Prologue

114 1 0
                                    

When everything falls apart, napakamalas nga naman ng puso kong wasak na wasak na. Parang hindi ko alam kung pinagsakluban ba ako ng langit at lupa. Kahit halos lahat nasa akin na – pera, masayang pamilya, magandang grades, maraming kaibigan, pwera lang sa isa—which is pag-ibig. Sobrang hirap talaga pag lagi kang basted sa mga nagugustuhan mo. Masakit sa puso, masakit na sa bulsa, masakit pa sa pantog!

Kagabi, nag-bar ako para makapag-chill naman kahit papaano dahil nabigo nanaman ako sa panliligaw. Ayun, nakilala ko ang mga new found tropapips na katukayo ko – Sina Mario James, Mario Jade, Francis Mario at Mario Luigi na kapareho kong single at naghahanap ng pag-ibig sa kapwa lalaki--By the way, we're not straight pala, mukha lang 'ho. Ang napagisipan naming lahat ay magkakaroon kami ng isang challenge na paunahan kaming makahanap ng aming "the one". Tianggala! Mahihirapan ata akong makahanap ng right one ko dahil lagi pa naman akong sablay pag-dating sa ligawan. Hay! Bahala na.

Kinaumagahan, habang nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame na parang wala sa sarili, bigla na lang sumagi sa isip ko na bakit hindi kaya ako mag-feels—este road trip mag-isa baka kung sakali mahanap ko ang the one habang naglalakbay diba? Tutal, sem break pa naman and gusto ko talagang mauna sa mga tropapips ko dahil ang pinakabata ang siyang dapat mauuna.

Narinig ko na may kumatok sa kwarto na pagkalakas-lakas na akala mo parang gigibain na yung pinto ko. Tumayo ako sa kama at kaagad akong tumakbo para buksan ang pinto. Nang pagkabukas ko, nakita ko ang pagmumukha ng kotrabida/bestfriend/kababata ko—Si Styx Amiel. I attempted to close the door pero ang lakas ng pwersa niya kaya nahirapan akong isara. Wala na akong nagawa kundi papasukin ko siya dito sa kwarto.

"Ginagawa mo ditong depungal ka?" tanong ko sa kanya sabay humiga ako uli sa kama.

Bigla na lang ding siyang humiga sa kama ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko dahil bwisit na bwisit talaga ako sa kontrabidang 'to. Sisipain ko sana paalis kaso ang lakas nito eh. Mahirap na.

Hindi ko namamalayan na niyayakap na ako at may binulong siya sa akin "Pwede ka ba bukas? I need some company dahil mag-isa lang ako sa bahay."

"Hindi eh. Magro-road trip akong mag-isa. At diba, nangako ka na sabay tayo magha-high school dito pero iniwan mo rin ako?" tugon ko na may halong inis na tono.

"Nandito naman na ako ah? Sasama ako sa ayaw at gusto mo para maka bawi ako sa nangyari," pa-awtoritadong tono sa pagpipilit niyang sumama sa akin. Mapilit talaga siya kahit kalian! Nagtataka ako dahil hanggang ngayon, mapilit pa rin 'tong gagong to eh.

"Eh kung ayoko? May magagawa ka ba? Hindi mababawi yung sinira mong pangako 'yang pagsama mo." Umalma ako dahil hindi ko talaga kayang makasama siya. Pinipilit kong pumiglas sa pagkakayakap niya pero napakalakas ng kanyang pwersa kaya wala na rin akong nagawa kundi hayaan siya.

"You know me E.M., hanggang ngayon sinusuyo pa rin kita sa social media accounts pero ang tibay ko pa rin kahit di mo ako pinapansin. Kung ibang tao ako, sinukuan na kita." Pabulong na litanya niya.

"Fine! Sumama ka na, panira ka ng araw ko eh," sagot ko sa kanya habang namumula ako sa inis dahil sa pamimilit niya. See? Masyadong pushy 'tong depungal na hayop na Styx. Wala rin naman akong magagawa dahil kahit ano ang gawin kong pagtatanggi sa kanya, ipipilit at ipipilit pa rin niya hanggang sa makuha ang gusto niyang mangyari.

"Okay, pupunta uli ako bukas E.M." Sabay halik nito sa aking pisngi. "I miss you best friend." Bintaw na niya ang pagkakayakap sa akin at umalis na rin siya dahil hinahanap na siya ng mommy niya na nasa baba lang.

Isa na lang, masasapak ko na talaga siya! Halikan pa ba naman ako sa pisngi ng depungal na 'yon? Nako, hindi talaga tatalab ang pagiging malandi niya sa akin. Ayoko masira araw ko dahil sa isang lintik na 'to! Titiisin ko na lang talaga tong si Styx para lang matapos na. Pero sa bagay, baka mamaya baka siya na rin mismo ang daan para mahanap ko ang aking right one, right? Well, this is the start of our roadtrip to forever.

Earl: Road Trip To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon