Chapter 043: Getting Worse

779 48 12
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Kai's POV

Halos dalawang araw na ang nakakalipas matapos makita naming lahat ang kagimbal gimbal na nangyari sa aming mga kaklase na sina Jane at Andy. Sobra naming pinagluksa ang nangyari sa kanila. At pagkatapos naming makita lahat na magkaklase ang mga laman loob na nasa loob ng broomcase namin ay napagdesisyunan ng aming Principal na ipatapon nalang din ito sa basurahan. Di dahil sa mga lamang loob na aming nakita, Kung di sobrang luma na din daw ang broomcase na yun.

At kahit dalawang araw na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang lahat dahil may nareceive na naman kaming lahat na isang chat message galing sa isa na namang Anonymous unknown sender na nagsasabing:

Chat Body: "Magtatapos na ang lahat sa Final Exams at maliligo na din kayo sa inyong mga sariling dugo."

Kilabot. Takot. At kaba ang naramdaman ko nang matanggap ko ang mensahe na yun na halos nagpatindig na ng aking balahibo. Pero kailangan ko pa ring tatagan ang sarili ko. Kung totoo nga na matatapos ang lahat ng patayan sa class namin sa final exams namin ay nanganganib talaga ang bawat isa sa amin dahil ilang araw nalang at finals na.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay sobrang tahimik ng lahat ng mga kaklase ko. Matamlay na din ang aura sa loob ng classroom namin at lahat nalang na mga positibong aura noon ay parang nawala na. Yung mga tawanan, asaran, at yung kalokohan naming lahat ay nawala na. Miss ko na ang lahat ng yun. Tanging mga ngiti nalang ang pwedeng ipakita.... Isang pilit na ngiti.

Kagaya pa rin ng dati, Tinitignan pa rin ako nila Sarah at Cool pati ng mga squad nila ng masama hanggang sa makaupo na ako sa aking upuan. Sobrang sakit nilang makatitig sa akin. Kahit ano pang paliwanag ko sa kanila ay di pa rin sila naniniwala sa akin. Ako pa rin ang pinagbibintangan nila na ako daw ang Class Murderer.

Bumuntong hininga akong umupo sa aking upuan na binati pa ako ni Sharmaine ng isang matamis na ngiti. Ang isang totoong ngiti na hindi pinipilit.

"Kai, Ba't ang tamlay mo yata ngayon?" Napakunot noo siya dahil sa pagtataka na tiningnan pa ako ng diritso.

"Ahh-eh-wala.. Hehe pagod lang talaga ako." Pinilit ko pang ngumiti.

"Wag ka ngang magsinungaling. Hayst. Alam ko naman na hindi dahil sa pagod ang dahilan kung bakit matamlay ka ngayon eh."

Yeah. Hindi sa pagod ko ang dahilan kung bakit ako matamlay ngayon, Dahil yun sa Anonymous Message ang dahilan ko kung bakit ako matamlay ngayon. Pero di ko dapat pwedeng sabihin sa kanya ang totoong rason kung bakit ako matamlay ngayon. Ayaw kong mag alala siya sa akin.

"Nang dahil ba sa Anonymous Message ang rason kung bakit naging matamlay ka, Kai?" Nabigla nalang ako sa kanyang sinabi. Teka! Paano niya nalaman? Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo ko na parang tinatanong ko pa siya kung paano niya nalaman. Agad naman niya akong tinawanan.

"Ang dali mo lang kasing basahin, Kai eh." Bulalas pa niya na humahagilikhik pa sa kanyang pagtawa na hindi pinapansin ang mga ibang kaklase namin na tinitingnan na siya dahil sa kanyang malakas na pagtawa. "Alam mo namang hindi mo ako maloloko sa mga ganyan eh." Agad naman siyang tumigil sa pagtawa at nginitian nalang niya ako.

"Nag-aalala lang kasi ako eh.." Napayuko ako sa aking ulo at pansin ko na nawala kaagad ang ngiti ni Sharmaine. "Sabi kasi dito na magtatapos ang lahat sa final exams. Eh paano kung totoo talaga ang sinasabi ng Anonymous sender na to? At alam ko naman na ang Class Murderer ang nag send nito eh dahil wala ng ibang taong gusto pang magpahamak sa ating lahat." Mahina ang boses ko pagkasabi ko nun pero malakas na yun para kay Sharmaine dahil magkatabi lang kami ng upuan. Kaya klarong narinig niya ang sinabi ko.

Class Murderer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon