2

30 1 0
                                    

Sumabay sa amin si Styx for breakfast dahil hindi pa siya kumakain simula nung dumating siya dito sa bahay. Sino ba naman kasi nagsabi na hindi siya kumain ng breakfast sa bahay nila diba? Ay! Nakalimutan ko, wala pala ang parents niya dahil sinamahan nila si Kuya Styv -- ang hot nkuya ni Styx para sa pamamanhikan for his future fiancée sa Batanes -- dahil doon nakatira ang family ng bride-to-be. He doesn't want to come there dahil nagpaalam siya kay Tita Lindi -- ang mommy ni Styx na bestfriend ni Mama since nung high school pa sila -- na magse-stay muna siya dito sa amin for a while. Ang resulta ng pagpapaalam, pumayag naman si Mama dahil daw sa kadahilanang baka namimiss ko na si Styx.

I was like, are you frigging serious Mama? You don't have any idea on what happened to us when we were in sixth grade. Matagal nang sira ang pagkakaibigan naming dalawa! Well, hindi ko rin kasi alam kung ano kasi ang pumasok sa kokote ni Styx kung bakit niya sinabi kay Iverson – my childhood crush plus first love yung feelings ko para sa kanya? I thought that mapagkakatiwalaan ko siya, at doon ako nagkamali dahil he said to him about my true feeling towards him. Hindi lang 'yon, yung oras na papatawarin ko na siya sana, saka doon siya umalis papuntang U.A.E for good nang hindi man lang niya sinasabi sa akin! Patang malaki naman po diba?

Kanina habang kumakain ay halatang masaya si Styx na kausap si Mama at mga kapatid ko. Na OP ako doon dahil parang feeling ko, parang mas masaya pa silang kausap siya kesa sa akin. Kahit ayoko marinig ang mga pinaguusapan nila, napapa-eavesdrop pa rin ako. Hindi ko rin naman kaya na umalis na lang bigla sa hapag-kainan dahil ayokong mabastos sila Mama, Kuya Earnest at Ate Eiiza nang ganun-ganun lang. Ngumiti-ngiti at tumatango-tango na lang ako sa tuwing tinatanong ako nila tungkol kay Styx.

Pagkatapos kumain, dumeretso ako sa kwarto at biglang sumama si Styx sa akin. Hindi na ako umangal dahil hindi pa naman kasi alam nila Mama na magkaaway kaming dalawa. Pagkarating namin doon, humiga lang sa kama at tinulugan ko siya. Basta, bahala siya at hindi ko siya papansinin. Hanggang sa hindi ko namamalayan na may nakayakap na siya sa akin. I feel his warm body around me, hindi na siya yung katulad nung dati na puro buto na lang ang mararamdaman sa kanya dahil medyo may laman at yung muscles na mismo ang nadadama ko. Ginagawa niya naman sa akin ito nung mga bata pa kami. Kapag naiinis o nagtatampo ako sa kanya, niyayakap na lang niya ako bigla para mapa-amo niya ako.

"Hey E.M., bati na tayo please?" pagmamakaawa niya habang binubulong niya sa aking tenga. I felt his sincerity but hindi ko alam kung magtitiwala pa rin ako sa kanya. Bagaman kahit ganoon, hindi ko rin naman makakalimutan ang samahan naming dalawa dahil marami kaming pinagsamahan niyan – from pagtutuli, first communion, family day, pagkamatay ni Papa, family outing nila, birthday ng dalawang kambal na kapatid niya at marami pang iba.

I don't respond to him. Pinilit ko na lang magtulug-tulugan para hindi siya pansinin. Patuloy pa rin ang pangungulit niya sa akin para magising lang ako. Hanggang sa kiniliti niya ako sa may tagiliran gamit ang index finger niya.

Bigla uminit ang ulo ko sa kanya. "Tianggala naman oh!" Hiyaw ko na may halong tawa dahil patuloy niya pa rin akong kinikiliti para magising ako. Alam niya pa rin talaga kung saan ang kiliti ko kahit kalian.

"Tutulugan mo pa ba ako o hindi na?" Seryosong tanong nito na may halong pag-ngisi.

Bigla na lang bumusangot ang mukha ko sa inis. "Hindi na! Tigilan mo na please?" pagmamakaawa ko sa kanya. Tinigil na niya ang pagkikipagharutan. "Aalis na tayo because I want to hear you're explanation!" Bulyaw ko sa kanya saka tumayo ako sa kinahihigaan ko.

Dumeretso ako ng aparador at kumuha ng mga damit na babaunin ko para sa road trip. Siguro, mga tatlong pares ang kinuha ko kasama na doon ang underwear. Sinuksok ko lang sa kulay grey kong Jansport bag at isinara ito. Sinukbit ko ang bag sa balikat ko at lumapit sa pinto para lumabas.

Tinitigan lang ako ni Styx habang binubuksan ko ang pinto.

"Ano pa hinhinhintay mo diyan, pasko? "  sarkastikong tanong ko sa kanya. "Tara na!" mariin na paanyaya ko sa kanya.

Agad itong tumayo at isinukbit ang bag niya sa kanyang balikat. Nang makalabas na kami kami sa kwarto ay nagpaalam na kami kina Mama, Ate at Kuya na tutuloy na kami sa road trip na gagawin namin.

Habang nasa kotse kami, napapaisip pa rin ako kung bakit nga ba talaga ginawa ni Styx iyon? Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi kailanman nagbubunyag ng sikreto sa kahit kanino 'yon. Kahit sabihin kong napakatagal na panahon na iyon, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Alam kong medyo nakakailang pa siyang kasama, pipilitin ko ang sarili na kasama siya dahil di ko naman pwedeng iwanan' to basta-basta at baka isumbong pa ko kay Mama at i-grounded pa 'ko sa pag-gamit ng kotse at ipahatid-sundo pa ako kay Kuya Earnest pagdating ng pasukan.

"Earl, ayos ka lang ba?" pambungad na tanong ni Styx habang naglalagay ng seatbelt.

"Oo naman," maikling tugon ko. "Paano mo naman nasabi na hindi? dagdag ko.

Tinitigan ako nang matagal at pinagmasdan muna ulo hanggang paa.

"You're not okay," pambwelta na sagot niya sa sinagot ko. "Halata sa mata mo na may pinagdadaanan ka," dagdag pa nito at may dinukot sa bulsa na hindi ko alam kung ano. Nang madukot na niya, bigla niyang nilagay sa dashboard ang Tic Tac.

Naalala pa niya pala ang paborito kong kendi na nagpapagaan ng nararadaman ko. Buti naman at naalala niya pa iyon.

Agad kong inpakan ang pidal at pinaandar ang kotse dahil kating-kati na akong umalis at pumunta kung saan kami dalhin ng daan. Bahala na kung ano ang mangyayari sa aming dalawa at kung ano man ang sabihin niya, papakinggan ko pa rin siya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Earl: Road Trip To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon