si micheal ang nakaka sama ko sa mga couple shots. At isa yun sa mga nakakainis. Lagi kami nag aaway after ng shoot kasi lagi niya ako nilalait! Kesyo hindi naman daw bagay ang damit sakin o kaya ang make up. Meron din times na nilalait niya yung ibang nakakapair ko. Feeling kasi siya masyado bwiset! . Ugh!

Ngayon ko lang din nalaman na pinsan pala ni leigh yung boyfriend ni trixie nakakainis bakit nga ba hindi ko yun napansin? They have the same surnames nga naman pero diba kasi pwede naman na accidentally lang yun? Hahaha anyways.

Im on my way to school. Grabe ang bilis naman ng panahon august na agad ngayon. Malapit na din mag simula ang intramurals namin. Kaya masyado na ding busy. Hindi naman ako pinagbawalan ni Mr. Seb na maglaro sa intramurals namin kasi asset pa daw yun. Hahaha

I play basketball at ako ang team captain sa engineering. Sabay sabay kasi ang intrams namin kaya by course ang laban at ang architecture ay part ng engineering department kaya ganun. Ginawa yun para mapabilis ang intramurals. Ang daya nga eh. Hahaha pero masaya pa din kasi 2 weeks yun tapos sa last day may victory party na gaganapin. Kaya masaya pa rin siya. Hahaha

At kung dati nag tatricycle lang ako ngayon sabay na kami ni jem na hinahatid ng driver. Or minsan ako lang pala. Ayaw pa kasi nila ako kuhaan ng lisensya natatakot daw kasi sila eh. Tsk. Sabi nila kung ayaw ko daw ng driver mag hanap na daw ako ng boyfriend. Aba ang galing diba? Hahaha

" Hoy ate. Ang pangit mo naman dito " Si jem habang may tinuturo sa ipad niya. Nung tiningnan ko naman yun yung picture namin ni micheal sa isang restautrant after ng shoot namin.

" Oo nga. Lalo na yung katabi ko. Diba? "

" Ako ba o yung nasa picture? "

" Syempre naman pareho. Hahaha "

Jem just roll his eyes tapos muli siyang nag scroll sa twitter niya. Tss. What's with the boys rolling their eyes? -O-

" Tss. Bakla. "

Pabulong lang yun buti nalang di narinig ni jem. Hahaha the thought of having a gay brother is really fun! Hahaha pero mukhang hindi naman bakla tong isang to eh. Sa dami ba naman ng humahabol na bakla este babae pala sakaniya imposible naman yun diba? Graduating na din si jem sa high school kaya hindi niya pinapansin yung mga babae na nagpapansin sakaniya. Masyado kasi yang GC kaya ayaw muna daw niyang mainlove sagabal daw kase. Wushuuu if i know brokenhearted lang to eh. Hahahaha.

Nang malapit na kami sa school napansin ko na nag lagay nanaman siya ng earphone niya. Lagi niya yan ginagawa kapag magkasama kami tapos lalabas or bababa na sa sasakyan. Kaya binunot ko nga yung isa. Hahaha

" what? "

" bakit ba lagi ka naglalagay ng ganyan kapag malapit na tayo sa school? "

" akala ko ba matalino ka? Bat di mo naiisip na masakit sa tenga yung mga tili ng mga "fans" mo kuno? "

" aray naman! Kung makapagsalita ka parang imposible na magkaroon ako ng fans ah!"

" hahaha sinasabi ko lang naman na kailangan mo din minsan ipakita yung ugali mo na masungit para hindi nila isipin na isa kang santa. Ayaw mo diba sa mga pekeng tao? Bakit ngayon nagiging isa ka na sakanila?"

After niya yun sabihin bumaba na siya sa campus nila tapos narinig ko din yung mga tili ng mga nagkakagusto sakaniya habang dirediretso naman ang lakad niya na parang wala siyang naririnig.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Nagiging plastik na rin nga ba ako? Ang bawat ngiti naman na binibigay ko lahat totoo. Oo meron din mga pagkakataon na pinipigilan ko lang ang inis ko at pilit na ngumingiti sa harap nila. Hindi ko nga inaakala na magiging ganito agad ang outcome na magkakaroon ako agad ng mga taga hanga.

Pakiradam ko minsan ibang tao ako dahil sa sobrang bait ko. I mean hindi naman ako sobrang bait pero sa ngayon parang ganun ang lumalabas alam kong nag aalala lang si jem na baka kapag nakagawa ako ng isang pagkakamali mahusgahan na ako ng mga tao.

Tama! Hindi lang dapat puro good side ang nakikita nila. I should make a move bago pa magkaroon ng problema. Maybe i should let them see my bitch side >:)

--

Quick update :*

■ Comment

■Vote

Suggestions?

- Pochipey

Arrogant Monster [ ON GOING ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon